51. Expulsion

47K 2K 723
                                    

Chapter 51

"Dean, nakikiusap po ako. Huwag niyo pong ituloy ang expulsion ni Eunice. Let us solve our conflict on our own. Ayaw ko pong umabot sa puntong ikasisira ng kaibigan ko."

Kaharap ko si Dean na seryosong nakatitig sa akin ng mata sa mata. Then she shifted her attention on the files she was scanning earlier. Kung hindi ako nagkakamali ay student profile iyon ni Eunice.

Matapos mag-collapse si Eunice kahapon ay isinugod namin siya ni Zion kasama ng kanyang Mama sa ospital. It turned out that she was over-fatigued. Ilang araw na raw kasi siyang hindi kumakain at puro tubig lang ang laman ng tiyan dahilan para manghina siya nang sobra.

Sa tuwing tinitignan ko ang Mama niya ay naaawa ako dahil sa sobrang pag-aalala niya sa kanyang anak kaya naman nangako ako sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para maiurong ang expulsion kay Eunice. Gusto kong mabawasan ang problema nila kahit papaano.

At heto ako ngayon, nakikiusap kay Dean. Handa akong magmakaawa para lang makasabay si Eunice sa pag-graduate namin nina Sab, Geoff at Zion.

"Ang alam ko ay nakarating na sa president ang case ni Eunice at pinag-uusapan na ng council ang tungkol sa expulsion niya, Ms. Lee."

Bumagsak ang balikat ko sa narinig. Napakapit ako nang mahigpit sa kanyang desk. "Ate Alexa, please, huwag ganito," pagmamakaawa ko't kinalimutan panandali ang posisyon niya bilang Dean. She is a close family friend at konektado ang pamilya niya sa amin sa mundo ng business.

"Misty, naging agresibo ang kuya mo nung nakaraan at gusto agad na patawan siya ng expulsion kaya pinarating ko kaagad sa presidente ng E.H.U. ang tungkol do'n. At isa pa, ang daming witnesses ang nakakita sa nangyari kaya naging malakas yung kaso laban sa kanya."

"Ate, you know my brother is just being over-protective of me. He made that decision impulsively on his own. Inisip niya lang ang kapakanan ko. Ni hindi niya inalam ang side ni Eunice kaya please reconsider," matigas na sabi ko.

Bumuntong-hininga siya at isinarado ang folder at saka siya sumandal sa swivel chair at napahilot sa sentido.

"Oh, sige, let's say magagawan ko ng paraan para maiurong ang expulsion, baka balikan naman ako ng kuya mo. Napaka-bossy pa naman no'n!"

Medyo nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya kaya nakahinga ako nang maluwag. "Ako na ang bahala kay Kuya Kurt! Basta please, iurong niyo na. Na-i-stress na ako, Dean. Three weeks nalang bago ang Graduation, e!"

She rolled her eyes upwards and then sighed. "Oo na. You and your brother are such a pain in the ass."

"OMG! Thank you!"

Tatayo sana ako para yakapin si Ate Alexa nang biglang may kumatok sa pinto. Pumasok ang isang estudyante at may pinapirma na kung ano sa kanya. Bumalik kami sa pag-akto bilang student at Dean para maiwasan ang unfair treatment issue sa College. Nakalimutan kong Dean nga pala siya dito. Medyo na-out of character kasi siya.

"Sige na, Ms. Lee. Consider it done," sabi ni Ate Alexa habang pumipirma sa ilang dokumento na hinihintay nung estudyante.

"Thank you po, Dean," magalang na sagot ko kuno bago yumuko saglit at dumiretso na palabas ng Dean's office.

Paglabas ko ay sinalubong agad ako ni Zion. He was giving a hopeful look and so I shot him a satisfied smile.

"So, okay na?" pagkumpirma niya.

"Yes. Gagawan niya raw ng paraan para maiurong ang expulsion," I retorted with a wide smile na nagpahinga sa kanya nang maluwag.

"Phew! Buti naman. I'm sure Eunice will be glad about it."

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora