Lost Academy 14: A Dangerous Thought

189K 4.9K 424
                                    

CHAPTER 14: A DANGEROUS THOUGHT

[ASPER]

           Naramdaman kong may unti-unting humahatak sa paa ko dahilan upang mas lalo pa akong lumubog sa tubig. Pinadyak-padyak ko ang mga ito upang marating ang pinakaitaas. Kasabay nang pagpupumilit kong makaahon ay siya namang pagpupurisigi ng pwersang humihila sa akin pababa.

           Kapag nagtagal ito, mauubusan na ako ng hininga at posibleng ikalunod ko iyon. Halos paubos na ang hininga ko nang maramdaman kong tuluyan nang pumulupot sa buong katawan ko ang puwersang humihila sa akin.

           Akala ko katapusan ko na ngunit sa hindi malamang dahilan ay nakatulong pa sa akin ang puwersang pumulupot sa katawan ko dahil nakahinga ako ng maayos sa ilalim ng tubig.

          Takot, kaba at samo't saring emosyon pa ang nararamdaman ko sa pagkakataong ito. Wala akong ni isang bagay na naaaninag. Napuno na ng kadiliman ang paligid.

          "Tulong," mahinang bulong ko. Pakiramdam ko nakalutang na lamang ako sa kadiliman.

         "Tulong." pag-uulit ko pa. Paulit-ulit lamang ang paghingi ko ng tulong. Nagawa ko na lahat, ang sumigaw, ang umiyak at magmakaawa ngunit wala ni isa man ang nakakarinig sa akin.

          "Ayoko rito. Tulungan niyo ako," humihikbing pagmamakaawa ko pa. Sinubukan kong gumalaw at lumutang paitaas ngunit kahit anong gawin ko, wala akong makitang ilaw.

           Patuloy lamang ako sa paglangoy paitaas nang may makita akong ilaw. Nagliwanag ang mukha ko sa konting ilaw na naaaninag ko.

           Nagkaroon muli ako ng pag-asa at nagpursiging makalapit sa ilaw ngunit habang tumatagal, kahit anong gawin ko hindi umiikli ang distansya ko sa ilaw na iyon. Masakit na ang katawan ko sa pagiging desperadang maabot ang munting ilaw na iyon hanggang umabot na nga sa limit ang katawan ko.

         "Ano ba ang kailangan kong gawin para mapalapit sa'yo?" Sigaw ko sa ilaw, "Tulungan mo naman ako oh."

         Napapikit na lamang ako sa kawalan ng pag-asa. Pakiramdam ko nakakulong ako ngayon sa walang hanggang dilim. Sa pagmulat ko ng aking mga mata, ganoon nalang ang gulat ko nang biglang bumulusok patungo sa akin ang ilaw. Palaki ng palaki ang ilaw hanggang sa mabulag ako at direktang tumama ito sa akin. Napahiyaw ako sa gulat.

Nang muli kong imulat ang mata ko ay may malambot na bagay ang marahang dumampi sa labi ko. Nakaramdam ako ng pag-iinit sa buong katawan dahil sa puwersang biglang dumaloy sa akin.

Hindi ko maaninag kung sino man ang nasa harapan ko dahil napakalabo pa ng paningin ko. Ang alam ko lang ay nakahawak ang taong iyon sa mga kamay ko.

"Sealed," huling narinig ko bago ako muling mawalan ng kamalayan.

Sa muling pagmulat ko ay napadaing ako sa naramdamang pananakit ng katawan. Pakiramdam ko nabugbog ako. Gayunpaman ay napahawak ako sa labi ko.

Hindi ko mawari kung imahinasyon lang ba iyon o talagang may malambot na bagay ang dumampi sa labi ko.

Nagpalingon-lingon ako sa paligid. Nagbabakasakaling makahanap ng taong tutulong sa akin ngunit wala akong nakita.

Maya maya pa, nakarinig ako ng mga yabag papalapit sakin. Kahit masakit ang katawan ko ay pinilit ko pa ring makabangon. Hindi na natuloy ang pagbangon ko dahil may isang anino ang bumalot sa'kin

"Found you." bungad ng pamilyar na boses. Agad akong napatingala sa kanya.

"Krema!" sabi ko kasabay ng isang malutong na sapak. Tila ba'y nakalimutan ko ang sakit sa katawan ko dulot ng pagkairita sa kanya. Napatayo ako sa galit at sunod-sunod siyang pinukpok.

Lost Academy Where stories live. Discover now