Ako, Si Vlad at Sya

115K 3.5K 1.2K
                                    

*Presto's POV* (Nakisingit lang)

Tarantadong Clynn yun ah!




*Vlad's POV*

Shit!

Ang eksaktong pagkikita sa eksaktong lugar at sa eksaktong oras ay nasa harap ko na.

Isang babae...

Isang Tagapagbantay...

At isang Prinsipe....

Biglang sumariwa sakin ang alaala ng nakaraan... Alaalang kailanman ay di ko makakalimutan.

Ang panahong ginulo ko nang dahil sa isang pagkikita...

Inuulit na ngayon ng mga supling ng nakaraan...

At kung totoo ngang bumabalik sa panahong ito ang mga nangyari sa nakaraan...

Isa lang dapat ang gawin ko para lumiko sa ibang deriksyon ang tadhana.

'Ang hindi magpakita.'

Aalis na sana ako sa tinutungtungan kong puno nang bigla nalang mabali ang sanga nito.

*Criiiiick*

'Bwisit!'

Hindi ko man sila nakita alam kong narinig nila ang tunog... Sa laki ba naman ng sanga na nabali! Muntik pa kong mahulog.

"Sino yan?!" Rinig kong sigaw ni Fern. Agad naman ako tumalon sa isa pang puno, tinatalon talon ko ang mga sanga ng puno para lang makataas.

Pero kung minamalas ka talaga, nakasunod sakin ang dalawa. Takte.

Binilisan ko ang kilos ko ngunit bumilis rin ang kilos ng dalawa sa likuran ko.



*Asper's POV*

Napahinto ako sa pagtakbo nang makita ko si Clynn. Napakunot naman ang noo ko.

'Anong ginagawa ng 'sang to dito?'

At Bakit nakatulala sya?! Alam kong maganda ako pero grabe, ganun ba talaga ang epekto ng kagandahan ko sa mga kalalakihan? Wow.

Nakaramdam naman ako ng parang may gumagalaw sa di malayo sakin.

Napalingon naman agad ako at sa di kalayuan ay may naaninag akong tao.... >:[

Sinundan niya pala ako!

Lalapit pa sana sya pero napatingin siya sa may lawa kaya di natuloy ang paghakbang niya. Anong meron sa lawa?

Binalik ko ang tingin ko kay Clynn na tulala pa rin ngayon. O...kay?

Magsasalita na sana ako may narinig akong nabaling sanga, actually, narinig pala namin.

"Sino yan?!" tanong ko. Feeling ko kasi may ibang tao pa at sa lakas ba naman ng tunog ng pagkabali ng sanga maiisip mo talagang may nakaapak nito kaya nabali.

Nagulat nalang ako ng magdali si Clynn sa pagtungo sa pinagmulan ng tunog. Umikot naman si Rave sa kabilang deriksyon para sumunod.

Feeling ko sinadya niyang umikot para iwasan ako, Psh. Mabuti naman at naisipan niyang umiwas. >:[


*Clynn's POV*

Kung naulit nga ang pagkikitang ito ibig sabihin may isa pa dapat ang nandito.

*Criiiiiick*

Huli ka!

Nagmadali akong tumungo sa pinagmulan ng tunog ng nabaling sanga. Mula roon, may nakita akong aninong mabilis na gumalaw.

Lost Academy Where stories live. Discover now