Lost Academy #82

76.2K 2.6K 1K
                                    


Chapter 82: No Name Part 2

[THIRD PERSON's]

Sa kabila ng gulong nangyayari sa training hall ay ang palihim na pagkikita ng dalawang tao sa labas ng departamento ng bearer.

"Bakit mo ba ako tinawag dito?" tanong ni Presto sa kasama.

"Importante to." hinila naman siya ni Ayen papunta masukal na gubat kung saan naganap ang taming game noon. "Naalala mo yung siinabi ko sa'yo tungkol sa pagkawala ni Sarah?"

"Oo. Bakit ? Anong tungkol don?"

"Sinabi ko sa'yo na nagdrop sya pero may sinabi sya sakin." sagot ni Ayen ng mapahinto sya sa paglalakad.

"Ano?" tanong ni Presto.

"Ipangako mo muna sakin na kahit anong mangyari ay wala ka ng ibang pagsasabihan nito. Alam ko ang tungkol sa inyo, sinabi sakin ni Sarah." nangunot naman ang noo ni Presto. "Wala kang mapagkakatiwalaan sa kanila."

"Kung ganon pala, malalim na ang nahukay mo tungkol dito?" tanong ni Presto. Tumango nalang si Ayen sa kanya.

"Tulad mo. Nag-imbestiga rin ako sa nangyari hanggang sa isang araw tinanong ko ang mga kaklase ko kung kailan sila pumasok sa eskwelahan at alam mo ba kung anong nalaman ko?" tanong niya kay Presto.

"Ano? 2010 nakapasok ang freshmen na kasabayan ko. Regardless sa class nila halos lahat ng estudyanteng mas nauna sa akin na pumasok dito ay 2010. Ikaw ba? Anong taon ka pumasok dito?" Nagpanting naman ang tenga ni Presto sa narinig. 2010. That's exactly the same year na pumasok din sya sa eskwelahang ito. Ito yung taon na may inaakyat syang parang mesa sa office ng headmaster. Baguhan pa sya non at hindi niya pa alam ang Council.

"2010." sagot ni Presto. "Anong nalaman mo?"

"Sa lahat ng estudyanteng tinanong ko isa lang ang pinagtataka ko. Iilan lang din sa kanila ang iba ang sinagot." sabi ni Ayen habang nakatingin sa malayo.

"Ano?" nilingon naman ni Ayen si Presto na ngayo'y litong lito na.

"1990." sagot ni Ayen.

"Ha?" naguguluhang tanong ni Presto.

"1990 yan ang taon kung kailan kami pumasok dito ni Ayen." mapait na tumingin sya kay Presto na ngayo'y nanlalaki ang mata.

"What the fuck. Sigurado ka?!" gulat na tanong ni Presto.

"Tanda ko pa ang araw na iyon. Hindi ko makakalimutan ang taong yun." seryosong sabi ni Ayen. "Ipinagtaka ko nga kung bakit ibang taon ang pagpasok namin ni Sarah dito. Unang nagduda si Sarah sa aming dalawa, nag-imbestiga sya habang ako walang ginawa at dahil sa pagkawala ni Sarah, nagduda na rin ako sa eskwelahan. How come na halos lahat ng huling batch na nakapasok sa eskwelahan ay lahat 2010 ang sinasabi nilang taon kung kailan sila nakapasok sa eskwelahan, aside from that, lahat ng 'transferee' na nakausap ko, iba't-ibang taon na ang sinasabi. Hindi ko na nga alam kung ano pa ba talaga ang eksaktong taon sa eskwelahang ito." kwento ni Ayen. "Sa totoo lang, wala na sana akong balak na mag-imbestiga pa hanggang sa kama-kailan lang dumating kayo, dumating ka at tinanong ako. Nag-iwan iyon ng malaking tanong sa isip ko kaya ko napagpasyahang lapitan ka dahil alam kong di ka tulad nila. May pinapalagahan kang pagkakaibigan." napaangat naman ang sulok ng labi ni Presto.

"Sinusundan mo ko?" sabi niya.

"Hindi na mahalaga iyon. Ang mahalaga ay malaman mo kung ano ang nalalaman ko bago pa mahuli ang lahat." nagtaka naman si Presto sa sinabi niya. "Malakas ka kaya alam kong mapo-protektahan mo ang impormasyong ito."

"Wag sa ganyang tono Ayen parang pakiramdam ko naghahabilin ka sakin." kinakabahang sabi ni Presto ngunit sinuklian lamang sya ng ngiti ng babae.

"Makinig ka. Kung tama nga ang hinala ko. 2016 na tayo ngayon exactly 6 years ago may nangyari sa eskwelahang ito, tama ba?" sabi ni Ayen. Tumango naman si Presto kahit hindi niya alam kung pano niya nalaman ang lahat ng ito. "Eksakto, iyon sa taong 2010 kung saan ang huling batch ng freshman maliban sa mga transferees ay pumasok. Sa taon ding iyon napalitan ng bagong rules ang Academy. Sa notice na natanggap namin ni Sarah nung pumasok kami dito nakasaad doon na di na pwedeng lumabas ang sino mang nakapasok na sa eskwelahan maliban nalang kung may pahintulot sa headmaster. Sa una pa lang kahina-hinala na pero hindi na namin pinansin yun dahil sa panahong iyon, nakatuon lang ang mga sarili namin sa pagkilala ng mga tulad namin-natin. Sa taong 1990, ang layo ng taon natin sa taon ninyo, kung tutuusin parang ang tanda-tanda na namin kumpara sa inyo. Now, one day came na nawala na nga si Sarah at napilitan akong alamin ang tungkol dito ay may nadiskubrehan akong isang bagay na hindi ko na dapat nalaman." mahabang paliwanag ni Ayen at nagsimula nanaman syang maglakad patungo sa gubat. Maya maya pa ay yumuko si Ayen at nilinis ang damong nasa lupa. Nagtaka si Presto sa inaakto ni Ayen pero patuloy pa rin niya itong sinusundan.

Lost Academy Where stories live. Discover now