Lost Academy #19

145K 4.2K 361
                                    


Chapter 19: Weird

[ASPER]

"~Tripping hard, falling down onto the ground.. 'cause i can't stand up and i can't fall down. 'cause i'm somewhere in the middle of this~" Kanta ko habang naliligo. Matapos kong maligo nagtapis nako ng tuwalya tsaka humarap sa salamin. Nagulat nalang ako sa kakaibang bagay na napansin ko kaya mas lumapit ako sa salamin para makita ito ng maigi.

"Ang mata ko." nag iiba iba ito ng kulay, Pano nangyari to? May bigla nalang rin akong naalala.

"Ito na ba yung sinasabi ni Krema nun?" remember niyo yung papalabas kami ng gubat? Tapos pinasuot niya pa ko ng sunglass pero kinuha niya rin agad? But now that I remember it, ang dami na palang weird na bagay ang nangyayari sakin this following days. No need to enumerate it pero bakit di ko man lang yun binibigyan ng pansin? Ang nangyari during sa taming game, ang pagkahulog ko sa lawang aakalain mong mababaw pero malalim pala, yung nangyari samin ni Euria, ang lalaking nagbigay sakin ng orasan. Parang panaginip lang kung tutuusin sa bilis ng pangyayari no? Pero hindi yan ang issue dito, ang issue dito ay ang mga mata ko. Bakit naging kakaiba? Bakit naging ganito ka colorful?

"Aaa-ump!" sisigaw sana ako pero tinakpan ko agad ng palad ko ang bibig ko. Di naman kasi solusyon ang pagsigaw kaya mas mabuti pang tumahimik nalang at tiisin ang nakikita ko sa salamin. Ang mata kong naging weird! Kaya imbis na sumigaw ay mas tumitig pako sa salamin.

Biglang nalang din umiba ang kulay ng buhok ko, naging mas matingkad ito na tila'y umiilaw, unti unti rin itong nagiging Silver. Ano ba talaga tong nangyayari sakin? Simula ng tumapak ako dito andami nang kababaghang nagaganap, not to mention na hindi sadya ang pagkakapunta ko dito. Baka nga naligaw lang si Kuya sa mapa.

Napansin kong unti unti ding bumalik sa dati ang kulay ng buhok ko tsaka ang mata ko. Bumalik na ng ganon ganon lang? Pinaglalaruan ba ako ng kung sino man dito? Di 'to magandang biro. Hinawak hawakan ko ang mukha ko, naninigurado lang na totoo ba talaga yung nakita ko. Ang hirap kaya paniwalaan!

"A-ah, magbibihis nalang kaya m-muna kaya ako? Ba-baka hallucination lang to'. Dala ng masamang hangin?"

Nagmadali akong lumabas ng banyo ng nakatuwalya, since wala sila Kayle at Ashley ngayon, kasi may mga kailangan silang gawin sa mga guardians nila. Extra bonding time daw nila, since wala kaming klase ngayon kasi may meeting daw ang teachers namin at dahil nga na wala akong guardian, eh lonely ako. Parang gusto ko na ring magkaguardian, ang problema nga lang ay kung pano? hays. Binuksan ko na ang pinto pero laking gulat ko ng may mabangga akong pader. Wait-!Wala namang pader sa harap ng pinto ah!

"AAAAH!" Nasigaw ko nalang tsaka ko hinawakan ng mahigpit ang tuwalya sa may dibdib ko.

"Anong ginagaw mo dito?" patanong kong sigaw.

"Wala akong magawa." sabi niya.

"Bakit dito ka pumunta kung wala kang magawa?! Ano ako entertainer?!"

"Pwede rin." aba, sya na nga ang pumunta punta rito sya pa tong malakas mang-inis.

"Hoy! Umalis ka nga dito!" sabi ko pero imbis na makinig sya, humiga nalang sya bigla sa kama ko. Aba! Feeling close ang lalaking to ah!

"Bakit ka ba nandito?!" tanong ko ulit pero di nanaman sya sumagot.

"Hoy! Ano ba, Alis na! Kung san san ka lang sumusulpot ah!" sabi ko habang hinihila sya patayo pero ang bigat niya!

"Kumain ka muna ng maraming bigas para mapatayo mo ko." sabi niya.

"Heh! Umalis ka nalang nga!" sabi ko na naiinis na. Nagulat nalang ako ng hilahin niya ako sa kamay papunta sa tabi niya kaya napahiga nalang din ako't nanlalaking matang tumingin sa kanya. Shit.

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon