Card Master

107K 3.1K 321
                                    



"Ha? Ano?" Sabi ko but he gave me a glare.

"Umalis na kayo dito at sa susunod na makita kita. Pasensyahan nalang tayo." sabi niya pa. Napataas naman ako ng kilay. Kung gusto niya talaga akong patayin, may pumigil man sa kanya o wala, kanina niya pa ako napatay.

Nag-aalinlangan syang patayin ako, panigurado yun.

Brrr. Just by mentioning the word Patay, parang kinikilabutan nako.

Nagulat nalang ako ng may kamay ang mahigpit na humawak sa braso ko, si Rave.

"Aalis tayo dito ngayon na." sabi niya. Nagpadala naman ako.

"Theron." sabi ko. Tumango lang sya.

"San ka?" tanong ni Rave. Lumapit naman ako kay Euria na hanggang ngayon ay natutulog pa. Hinawakan ko siya.

Ito lang kasi ang tanging paraan para makalabas dito sa kwarto. Mahawakan mo lang sya, mailalabas ka na.

At sa isang iglap ay nasa labas na kami ng Forbidden Zone.

Hanggang hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari't narinig ko. Sasabog ako na parang bulkan kung may magtangka man sakin? Brrr. Nakakatakot.

Napatingin naman ako kay Rave. Tinititigan niya ko tapos mariin siyang pumikit at naglakad paalis.

"H-huy. Teka lang." sabi ko at sumunod sa kanya. Medyo madilim kaya hirap akong maaninag ang daanan ko pero kahit papano nakikita ko naman ang likod ng puting t-shirt ni Rave kaya nasusundan ko pa rin sya.

Mga na sa isang pulgada na ang layo ko sa kanya kaya medyo may naririnig ako mula sa kanya, hindi ko nga lang maintindihan.

"asdfghjklqwertyuiopzxcvbnm." Huminto naman ako at inabot ang t-shirt niya mula sa likuran para mapahinto sya sa paglalakad at huminto nga sya. May gusto akong itanong.

And I'm dying to ask this question ever since na lumabas sa bibig nung Eide ang mga salitang hindi ko lubos maintindihan.

Hindi niya ako nilingon o hinarap sadyang huminto lang talaga sya para makinig sa sasabihin ko. "Rave. Wala ka namang balak i-break ang contract diba?" tanong ko. Umaasa ako na sana Wala at hindi niya ibe-break ang contract ang isasagot niya, kahit di ko alam kung papano nga ba ibreak ang contract. Umaasa lang talaga ako na hindi niya ako iiwan, nagkanda gulo gulo na lahat eh. Aasa na lang muna ako sa kanya.

My hope shattered nang bigla niyang tinabig ang kamay ko at walang sabi sabi ay tumuloy sya sa paglalakad. Is that Yes? Ibe-break na ba niya ang contract? Bago ko lang nalaman na protector ko sya ah. Ngayon, hindi ko na sya magiging Protector? I don't want to jump in conclusions pero yun na rin yung sinasabi niya ng galaw niya eh. Actions speaks louder than words, ika nga.

Ouch.

Ang daya. Kung kailan ko nalaman na may protector na pala ako, ngayon pa ibebreak ang contract. Ano ba kasing meron sakin?

"Ha! Nakipagkontrata ka sa kanya?! Tangna! Ano bang meron sayong babae ka at bakit ganito nalang umakto lahat ng nasa paligid mo?"

Ano nga bang meron sa kin at ganito nalang sila? Bakit gustong gusto niya akong patayin? Dahil ba sa nakipag-soul link ako kay Euria? They could eliminate me immediately after that pero di nila ginawa. Anong dahilan?

Is there really someone behind my back kaya nahihirapan silang galawin ako? Is it Rave? No, i think naguguluhan din siya. Or is it Clynn? Hindi. Bago ko pa man makilala si Clynn ay marami na silang pagkakataon para patayin ako, but they didn't.

Lost Academy Where stories live. Discover now