49. The Other Half

43.3K 2K 1.1K
                                    

Chapter 49

Last day na ng retreat namin sa Baguio at ewan ko ba pero kung kailan huling araw na namin ay pakiramdam ko, drained na ako. Sa nangyari kahapon, medyo napagod ako emotionally lalo na't dumadagdag pa sa iniisip ko yung sinabi kagabi ni Zion na aalis daw siya pagkatapos ng graduation.

Last night, I wanted to ask further questions to Zion but I chose not to. Kahit hindi niya sa akin sinabi kung ano ang problema niya ay sigurado akong mabigat iyon dahil hinayaan niya ang sarili niyang umiyak sa bisig ko hanggang sa makatulog siya. I was dying to know the reason. Akala ko, wala siyang tinatagong problema dahil palagi naman siyang masaya kapag kasama ko siya. Siguro naging abala lang ako sa pansarili kong sitwasyon at hindi ko napansin na meron din siyang kinikimkim.

Sa huling araw namin sa retreat house, hinintay ako ni Zion na gumising. Ni hindi na nga kami nakaabot sa breakfast. Good thing, Zion got a lot of food supplies in his bag kaya iyon ang kinain namin pansamantala. I did not even get to ask how he was feeling dahil balik normal na naman siya na parang walang nangyari kagabi. He is the same old sweet Zion today.

Kasalukuyan kaming bumabyahe na. Everyone in the bus was feasting with their snacks that they did not get to consume when we were in the retreat house. Bago kami umalis ay sinauli na kasi ng mga madre ang mga baon namin. Nadagdagan tuloy ang mga snacks namin sa aming bag.

"Kamusta na kaya si Eunice?" I suddenly overheard one of my blockmates that was seated infront of me and Zion. Nakuha niya tuloy ang buong atensyon ko.

"Ah, nasa ospital daw. Hindi raw kasi makahinga nang maayos kagabi," sabi ng katabi niya.

"Hika? Heart attack? What?"

"Panic attack yata."

For that reason, napatingin ako sa kanang bahagi ko. Dun kasi nakapwesto ang dalawa nina Eunice at Tyrone pero ngayon ay bakante na ito maliban sa bag nina Sab at Geoff na nilagay du'n. Actually, kanina pa talaga usap-usapan ang tungkol kina Eunice at Tyrone noong nasa gitna kami ng pagkuha ng class picture sa retreat house. Na kesyo si Tyrone daw ang tinutukoy ni Eunice sa testimony nito at ganun din si Tyrone sa paghingi ng apology nang magsalita ito kagabi. It has become an issue in our batch kahit na pinaalalahanan kami ng mga madre at professor namin bago umalis na what happened in the retreat house stays in the retreat house.

"Are you okay?" biglang tanong ni Zion sa akin. He even attempted to feed with me his bread but I just shook my head no.

"I am thinking of Eunice. Kamusta na kaya siya?"

He shrugged his shoulders as he gave a quick look on the supposed seats of Eunice and Tyrone. "Ka-text ko si TJ kanina. Sabi niya, nauna na raw silang umuwi pa-Maynila as per order ni Prof," sagot niya.

"So, okay na ba siya?"

"Eunice will be okay," sabi niya at pilit na ngumiti. "She has to help herself."

Napatitig lang ako kay Zion pagkatapos niyang sabihin iyon. Yun ba ang ginagawa niya ngayon? Tinutulungan niya ang sarili niya para maging okay? Kasi kung oo, mas lalo akong nag-aalala. I could sense some pretentions behind Zion's smiles. Kung dati, hindi ako aware, ngayon sigurado na akong nakatago sa likod ng mga ngiti niya ang sakit, lungkot at pagod na nararamdaman niya. Ayokong mag-assume pero marahil may problema siya sa pamilya niya.

Ilang sandali lang ay huminto na ang sinasakyan naming bus. Pagsilip namin sa bintana, dun lang namin napansin na nasa Strawberry Farm kami. Apparently, our professor gave us one hour to roam around the place and buy food and souveniers. Wala sana akong balak lumabas kung hindi lang ako niyaya ni Zion.

"Let's pick some fresh strawberries!" sabi niya habang hila-hila ako. Buong ingat niya akong dinadala sa farm dahil mukhang umulan kanina base sa basang lupa. Medyo madulas tuloy.

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Where stories live. Discover now