Transfer

109K 3.3K 583
                                    

"Ikaw? talaga?" tanong ko ulit. Di kasi talaga ako makapaniwala. Sya magiging protector ko? Ni hindi ko nga maalala kung nagkaroon kami ng contract katulad nung kay Baby Boy eh. Diba diba?!

"tsk."

"Di nga talaga Rave. Imposible naman ata yun! Baka niloloko mo lang ako ah!" sabi ko pa.

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala." sabi niya at humiga sya sa kama. Bale, nakatihaya sya at nakatingin sa kisame tapos ang mga paa niya nasa lapag. Parang kalahati lang ang inihiga niya. Yung nga kamay niya naman ay nasa may ulo niya, ginawang unan.

Naka-on yung lampshade sa gilid ng kama kaya kitang kita ko ang ekspresyon ng mukha niya, Naiinis.

"Hindi na nga lang ako magtatanong..." Ngumuso nalang ako at nag-indian sit sa may gilid niya tapos humalumbaba akong tumingin sa kanya. "Pero last na talaga." Tiningnan naman niya ako ng masama. Tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Pano nangyari yun?" tanong ko.

"Wag ka na nga lang magtanong! Nakakairita ka." sabi niya. "Nagtatanong lang eh!"

"Wag ka na lang magtanong, magkwento ka nalang."

"Ako? magkukwento? Ng ano?" tanong ko.

"Umpisahan mo kanina." sabi niya pa. Ang weird naman ata niya? Pansin niyo kanina pa to eh.

"Sus! Sana tinanong mo nalang, 'How's your day?' " Sabi ko.

"Tss."

"O sige na nga!Magkukwento na!" sabi ko. "Uhmmmm. Ano bang ikukwento ko?"

"Pano mo nakilala ang mga kasama mo kanina?" tanong niya ng hindi pa rin tumitingin sakin.

"Kaklase ko sila kaya ko sila nakilala. Ba't mo naitanong?" sabi ko.

"Yung isang lalaking kasama mo?"

"Alin yung katabi ko kanina? Si Presto yun. Simula kasi nung mapatid ko sya habang nagtotour ako, naging kaibigan ko na sya. Bakit ba?" tanong ko ulit pero niya ko pinansin.

"Yung ubanin, Kailan mo sya nakilala?" tanong niya ulit. Nangunot naman ang noo ko.

"si Clynn ba? Ewan. Pumasok nalang bigla yun sa classroom at umupo katabi ko-Teka! Nakakahalata nako sa'yo ah! Kanina ka pa tanong ng tanong ah pero di mo ako sinasagot sa mga tanong ko!" reklamo ko. (._.|||) Pero di nanaman niya ako pinansin.

Tiningnan naman niya ako. "Layuan mo ang dalawang yun." sabi niya pa. Natigilan naman ako.

"Huh?"

"Sinabi ko na, di ko na uulitin."

"Ang gara mo naman. Bakit ko ba lalayuan ang dalawang yun? Kaibigan ko sila." sabi ko. "At Kung totoo ngang protector kita. Dapat ako ang sinusunod mo at hindi ako ang sumusunod sayo!" Tiningnan naman niya ako ng masama.

"Bahala ka." balewalang sabi niya at inis na tumalikod sakin.

"Teka nga, Teka nga! Ikaw ha- Uuuuy!" sabi ko sabay sundot sundot sa tagiliran niya. "Hindi mo naman sinabi na may gusto ka sakin! hahahaha! Tinataboy mo lahat ng lalaki sa buhay ko!! Hahaha." Ako na talaga, ako na ang makapal ang mukha! xD pero malay niyo diba? (_ _ )7 Dakila po akong asumera!!

Ngunot noo niya akong nilingon. Natigilan naman ako sa pagsundot sundot sa kanya.

Di maipagkakaila, gwapo talaga sya. *mind kicks*

"Wag kang mangarap." he said then he rolled his eyes. O.O Did he just rolled his eyes?!

Kinuha ko yung unan sa may gilid saka ko sya pinalo. He didn't even flinched.

Lost Academy Where stories live. Discover now