42. Lovelock

53.2K 2.1K 1.2K
                                    

Chapter 42

"Congratulations to us!" Sigaw ni Eunice.

"Natapos din ang pagpupuyat natin! Road to graduation. Here we come!" Tugon naman ni Sab habang inaangat din ng baso ng kanyang Frappe.

At hindi rin nagpahuli si Zion na kanina pa hyper before, during and after our feasibility study defense. "Cheers to the success of our feasib!"

"CHEERS!!!" Sab and Eunice responded and so did I as I lifted my own glass of milktea in mid air.

After ng defense namin ay dumiretso kaming grupo sa coffee shop ni Kuya Wayne— ang The 13th District. Si Zion ang nagyaya. He said that we deserve to celebrate the end of our sleepless nights.

"Jusko, nakakakaba kanina. Buti nakaraos na tayo," sabi ni Sab na hindi maalis ang malaking ngiti sa labi.

Eunice laughed at her what she has said. "Nanginginig nga ang labi ko habang tinatanong ako ng panel!"

Habang nagkukwentuhan silang tatlo ay tahimik lang ako na nakikinig sa kanila. Kanina pa ako tahimik. Actually, masaya naman ako sa success ng defense namin dahil bukod sa nairaos na namin ito ay kaunting revisions lang ang gagawin namin sa feasib namin. Yun nga lang ay medyo bothered ako para kay Reishel. Nararamdaman ko kasi kung gaano siya ka-problemado kanina. Is she sick or rather, pregnant?

I felt Zion nudge me kaya bumaling ako sa kanya. "Okay ka lang?" He mouthed to me like almost a whisper. Tumango lang ako sa kanya bago sumubo ng nakahain na Beefy Nachos.

"Congrats, guys!"

Napalingon kami sa bumati. Nakita namin ang kuya ni Zion na si Kuya Wayne na may dala-dalang tray ng isang buong Blueberry Cheesecake na may dedication na 'Congratulations!'. Nag-high five siya sa kapatid at pati sa akin.

"Thank you po, kuya!" Sabay sabay na sagot namin. Although, hindik o pinantayan ang energy ng dalawa nina Sab at Eunice.

"The pleasure is mine," he replied with a wink at ewan ko ba kung bakit pero halata na kinilig sina Sab at Eunice sa ginawang iyon ni Kuya Wayne.

Well, actually, nakuha nga ni Kuya Wayne ang attention ng ilan sa mga customers dahil halos na sa kanya ang mga mata nito. I could not blame them all. Kung gwapo si Zion, edi syempre gwapo rin ang kuya niya.

"Order anything you want. Treat ko na. Tutal you deserve to celebrate," dagdag pa ni Kuya Wayne.

Napapalakpak ang dalawa nina Sab at Eunice sa harapan ko samantalang napangiti nalang ako. Then I don't know if it is just me or Kuya Wayne's mischievous smile suddenly appeared.

"Really, huh?" Zion finally reacted with a sarcastic chuckle. "Hindi mo nga ako nililibre dito tapos may palibre ka sa grupo ko, kuya?"

"Aba, oo naman. Why not?" He exclaimed and then stood behind me and Zion. Tinapik pa niya ang balikat naming dalawa. "I am a proud kuya kasi bukod sa maayos ang naging defense niyo e may jowa na rin ang kapatid ko," he said and then messed up Zion's hair.

Napanguso tuloy ako. Medyo nagloading kasi sa utak ko yung sinabi niya hanggang unti unti kong na-gets lalo na nang maghagikhikan na sina Sab at Eunice. "Hala, kuya! Nanliligaw palang si Zion!" I defended and I felt myself blushed.

"Kuya naman!" Naiiritang saway naman sa kanya ni Zion.

"Bakit? Dun din naman ang punta nu'n e. Hindi ba, girls?" Ang naghanap pa ng kakampi! Hala siya!

"TRUE!" Eunice and Sab almost shrieked in chorus na may halong pangangantyaw pa. Mas lalo tuloy nag-init ang buong mukha ko. Nakakaloka! Nananahimik na nga ako tapos naging center of attention pa ako. Huhuhu.

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Where stories live. Discover now