The Conversation

94.3K 3K 136
                                    


Sorry guys kung matagal akong naka UD at ganito lang kaikli ang nai-UD ko. Lalabas na kasi ako ng bansa kaya busy ako sa pamimili ng mga bagay na dapat dalhin. Intindihin niyo sana, first flight ko to kaya excited ako masyado. ^__^ <3 Sorry talaga kung naghintay kayo ng matagal. :((

xoxoxoxoxoxoxoxo


*Presto's POV*


"Alam mo to Clynn diba?!?!" galit na bungad ko kay Clynn sabay suntok sa kanya sa mukha. Tumalsik sya ng ilang metro sakin pero hindi sapat iyon para saktan ang tulad niyang kasing tigas ng yelo. "Kaya ba pumasok ka sa Lower Class dahil dito?!?!" galit ko pang sabi habang tinitingnan syang tumatayo mula sa pagkakatalsik at marahang tinatapik tapik ang parte ng mukha niya na tinamaan ko.

Galit ako dahil alam pala niya pero hindi niya sinabi. Tsk. Atsaka sa taong binanggit ni Mr. White, si Vlad.

Hindi ko sya kilala, 6 years palang kasi ang tinagal ko dito, yung araw siguro na nawala yung taong yun ay yung araw din siguro ang pagpasok ko sa eskwelahan, araw kung kailan ko nakilala si Clynn na bigla nalang naging 'bato'.

Ewan ko ba kung anong nangyari basta nag-iba nalang bigla ang anyo niya, naging dragon tapos naging bato. Ako pa nga ang nag-akyat sa kanya papuntang headmaster's office para ireport ang nangyari. Yun nga lang, habang inaakyat ko yung 'bato', may biglang sumulpot na bata at nagpakilalang Cielo. Nakakabanas talaga maalala ang araw na yun. Nagkandagulo gulo ang lahat nun tapos may lumitaw na kakaibang ilaw sa langit at nagising nalang ako ng naglock down ng eskwelahan tapo--Teka bakit ko nga ba kinukwento yun?!?!

Ah basta! Kung sino mang Vlad yun, wag lang sanang magpakita sakin ang gagong yun. Pinapasakit niya ang ulo ko. Maghihiganti sya? Ha! Hindi ko man sya nakikita nangangati nakong masuntok siya. Sya ugat nito eh. Kung ano mang ginawa ng Council sa kanya, sana naisipan niya man lang ang mangyayari sa kapatid niya sa oras na ipasok niya dito kapatid niya. Naiipit tuloy dito si Asper!!

Isa pa yang Council eh. Sana hindi nalang nila dinamay si Asper, wala naman syang kinalaman. Damn.

Unti unting lumapit sakin si Clynn na wala kahit anong expresyon na mababakas sa mukha niya, tanging ang deriksyon lang ng tingin niya ang napansin kong hindi tama. Umikot ako para makita yung tinitingnan niya at sa pag-ikot kong yon lahat ng inis na naramdaman ko ay biglang napalitan ng panghihina.

"Clynn? Presto? Alam niyo?" naguguluhang sabi ni Kayle.

"Pati ikaw Kayle?" nanghihinang sabi ko. Ano ba. Pati ba naman sya? Nandidito?

"Caide." sabi ni Clynn habang nakatingin dun sa lalaking pula ang buhok.

"Mukhang nagkakaalaman na." sabi nung Caide. Bigla naman akong nakaramdam ng pagkabahala.

Ano nalang kayang iisipin ni Asper kapag nalaman niyang, ang mga taong nakapaligid sa kanya maaaring trumaydor sa kanya? Anong mangyayari sa kanya kung isa man sa amin dito ay sumunod sa kagustuhan ni Mr. White? Kakayanin niya kaya?

"Pati ba naman ikaw Presto? Ikaw rin Clynn? Parte rin kayo ng Council?" sunod sunod na sabi ni Kayle na para bang hindi niya matanggap na nangyayari ito ngayon. "Pano na si Asper? Sabihin niyo, hindi niyo naman pinaplanong sundin ang iniutos diba??" tanong niya samin. Natahimik ako sa tanong niya. Naguguluhan rin ako. Hindi ko pa rin kasi alam kung tama ba kung susundin ko si Mr. White o hindi.

"Presto?" Napaiwas nalang ako ng tingin ng tawagin niya ang pangalan ko. Ayokong may masaktan isa man sa kanila. Ayokong manakit pero ayoko ring kalabanin ang Council. Nalilito ako.

"Clynn?" baling niya kay Clynn na tinitigan lang sya at hindi sinagot.

"Caide?" sabi naman niya sa katabi niya. Nagkibit balikat lang ito sa kanya pero hindi rin sya sinagot.

Nakita ko nalang na napayuko siya at napakuyom ang kamao niya. "Nakakainis. Wala akong magawa." sabi niya. Natahimik naman ang buong pasilyo matapos niyang sabihin iyon. Napayuko nalang rin ako.

