Lost Academy #83

63.6K 2.1K 615
                                    




Chapter 83: Sanity First Half

[ASPER]

Dilim. Yan ang bumungad sa kin ng imulat ko ang mga mata ko. Dahan dahan akong bumangon sa pagkakahiga at doon lang ako nakaaninag ng konting liwanag na sapat para makita ko ang taong nasa gilid ko.

"Rave. Rave." Tinapik tapik ko siya habang tinatawag ko ang pangalan niya. Hindi ko alam kung nasaan kami ngayon basta ang alam ko lang paggising ko ay parang nasa gitna na kami ng kawalan at kokonting ilaw lang ang nakikita ko ngunit sapat na iyon para maaninag ko ang katabi ko at yun na nga ay si Rave na walang malay. Masama ang lagay niya at yun ang pinag-aalala ko kaya pilit ko syang ginigising.

"Wag mo ulit akong takutin ng ganito. Hoy! Rave!" sabi ko na ngayo'y niyuyog-yog ko na sya.

"Ano ba!" natatakot kong sambit hanggang sa hinawakan niya bigla ang kamay ko.

"Masakit yan." gruffy niyang sagot. Bigla naman akong nabuhayan ng loob.

"Pambihira ka talaga." sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit.
"S-sandali." utal na sabi niya at bigla nalang siyang umubo. Agad naman akong napabitaw.
"S-sorry." hinging tawad ko. "O-okay ka lang ba?" tanong ko.
"Sa tingin mo?" pagsusungit niya pa habang sapo sapo ang kanang tagiliran niya. Napasin ko naman agad na basa ang damit niya sa bandang doon.
"Rave. Magpailaw ka nga." sabi ko.
"Ayoko." Agad niyang sagot. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Isa." bilang ko sa kanya.
"Bakit ba?" tanong niya.
"Dalawa."
"Ang kulit mo! tsk." iritadong sabi niya.
"Susundan mo ko o babatukan kita?" pagbabanta ko pa. Wala naman siyang nagawa kaya nagpailaw na sya.
"Pinagloloko mo ba ako?! Wala bang ibang kulay ang apoy mo? Pano ako magkakaaninag sa itim na apoy?!" bulyaw ko.
"Bakit ba kasi?! Nakikita mo naman ako kahit papano!" singhal niya rin.
"May tinatago ka kasi!" sabi ko.
"Wala nga!" sabi niya.
"Yan na naman eh! May tinatago ka nga!" pumunta ako sa harap ng nakatiklop niyang kanang paa saka ko siya sinapak ng marahan sa may bandang dibdib niya ng tatlong beses. Napadaing naman sya dahil dun.
"Magpailaw ka na kasi. Gusto ko lang naman malaman." mahinang sabi ko. Saglit naman syang nanahimik at maya-maya pa ay nakaramdam ako ng mainit na bagay sa kabilang pisngi ko.
"Oh ayan. Bilis na." sabi niya. Alam ko namang sugat ang tinatago niya, gusto ko lang talagang kumpirmahin at makita kung gaano ito kalalim.
"Ipakita mo na Rave." seryoso kong sabi ngunit nagmatigas siya kaya tuluyan na akong nagalit.
"Ano ba?! Magpipilitan pa ba tayo?! Gusto ko lang naman makasiguro na okay ka lang, na wala dapat akong ipag-alala pero sa ginagaawa mong ito mas lalo akong hindi mapalagay dahil baka napasama ka na wala pa akong kamalay-malay! Yun lang naman eh! Bigyan mo naman ako ng karapatan na mag-alala para sa'yo!" bulyaw ko na ikinatahimik niya.

"Ano?! Magpapailaw ka at ipapakita mo sakin ang sugat mo o kakapain ko yan at pipisilin ko para mamilipit ka sa sakit?!" banta ko nba mukhang epektibo naman dahil muli syang nagpailaw. Iniwas naman niya ang tingin niya sakin saka binitawan ang pagkakasapo niya sa sugat niya. Tiningnan ko iyon at hindi nga ako nagkakamali may sugat nga sya at marami nga iyong dugo. Wala ano-ano'y hinubad ko ang blazer ko at sinira iyon para makakuha ng retasong sapat para matakpan ang sugat niya at mapigilan ang pagdurugo.
"May iba pa ba?" tanong sa kanya.
"Sa kanang braso." sagot niya. Agad ko ring binigyan ng atensyon ang braso niya.
"San pa?" tanong ko ulit.
"Sa likod at sa palad ko." sabay pakita niya sa palad niya. Muli ko namang sinira ang blazer ko at tinapal sa sugatang parte ng katawan niya.
"Saan pa?" seryosong tanong ko at akmang pupunitin ko na ang palda ko nang bigla niya akong pigilan.

"Tama na." sabi niya. Natigilan naman ako sa sinabi niya.
"Ito lang ang alam kong pwede kong gawin para sayo Rave." Napayuko ako.

"Hindi ko naman kayang ipagtanggol ka sa paraang ginagawa mo sa akin. Hindi ko kayang makipagsabayan sa mga baraha ni Feur o kaya ang lumaban sa chains ni Razor. Kumpara sa inyo parang lamok lang ako k-kaya..." Umiiyak na sabi ko. "Kaya ito lang ang nakikita kong paraan para tulungan ka." napabuntong hininga naman siya sa sinabi ko.
"Walang nagsabi sa'yo na gawin mo 'to. Iyakin ka nga talaga." sabi niya. Bahagya naman akong napatawa.
"Diba sinabi ko na sa'yo, kung ayaw mong umiyak, ako ang iiyak para sa'yo hindi ba? Kaya wag ka ng magreklamo. Buti nga marami akong nakaimbak na luha." Pilit kong magbiro pero pumapalya dahil sa pumapatak na luha sa mga mata ko. Pinatong niya naman ang isang kamay  sa ulo ko at banayad na hinahaplos.
"Wala rin akong nagagawa sa tuwing umiiyak ka." sabi niya.
"Magdusa ka." sabi ko habang patuloy na umiiyak.
"Tss." pabigla naman niyang hinila pababa ang iilang hibla ng buhok ko.
"Aray!" reklamo ko.
"Wala ka talagang kaamor-amor sa mga babae!" pangsesermon ko pa. Sinapak ko naman sya sa kanyang balikat niya. Oops.
"Aray!" hinging tawad ko.
"Ikaw kasi. M-masakit pa ba?" sinamaan naman niya ako ng tingin.
"Sorry na nga." sabi ko saka sumunod ang mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon