Warning: Bawal Pa-fall [Prologue]

873K 14.8K 3.8K
                                    

ORIGINAL STORY OF MARIELICIOUS

COPYRIGHT © 2016 BY Marielicious

Reproduction or usage of this work in whole or in part in any form by any electronic, mechanical or other means, now known or hereinafter invented,is forbidden without the permission from the author.

All the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author,and have no relation to anyone having the same names . They are not even distantly inspired by any individual known or unknown to the author, and all the incidents are merely inventions.

POSTED: January 1, 2016 (8:10pm)

TITLE: Warning: Bawal Pa-fall



PROLOGUE



Pa-fall...



Ibang term yun para sa paasa, hindi ba?

Hindi ba 'yun yung nahulog ka, pero hindi ka sinalo o 'di kaya'y sinalo ka nga pero sa huli ay bibitawan ka rin pala?

'Yung tipong pinapasaya ka niya pero sasaktan ka rin naman

Pwede ring pinakilig ka lang niya, 'yun pala hanggang kilig lang iyon dahil wala naman palang malisya iyon sa kanya. Assuming ka lang talaga.

Ouch.

'Di hamak namang mas masarap ma-fall kaysa ang paasahin ng taong pa-fall.

Naranasan ko na kasing ma-fall. 'Yung feeling na nahulog ka pero imbes na bumagsak ay para kang lumulutang sa alapaap. 'Yung tipong kinikilig ka sa bawat ginagawa niya na kahit na ultimong pagngiti lang niya ay parang nagwawala na agad ang mga leon, tigre, elepante, hippopotamus at kung ano-ano pang wild animals sa sikmura mo. 'Yung gagawin niya ang lahat para makuha ang matamis mong oo.

Ganyan ang naranasan ko. Na-fall ako sa isang lalaki... Let me correct it- baklang naging lalaki.

Nahulog. Sinalo. Binitawan. Nadurog.

Ouch. . . Yun. Yun ang ibig sabihin ng pa-fall.

'Di bale na. Kasalanan ko naman e, pero hindi ko naman sinasadya. Hello! Gaya nga ng sabi ko, nahulog din naman ako sa kanya at naniniwala akong ganun din siya sa akin. Naramdaman ko yun e... diretso sa puso ko.

Hayyy... Tama na nga 'yan. Baka maiyak lang ulit ako. Kinalimutan ko na kaya 'yon!!!

Teka... Sino bang niloloko? Kinalimutan? Siguro nga ay sinubukan ko pero mahirap pala. First love and first heartache ko ba naman e.

Pinagsisihan ko naman na yung ginawa ko. Iniyakan ko kaya ng ilang gabi iyon. Sinisi ko ang sarili ko na sana ay hindi nalang ako na-involve sa deal na 'yon. Ni hindi ko nga tinanggap ang rewards ko. Kung kapalit lang naman nu'n ay siya, aba, no thank you nalang.

Okay. Okay... Moving on.

Matagal naman na 'yon. Nakaalis na nga lang ako't nakabalik ng Pinas. Ang dami nang nagbago pero hindi kasama ang feelings ko sa kanya. (Naks!)

Basta, France Zion Madrigal, papatunayan ko sa'yong hindi ako mapaglaro ng feelings ng tao gaya ng pinapatama mo sa aking...

...Warning: Bawal Pa-fall

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Where stories live. Discover now