Tama sya, wala kaming magagawa, baka nga sa mga oras na'to, pinagpaplanuhan na ng iba ang gagawin nila kay Asper. Delikado yon.

"Akala ko pagnakipag kasundo ako kay Mr. Xion, hindi nako mahihirapan pang ilayo dito si Asper." pambasag niya ng katahimikan. Naiangat ko naman ang ulo ko sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Akala ko kasi kapag nakipagkasundo ako kay Mr. Xion na palayain si Asper kapalit ng katapatan ko eh matatapos na'to, makakaalis na si Asper sa eskwelahan. Yun pala nagkamali ako. Nasali nako sa Council pero hindi parin niya tinutupad ang napagkasunduan." sabi niya.

"Sa tingin mo ba nung makita mo si Mr. Xion, na sa mukha niya ba ang sumusunod sa usapan?!" inis na sabi ko.

"Alam ko kaya sumugal ako sa bagay na yan, nagtiwala ako na susunod siya pero hindi nga talaga." sabi niya.

Magsasalita na sana ako ng biglang sumingit si Clynn. "Bakit Kayle? Ano bang kinakatakutan mong mangyari kung sakaling hindi makaalis si Asper dito?" may halong pagdududang sabi niya.

Biglang napataas ang ulo ni Kayle mula sa pagkakayuko at nanlalaking matang tiningnan si Clynn. Bahagya pa syang napaatras nang humakbang si Clynn ng isa papunta sa kanya.

Nangunot ang noo ko sa nangyayari. "G-gusto k-ko lang n-namang makaalis si A-asper d-dahil... dahil... A-ako ang nagpapasok sa kan-ya dito. Ako ang dahilan kung bakit sya nasa sitwasyong ito nga-ngayon." nauutal na sabi niya. Sumalubong naman ang kilay ko sa iniasta niya.

"Yun lang nga ba?" sabi pa ni Clynn na muli nanamang humakbang ng isa pa. Napaatras ulit si Kayle ngunit hinarangan siya ni Caide sa likod. Sa itsura kasi ni Kayle ngayon na mukhang natatakot at namumutla pa sya ng husto ay para bang gusto na niya kaming takbuhan.

"Ikaw nagpapasok kay Asper, Kayle? Ibig sabihin lumabas ka?" ngunot noo kong tanong. Napabaling naman sakin ang tingin ni Kayle.

Teka, kung sya nga ang nagpapasok kay Asper dito sa eskwelahan? Ano naman kayang ginagawa niya sa labas? Kung nakalabas nga sya, Sino ang nagpahintulot? Nalilito na talaga ako.

I'm getting lost here.

"Mabuti pang umalis ka na dito Estrella, wala ka ng kinalaman sa bagay na ito at isa pa may Misyon ka pang dapat imbestigahan diba?" sabi ni Clynn nang hindi tumitingin sakin.

"Tsh. Wala nakong pakealam dun." inis na sabi ko.

"Bakit?" tanong ni Clynn.

"May mas mahalaga pang bagay kesa dun." sabi ko. "Ano Kayle? Magsasalita ka na?" baling ko kay Kayle.

"Mukhang may dadating." sabi ni Caide. Naramdaman ko naman ant presensya ng lima. Naging alerto kami sa paparating na banta.

"Kayle, sasama ka sakin." sabi ko at agad ko syang hinila. Umalis kami sa lugar na iyon gamit ang E.A. na meron ako, Enhanced Speed. Kung hindi mo masusundan ang galaw ko, aakalain mong nagteleport ako pero hindi, sadyang napabilis lang talaga ng galaw ko para makita pa ng mata.

Nang huminto na kami ay halos matumba si Kayle nung bitawan ko sya. Nahilo siguro sa ginawa ko.

"Sa s-susunod hindi nako sa-sama sa'yo." nahihilong sabi niya habang sapo sapo ang ulo.

Tumingin tingin ako sa paligid para siguraduhing walang tao saka ko sya hinarap. "Hindi na dapat makaabot kila Asper ang tungkol dito. Naiintindihan mo?" madiin kong sabi. Tumango tango lang sya sakin.

"Ipangako mo." sabi ko pa.

"P-pinapangako ko." sabi niya. Tinanguan ko sya at tatalikod na sana ng biglang may ngsalita.

"Oh Presto, Kayle. Anong ginagawa niyo dito?" bungad na tanong ni Asper. Bahagya namang nanlaki ang mata ko.

"A-anong ginagawa mo dito Asper?" tanong ni Kayle.

"Naglalakad lakad lang? Bakit? Anong pinag-uusapan niyo?" tanong niya. Napatitig nalang ako kay Asper.

Masama 'to, talaga bang humihina na ang pakiramdam ko kaya hindi ko sya napansin? o talagang...

"Kanina ka pa?" tanong ko.

"Hindi naman." sagot niya.

Mukhang kailangan ko ng mag-ensayo ulit. tsk tsk tsk.

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon