39. Risks

77.1K 3.4K 2.6K
                                    

Hindi ako mapakali. Hindi ko kasi alam kung matutulog ba ako o tatakas para umuwi sa unit ni Kuya Kurt. Nakakaloka naman kasi! Parang kanina lang ay nag-gigirl to girl talk kami ni Reishel tapos ngayon ay nandito na ako sa kwarto ni Zion.

Oo. Kasalukuyang nasa kwarto ako ni Zion.

Aaahhhh! Gusto kong tumili at magwala pero hindi ko magawa. Instead, nanatili lang akong nakahiga. Kalmado man ako pero sa loob loob ko ay punong puno ako ng kaba. Kasalanan ito ng flavoured beer na inalok ni Reishel! Sana pala ay in-offer'an niya ako ng mas nakakalasing na beer para hindi ako napahiya kay Zion. Sino nga bang malalasing sa kalahating San Mig apple?

"Ano ba kasi ang pumasok sa isip ko at naglasing lasingan ako?" I asked to myself out of frustration. Hindi ako mapirmi sa kama. Nagpabaling baling ako sa kaliwa at sa kanan ko. Hindi pa nakuntento't halos lahat ng sulok ng kama ay naikutan ko na.

Nilabas ko ang phone ko mula sa bulsa ko para basahin ang naging dahilan kung bakit hiyang hiya akong harapin si Zion. Hindi ko na sana kailangan maglasing lasingan kung hindi ako naduwag. Kasalanan ko rin naman kasi hindi ko kayang panindigan yung messages na sinend ko sa messenger niya.

"I'm sorry for being so tactless, Zion. I can't stand you being mad at me. You know how important you are to me at hindi ko dapat kinukwestyon kung ano ka ba sa buhay ko because you are Zion... My Zion."

Totoo naman, e. He is important to me at marahil malakas na sampal sa kanya nang itanong ko kung ano ba siya sa akin. It was as if I sounded like he never played a significant role in my life. Hayys, Misty. Tapos na kayo dun diba? Nagkabati na nga kayo. Ang issue ngayon ay yung message ko sa kanya na na-send lang bigla nang bumalik yung internet data ko. Ano bang kinakahiya ko e sa akin naman mismo nanggaling ito?

"Aarrghh!" Mas lalo akong na-frustrate kaya nasipa ko yung unan na kanina ko pa yakap-yakap. "Bakit ba ako nagkakaganito? Napakapabebe ko! Why would I be ashamed of something I meant to say sincerely anyway?"

Kung kanina ko pa sana na-realize iyon ay hindi ko na kinailangan na magpanggap na lasing para hindi lang makaharap si Zion. As if naman, kaya ko siyang iwasan. E kahit saang sulok ako magpunta ay nandyan siya.

I took out a sigh before I got up to get the comforter on the floor. Hihiga na sana ako ulit kung hindi lang nahagip ng paningin ko yung study table ni Zion—- a picture frame caught my attention, specifically.

I walked towards the study table to take a closer look of the photo and my heart started to beat so fast when I found out it was a younger version of me and Zion.

Kung hindi ako nagkakamali, nasa first grade palang kami nito. Nakasuot kami ng costume dahil sasayaw kami sa field demo. Hindi kami okay that time kaya lagi kaming nag-aaway. May isang mang-aasar at may isang mapipikon. Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit parehas kaming nakasimangot sa picture na ito. Kunsabagay, pinilit lang namin kami ng mga tatay namin na mag-pose para sa picture.

I smiled at the memory as I walked back towards the bed. Parang kailan lang ay para kaming aso't-pusa ni Zion. In other words, isang girly at isang bakla na hindi magkasundo na halos kulang nalang ay magkabugbugan na. Now, I never expected that we have fallen for each other.

Looking out of the window while I was lying on the bed, a sweet smile has twisted on my lips as I recalled what Zion has said earlier at the library.

"I love every inch of you, Misty. No kidding and I mean it."

Hindi ko alam kung bakit tila gumaan ng bahagya ang pakiramdam ko. I came to realize how Zion feels about me so why should I be scared to express mine?

I closed my eyes and hugged Zion's pillow tightly towards my chest. I love you too, Zion, and I will never be in denial about my feelings again.

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Where stories live. Discover now