Lost Academy 13: Contract Sealed

187K 5.1K 1K
                                    

CHAPTER 13: CONTRACT SEALED

    "Masesermonan na naman ako ng Headmaster," Sabi ng isang batang lalaki habang naglalakad. Kung titingnan nasa walong taong gulang lamang ang bata ngunit sa likod ng mapanlinlang nitong itsura ay nagkukubli ang isang matandang may ilang taong karunungan na sa mundo. Anicello Vheanlivoir ang pangalan ng bata ngunit mas kilala siya sa tawag na Cielo.

    Hinahanap ngayon ni Cielo, ang sekretarya ng Headmaster, ang alaga ng Headmaster. Ang alagang tinutukoy nito ay ang maliit na itim na baboy na nagngangalang Yuru.

    "Yuru. Saan ka na?" Tawag nito sa baboy sa gitna ng kasukalan ng gubat.

    Pinasyal niya lamang ang baboy sa gubat ngunit nawala ito sa paningin niya. Nagkataon naman na may laro palang gagawin ang mga estudyante sa kagubatan kung kaya't kailangan niyang mahanap agad ang baboy. Sa pag iikot niya sa gubat, naramdam niya nalang ang biglaang pagyanig ng lupa. Kasunod nito ang isang napakalakas na ingay, na tila ba'y isang ungol ng napakalaking nilalang.

    "Alam ko na kung saan ka matatagpuan," Usal niya habang tumatakbo patungo sa pinanggagalingan ng ingay. Nang makarating siya sa lugar, doon nga niya nakitang nagwawala ang alaga ng Headmaster. Nagpakawala ng isang malalim na hiyaw si Yuru tanda na mayroong nilalang ang gumalit sa kanya.

    Dahil kay Yuru nalimas halos lahat ng estudyante sa parte ng kagubatan na pinagdausan ng laro, ang daming diyamanteng nakakalat sa paligid. Sa nakikita niya sa paligid, mukhang apat nalang ang natitirang estudyante. Napailing-iling na lamang si Cielo sa nasaksihan. Hinintay niya munang malimas ang natitirang estudyante bago siya tuluyang tumayo sa harapan ni Yuru na ngayo'y bumalik sa maliit nitong anyo.

    "Yuru," Tawag ni Cielo sa dambuhalang baboy. Napahinto naman ang baboy sa ginagawa. Sinusubukan kasi nitong kolektahin ang mga diyamanteng nakakalat ngunit hindi niya ito mahawak-hawakan dahil tumatagos lamang ang kamay ng baboy sa mga diyamante.

    "Hindi ka pa ba titigil?" Tanong ni Cielo sa baboy.

    "Hindi mo ba nakikita? Napakaraming makikinang na bagay. Mainam ito pangdagdag sa koleksyon ko." Napailing na lamang si Cielo sa inaasta ng baboy dahil prodyeksyon lamang ang mga diyamante.

    Kung kanina lang ay tila galit ito sa mundo ngayon naman ay kumikinang na ang mga mata sa nakikitang diyamante.

    "Paano ka ba napunta rito?" Tanong ni Cielo sa abalang baboy.

    "Gusto ko lang takutin yung babae. Pagkamalan ba naman akong aso? Mukha ba akong aso?" Tanong ni Yuru. Natawa naman si Cielo sa sinabi ng baboy.

    "Sa inaasal mo ngayon, may konting pagkakapareha na," Halos maglaway na si Yuru sa mga diyamante ngunit nang marinig niya ang sinabi ni Cielo ay napatingin siya sa bata nang masama.

    "Hinahamon mo ba ako?" Banta ng baboy.
    "Hindi ko sinabi iyon pero kung yun ang gusto mo, wala rin namang problema kung papatulan kita kahit saglit," Sabi ni Cielo saka umilaw ng malakuryente ang mga kamay niya, "Matagal-tagal na rin mula no'ng huli akong nag-ensayo."

    Mag-sasalpukan na sana ang dalawa nang mapahinto sila dulot ng kakaibang enerhiyang naramdaman. Sabay sila napatingin sa direksyon ng enerhiyang iyon.

***

-STUDENT BODY OFFICE-

    "Is everything smooth?" Tanong ng presidente sa mga members ng Student Body Council. Sila ngayon ang namamahala sa larong ginaganap para sa B-Dept bilang representante ng kanilang departamento, responsibilidad nila ang buong proseso ng laro.

Lost Academy Where stories live. Discover now