Sabotage Part 2

122K 3.7K 526
                                    

*Ley's POV*

Matapos ang ilang buntong hininga ay binuksan ko na ang pintuan ng Headmaster's office, at nakita kong nakaharap na siya sakin, at alam kong alam niyang darating ako.... Ang headmaster..

Dumating na nga siya, Tama nga ang sinabi ng lalaking yun.

"Headmaster." mahinang usal ko.

"Mr. Hollows." nakangiting sabi niya.

"Welcome back." sabi ko sabay upo ko sa mahabang sofa habang sya naman nakatayo pa rin.

"Hindi naman ako umalis, Di niyo lang talaga ako natyetyempohan." pabirong sabi niya.

"Pero--" magsasalita na sana ako kaso pinutol niya ko.

"Wag nalang muna nating pag-usapan ang tungkol dun, ang pag-usapan natin ay kung anong ginagawa mo dito? Hindi ko yata gusto ang hindi mo pagtupad sa responsibilidad mo Hollows" sabi niya sabay upo sa may desk niya. "Ayaw mo ba talaga sa bearer mo?" dagdag niya pa. Di naman ako sumagot, para san pa? Alam kong alam na naman niya eh. Alam niyang may bearer na ko pero ang di niya alam ay kung sino.

"Bakit di mo nalang ibreak ang contract?" Napalingon naman ako sa kanya. Ewan ko ba, pero parang may kung ano sa sinabi niya na bahagyang ikinagulat ko. "Hindi naman sa-" pinutol nanaman niya ako.

"Simple lang naman kasi yan Hollows eh. Kung ayaw mo, break the contract. Kung gusto mo ipagpatuloy mo. ganun lang." sabi niya pa ulit.

"Headmaster." ang nasabi ko nalang. Napapaisip na kasi ako sa sinasabi niya.

Oo. ayoko nga sa babaeng yun, masyado siyang makulit, dikitin ng kung ano-anong kapahamakan, maingay at higit sa lahat Feeling Close. =.= Naiirita lang talaga ako kapag may ginagawa syang kaweirduhan.

Nakakahiya mang sabihin na simula nung nakontrata ako sa kanya, palagi na akong nakamasid sa kanya, kahit saan sya pumupunta ay nandun ako maliban nalang ngayon. Alam ko ring nakipagkontrata sya sa isang guardian kaya di nga ako ngayon namomoroblema kung buhay pa ba o hindi ang babaeng yun. Alam ko namang hindi sya papabayaan ng guardian niya para saan pa't naging guardian niya yung bubwit na yun? At isa pa, may isang ubanin ring sunod ng sunod sa kanya, Kaya ano pa bang poproblemahin ko? Psh. =3=

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit, pero sa kabilang banda, I wanted to keep the contract. Gusto ko muna siyang obserbahan at honestly, I found her interesting...

So, I guess...

"Sa tingin ko'y nakapagdesisyon ka na. Kaya puntahan na natin sila." sabi ni Headmaster. And with that umalis na kami sa office niya nakasalubong naman namin si Mr. Chardson, sumabay na din sya samin.

"Anong sabi ng mga estudyante Mr. Chardson?" tanong Headmaster nang makarating na kami sa harap ng training room.

"Isang misteryosong Force Field daw ho ang bigla nalang lumitaw habang ginagawa nila ang activity."

"At sino sino ang nakulong?"

"Isang special class student from Class-B at isang Lower Class student, Class-D." sagot ni Mr. Chardson.

"Sino sa kanila Hollows?" tanong sakin ni Headmaster.

"LC student." simpleng sabi ko. Tumango naman sya bago niya binuksan ang pinto papasok sa Training Room.

Bumungad samin ang bearer ko na nakatukod ang mga kamay at tuhod sa lapag habang sumusuka ng... DUGO. O__O habang marahang tinatapik tapik sya nung lalaki, at inaalalayan naman ng guardian niyang bubwit.

Ganito ba talaga kasama ang nangyari?!

"Sandali lang ako nawala, Ito na ang dadatnan ko? Ano bang nangyari dito?!" sabi ni Headmaster na syang ikinagulat ng lahat ng natira sa training room. Di ko na napansin ang bilang nila dahil nakatingin lang ako ngayon sa Bearer ko... Kukunin ko na ba sya? o papabayaan nalang?

Lost Academy Where stories live. Discover now