Lost Academy 12: Bad Blood

186K 5.1K 1.1K
                                    

CHAPTER 12: BAD BLOOD

    Gamit ang mga ribbon sa kamay ni Nikki, sinimulan na nya itong paikutin sa ere na para bang isa siyang gymnast sa ginagawa niya. Ang mga ribbons na gamit ni Nikki ay hindi lang normal na ribbons dahil ito'y kasing talim ng kutsilyo. Kapag natamaan ang sinuman sa mga laso ni Nikki siguradong sagad hanggang buto ang tama nito kaya nama'y nagagawa nitong mabali ang mga panang papunta sa direksyon nila.

    Ginamit naman itong tyansa nila Ashley at Kayle para gamitin din ang mga ability nila. Ashley concentrated on the rocks to form it in a defensive formation around them while Kayle made some of the rocks invisible. Wala na kasi syang nakitang bagay na kaya niyang paliparin except sa mga maliliit na batong nakapaligid.

    "Ash ikaw sa opensa, gamitin mo yung mga batong nakapaligid para atakihin ang Runner. Nikki, ikaw naman sa depensa, wag mong wawalain ang Ribbon na nakapaligid sa inyo ni Ashley."

    "Ikaw? anong gagawin mo?"

    "I'll sneak in. Pupuntahan ko ang Archer." Kayle suddenly vanished in thin air. Desperado na ang Archer at mukhang malapit na mawala sa sarili. Tumango sila Nikki at Ashley sa boses ni Kayle.

    Napansin ng Runner ang ginagawa nila Ashley kaya mabilis nitong tinamaan ang likod ng tuhod ng kaharap niyang Archer para mapatumba na niya ito. Nagtagumpay naman siya dahil nawalan ito ng balanse. Natigil na rin ang pagproproduce nito ng sandamakmak na palaso sa paligid.

    Bumagsak ang Level C- Archer sa pagkakatayo nito dahilan upang mabigyan ng pagkakataon ang Runner para makuha ang life band nito ngunit nang akmang kukunin na sana ng Runner ang life band niya, may tumapik sa kamay niya. Wala siyang nakikita kaya nama'y nagtaka ang Runner.

    Nasundan pa ito nang may sumuntok sa tiyan niya. Hindi iyon kalakasan ngunit sapat lang para mapaatras sya. Nagsimula siyang sumuntok-suntok sa hangin ngunit wala syang natatamaan.

    "Magpakita ka!" sabi niya habang sumusuntok suntok parin sya sa hangin. Mabilis siyang tumakbo para hindi siya mahabol ng kung sinumang sumusuntok sa kanya.

    "Sin-" di na niya natuloy ang sasabihin niya nang makitang may lasong papalapit sa kanya at mga bato. Mabilis siyang umiwas. Clearly, he's already at a disadvantage.

    Tinignan niya kung sino ang umatake sa kanya at nakita ang dalawang babae. Mabilis niyang pinuntahan ang dalawang babae. Hindi nga lang siya makalapit dahil sa lasong nakapalibot sa dalawa.

    Alam niyang matulis ang lasong iyon, nagagawa kasi nitong mahiwa ang mga batong nakalutang at nakapalibot sa kanila. Ginagamit naman ni Ashley ang mga nagkapira-pirasong bato para patamaan ang Runner.

    Nais lang naman nila Nikki na makuha ang atensyon ng Runner upang mailayo ni Kayle ang Archer na natumba.

    Kasalukuyan ng hinahatak ni Kayle papunta sa isa sa mga puno ang Archer. It is extremely weakened. Isinandal ni Kayle ang Archer sa puno.

    Nagmulat naman ng mata ang Archer at nakitang walang tao sa paligid kaya nagtaka siya kung pano siya napunta doon. Maya-maya pa nagpakita na si Ashley sa lalaki para di magmukhang tanga kakahanap sa kung sino man ang tumulong sa kanya.

    "Kaya pa?" Mababakas ang gulat sa mukha ng lalaki ngunit maya-maya pa'y agad nabaling ang atensyon nito sa life band niya.

    "Don't worry. Wala akong intensyong kunin yan." Napahinga naman ng maluwag ang Archer. There are really students na sineseryoso ang larong ito.

    "Sino ka?" tanong ng lalaki.

    "Kayle." sabi ni Kayle sa lalaki.

    "Sa-" magsasalita pa sana ang lalaki nang may malakas na pagsabog ang naganap sa kinaroroonan nila Ashley. Naalarma si Kayle at agad siyang naglaho. Ang lalaki naman ay napatayo nalang bigla. Hindi na niya ininda pa ang sakit ng katawan, sa halip ay ipinwesto niya ang sarili sa pinakaitaas na bahagi ng puno.

Lost Academy Where stories live. Discover now