Lost Academy #88

39.1K 1.4K 348
                                    

Hi po. If you find time or active kayo sa facebook you can visit and follow L.A.'s official facebook page for more updates regarding the story. Just search 'Lost Academy AR - written by Blabbers Alert XX' and hit the like button to keep updated. Thank you po.

* * *

Lost Academy #88 Once upon a time

Araw na ng show off bagamat hindi pa man nagsisimula ay maaga ng nagising si Presto dahil sa umugang lang din yun ay iba ang kanyang pakiramdam. Hindi niya alam kung bakit pero nagising nalang siya na kinakabahan. Akala niya'y nanaginip lamang siya ng masama at hindi na niya lang maalala pero ganon pa man ay napagpasyahan nalang niyang bumangon at mag ehersisyo sa labasng dorm kung saan siya namamalagi.

Alas kwatro palang ng umaga at hindi pa gaanon kaliwanag, nagliwaliw siya at nahulog sa malalim na pag-iisip. 'May balak pa kaya silang ibalik ako sa Council? lampas isang buwan na rin ako dito.' napabuntong hininga nalamang siya ng muling maisip ang dahilan kung bakit naroon siya sa lower class. Naisip niya na baka rason lamang iyon ng Council upang tuluyan na siyang mapaalis. Maganda pa naman ang buhay niya doon dahil kain, tulog lang ang iniintindi niya. Kung hindi sana nagsumbong ang Jared na kyon ay malamang, tuloy ang maliligayang araw niya. Inaamin naman kasi niyang may pagkaladies man siya hindi naman niya kasalanan na maraming babae ang lumalapit sa kanya.

"Haaay buhay. Minalas nga naman!" bulalas niya ng mapagod siya kakatakbo sa palibot ng dorm. Naglakad pa siya ng kaunti hanggang sa makaabot siya sa building ng headmaster. Naisip niya na para sa isang tao napalaki naman ng gusaling 'yon. Sa pagkakataong iyon ay bigla siyang nahiwagaan sa gusali, gusto niyang malaman ang mga nilalaman nito. Sa isipan niya kasi baka naglalaman ito ng mga mamahaling gamit at baka lahat ng naico-corrupt na pera ng headmaster ay nasa loob non, minsan na nga siyang nakapasok roon pero masyadong matagal na yon baka may mga bago ng nadagdag.

Maglalakad na sana siya papasok ng malaki nitong pintuan ngunit napahinto siya ng mapagtanto niyang baka may trap doon. Alam niyang napaparanoid na siya but just to be safe ay pumunta siya sa likuran ng gusali saka nagpalingon lingon sa paligid kung sakali ay may nagmamasid sa kanya. Nang masigurado niyang wala naman ay sinimulan niya ng akyatin ang gusali sa katunayan nga'y kaya niyang maakyat ang kalahati sa isang talunan lang kaso isang tamad na damuho si Presto. Ayaw niyang mag aksaya ng lakas sa mga walang kwentang bagay. Tila ba'y para siyang magnanakaw sa kanyang ginagawa, kada minutong may pagkakataon siya ay lumilingon lingon siya sa paligid. May mga iilang halaman at mga maliliit na lamang lupa ang naroron pero hindi na niya iyon ikinabahala dahil wala naman itong pakialam sa ibang tao at tulad nga ng mga estudyante sa eskwelahan, tulog din ang mga ito.

Nang medyo malapit na siya doon sa pinakadulo at pinakamalaking bintana ay napahinto siya dahil may narinig siyang bulungan sa itaas. Nagulat siya doon at akmang tatalon na sana ng di sinasadyang may nakakuha ng atensyon niya sa usapan.

"Uncle." sabi ng isang boses sa loob. 'Uncle? bukod sa akin may iba pang nangahas pumasok dito?' sa halip na umalis ay mas inilapit niya pa ang sarili niya at tumuntong doon sa may kaunting lugar na sapat lang para mapatungan niya. Pumangko siya doon at buong atensyong itinaas ang sensibilidad ng kanyang pandinig. Alam niyang invasion of privacy iyon pero sa tingin niya kasi ang mga nasa loob din non ay pumuslit lang din.

'Huli kayo ngayon.' nakangisi niyang bulong sa sarili. Hindi man niya matapos ang misyon niya atleast may isang magandang pampalit doon. Sa isip niya kasi kapag nagkataon isang malaking isyu kapag nalaman ng Council na may pumapasok palang pangahas sa building ng headmaster. Napangisi na lamang siya sa mga bagay na tumatakbo sa kanyang isipan.

"Magpahinga ka na Vlad, masyado pang maaga." Napawi naman ang pagngisi ni Presto sa pangalang narinig.
"Hindi ako makatulog, Uncle. Bakit ikaw mukhang hindi ka pa ata nakapagpahinga?" May narinig pang tunog si Presto ng basong inilapag sa kahoy. Naactive kasi ngayon ang enhanced hearing ni Presto kaya medyo sensitive ito sa ingay sa loob.
"Tulad mo hindi rin ako makatulog. Masyadong maraming isipin ang dumadalaw sa tuwing sinusubukan kong matulog." sabi ng matandang boses.

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon