Start

107K 3.2K 767
                                    


*Asper's POV*

Lumipas na ang isang araw simula nung Assessment pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari.

Nakaupo ako ngayon sa kama at wala sa sariling tinitingnan ang mga kamay ko. Wala kasing pasok ngayon kaya nakatunganga lang ako sa kwarto habang silang lahat ay may kanya kanyang ginagawa.

Nananaginip lang ba talaga ako o talagang nangyari nga yun? Bakit may bulaklak? At yung simbolo? Yun na ba ang sinasabi nila Theron sign ng Last Phase?

Malabo. Eh bakit nauna ang Transfer kesa sa Last Phase?

Nakakagulo ng utak to! Hindi ko alam kung san ako magsisimula, Ang gulo gulo talaga. Ang daming kailangan isipin pero hindi ko alam kung anong uunahin.

"Aarrgh!" Ginulo gulo ko ang buhok ko nagbabakasakaling tumino ang pag-iisip ko. Para na kasi akong nababaliw sa mga nangyayari. Di ako sanay sa gulo kaya bago sakin ang lahat ng to.

"Posible nga kayang may taglay talaga akong Ability? atsaka si Kuya, posible nga ba talagang nandidito lang sya?" Hindi kasi talaga ako makapaniwala. Ang lahat ng ito, posible nga bang nagkataon lang?

Fudge! Matagal na akong nagdududa pero pinapalagpas ko lang. Ayoko ng gulo at sana lubayan nako ng gulo.

Pero wala eh. Makakasan libong SANA lubayan nako ng gulo, wala pa rin namang nangyayari. Nandito nako, ano pang magagawa ko? Edi magpadala sa agos at magpapakalunod sa kalituhan. Aish.

"Makalabas na nga!"

Napagdesisyunan ko nalang na tumayo para maglakad lakad. Ayoko namang iburo ang sarili ko sa kwarto buong araw habang sila may kanya kanyang ginagawa.

Naglalakad ako sa isang pamilyar na pasilyo nang may narinig akong mga boses. Pamilyar sakin yun ah.

"Ipangako mo." sabi ng boses ng lalaki.

"Oo, I-ipinapangako ko." sabi naman babae.

Anong ipapangako?

Sinundan ko kung saan yun nanggaling at may nakita nga akong dalawang tao.

"Oh Presto, Kayle. Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko. Gumuhit naman ang pagkagulat sa mga mukha nila. Hindi nila siguro inasahan na makikita nila ako dito.

"A-anong ginagawa mo dito Asper?" tanong ni Kayle.

"Naglalakad lakad lang? Bakit? Anong pinag-uusapan niyo?" sabi ko naman.

Hmmm. Parang may nangyayaring hindi ko alam ah. Kala ko ba si Kayle at Shaun pero bakit sumingit sa picture si Krema? Naku! Love Triangle to! Hahaha.xD

"Kanina ka pa?" tanong ni Krema.

"Hindi naman." sagot ko. "Ano ba kasi yung pinag-uusapan niyo?" nagkatinginan naman silang dalawa sa tanong ko. O...kay?

"Uhm. Wala, mga bagay bagay lang. Ha ha ha." awkward na tawa ni Kayle. Feeling ko talaga may tinatago ang dalawang to eh. May lihim kaya silang relasyon? Nge. Pano na si Nikki? Tsk. tsk. tsk. Kailangan kong ilihis ang pana ni kupido! nyahahaha. Ako na ang baliw!

"Okay." sabi ko na lang.

"Ikaw? Ba't ka nandito?" tanong ni Krema.

"Bakit Bawal ba? Atsaka lahat sila may ginagawa ako lang ang wala kaya naglalakad lakad nalang ako." sabi ko na nakanguso.

"Bakit di mo puntahan ang Guardian mo?" sabi ni Kayle. Bigla namang may light bulb na umilaw sa itaas ng ulo ko.

"TAMA nga!" malakas na sabi ko. "Ang galing galing mo talaga Kayle! Hahaha. Ba't di ko nga pala naisip yun? Magdedate na nga lang kami ni Baby Boy!!" sabi ko pa at kumaripas na ng takbo patungo sa building nila Keisler.

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon