You're Making Me Fall

148K 3.9K 1.4K
                                    

*Asper's POV*

"Ano ba Asper. Hindi kami makapagconcentrate!" reklamo ni Ashley habang sinusubukang wag mahulog sa ere ang mga gamit na pinapalipad niya.

"Oo nga Asper. Nung isang araw ka pa, ang laki laki na ng eyebags mo. Masyado kang stress." sabi ni Kayle.

Nahinto naman ako sa paglalakad ng pabalik balik. Hindi talaga ako mapakali, hinding hindi talaga. "Di niyo kasi naiintindihan." sabi ko saka ako nagsimula ulit maglakad ng pabalik-balik sa harap nila.

"Arrrgh-! Okay, That's it!" inis na sabi ni Ashley nang tuluyan na ngang mahulog ang mga nakalutang na gamit sa ere.

Tumayo sya saka niya ako hinarap. Natigilan naman ako sa paglalakad. "Sabihin mo na kasi samin ang problema. Anak naman ng tipaklong Asper, panglimang araw na'to ah!" reklamo niya sakin. Yes, limang araw na ang nagdaan. Panglimang araw mula nung nangyari sa corridor ng dorm namin, panglimang araw na rin akong binubulabog ng matatalim na mata ng mga estudyante na pasimple naman akong tinatalisod o ginugulo, at panglimang araw na rin na hindi ko nakikita si Rave.

Nagtataka na lang ako kung bakit hindi pa nakarating sa lima na taong to ang balita which is sina, Ella, Kayle, Ashley, Nikki and Krema na nakasquat ngayon sa floor.

"H-hindi niyo ba talaga nabalitaan?" nag-aalanganing tanong ko sa kanila. Nagkatinginan naman sila sa isa't isa. Nandito nga pala kami sa kwartong nilaan para saming sasabak sa Chess System ng Special Class. Self training lang muna daw kami ngayon kasi may gagawin pa daw si Sir importante pero babalik naman daw siya agad.

Bumuntong hininga ako at magsasalita na sana nang maunahan ako ni Holey, na hindi ko man lang napansin na nandito na pala sya. "Alin? Yung pakikipaghalikan mo kay Ley Hollows?" Nanlaki naman ang mata ko sa diretsong pagkakasabi niya at sa ganong paraan pa talaga niya sinabi.

Bigla namang uminit ang mukha ko. "Holey!" nasabi ko nalang sa kanya sa sobrang hiya ko. Nang mapatingin naman ako sa kanilang lima, Nanlalaki at laglag panga silang tumingin sakin na mas lalo kong ikinahiya. >///< Damn it Holey!

"Ano?" maang maangan ni Holey.

"Anong- Hey! Asper! Ba't di mo yan nakukwento samin?" sabi ni Ashley nang makabawi sya. Napaiwas naman ako ng tingin, hindi ko to maidedeny, eh sa marami ang nakakita! "Kung hindi sinabi ni Holey, hindi namin malalaman na naka-score ka na pala ng halik kay Ley!" nakapout pa na sabi niya kasabay naman nun ang pagpasok ni Clynn.

"Ah eh-" hindi ko pa natutuloy ang sasabihin ko nang makita kong napahinto sa paglalakad papasok sa loob si Clynn nang marinig niya ang sinabi ni Ashley.

"Halik?" biglang sabi niya sabay lingon samin. "Tama ba narinig ko?" ngayon pa lang ata nakaprocess sa utak niya ang sinabi ni Ashley.

"Sino? Kanino?" takang tanong niya. Nakita ko namang sabay na nagsingusuan ang anim sa kin.

"Ikaw?" tanong naman ni Clynn nang mapadapo ang tingin niya sakin. Nag iwas nalang ako ng tingin sa kanya.

"Kanino?" tanong niya ulit.

"Kay Ley Hollows." nakasimangot na sabi ni Ashley.

"Si Rave yun hindi si Ley!" sabi ko. Nagtaas naman ang kilay nila.

"Rave huh." sabi ni Nikki.

"Oo nga." depensa ko.

"So may tawagan na pala kayo, Nice." natatawang sabi ni Presto.

"Hindi no! Rave talaga pangalan niya, pangalan ng tatay niya yung Ley." sabi ko pa. Natigilan naman si Krema sa pagtawa. Tumaas naman lalo ang mga kilay nila Nikki.

Lost Academy Donde viven las historias. Descúbrelo ahora