20. Ayoko Na

188K 6.4K 3K
                                    

Chapter 20

"Wow..."

Yun lang ang lumabas sa bibig ko nang sa paglabas namin ng kotse ay bumungad sa paningin ko ang malaking Ferris Wheel. Nakaka-excite tuloy dahil bukod sa maganda ang lugar ay maganda rin ang panahon... or so I thought. Hindi nagpapakita si haring araw kaya medyo gloomy ang paligid ngayon. Okay na rin siguro ito kaysa naman sa mainit ang panahon. Mas mae-enjoy namin nito ang mga rides.

"Naka-ride-all-you-can ba tayo?"

Tumango lang si Zion habang inaayos-ayos ang suot niyang jacket habang ako naman ay hindi mapigilan ang sarili sa paggala ng paningin ko sa paligid. I can see few interesting rides from here! Hindi masyadong extreme! Nag-tiptoe pa ako para tanawin yung nasa bandang itaas sa may hindi kalayuan and I almost jumped in excitement when I found out what it was.

"May zipline, Zion! Try natin. Tara!"

Tatakbo na sana ako papasok sa entrance nung biglang higitin ni Zion effortlessly yung sleeve ng jacket ko. Napabalik tuloy ako sa kinatatayuan ko kanina right beside him.

"Huwag muna," he said, shaking his head a bit. "Kain muna tayo. Hindi pa tayo nagla-lunch."

Nag-pout ako. Panira naman ng excitement 'to! "Hindi pa ako gutom e. Mamaya na."

"Pwes ako gutom na. Let's go—"

Inagaw ko mula sa kamay niya yung isang ticket bago ako tumakbo palayo ng bahagya mula sa kanya. Humagikhik ako nung nakita ko yung pagsimangot niya. "Sige, kain ka na. Sumunod ka nalang sa loob!" malambing na sabi ko tapos kumaway pa ako.

"Misty!" saway niya sa akin.

Ngiting-ngiti pa ako sa kanya habang naglalakad paatras papunta sa entrance. Na-eexcite na kasi talaga ako! "See you later. Text mo nalang ako!"

"Huwag ka ngang excited." Humakbang siya patungo sa akin. Nilakihan ko rin naman ang hakbang ko paatras. "Pagkatapos naman nating kumain, papasok din tayo dyan, Misty. Tara na."

"Hindi natin mae-enjoy ang rides ng busog tayo. Baka mailabas lang yung kinain natin. After nalang kasi natin mag-rides tayo kumain! At saka habang kaunti palang ang mga tao, mag-ride na tayo. Walang pila o!"

He just heaved an annoyed sigh and then shook his head. "Para 'tong bata."

"Dali na kasi!"

"Tsk! Hindi naman mawawala ang mga rides dyan. Pagkatapos naman nating kumain, nandyan pa rin yan," masungit na sabi niya pero hindi pa rin ako nagpatinag. Pinagkrus ko pa ang mga braso ko na sa tingin ko ay nagpairita pa sa kanya lalo. "Misty—"

"Hindi rin naman mawawala ang mga resto na yan. Pagkatapos natin mag-rides, nandyan pa rin naman yan."

He scratched his head in frustration that made me giggle. Totoo naman kasi, hindi ba? "Bahala ka dyan," he hissed, giving up.

Napalabi nalang tuloy ako nung tinalikuran niya ako at naglakad na patungo sa hile-hilerang restaurants sa gilid. At aba, talagang hahayaan lang niya akong mag-isa na pumasok sa Sky Ranch? Oh, well. He must be really hungry. Ako rin naman e, kaso mas nangibabaw sa akin ang excitement.

I shrugged my shoulders nonchalantly as my expression softened. "Talagang bahala ako. Ha!" bulong ko sa hangin bago pumihit papunta sa entrance.

Ilang hakbang pa bago ako tuluyang nakapila. Hindi naman ganun kahabaan yung pila at kaunti palang ang mga tao kaya keri lang naman. It was about my turn to get the back of my hand stamped by the crew when someone suddenly pulled my hoodie down to my face and the next thing I knew, someone snaked his arm around my shoulders and grabbed me away.

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Where stories live. Discover now