46. Head to Toe

51.9K 2.1K 1.5K
                                    

Chapter 46

Lumipas ang finals week nang matiwasay. Syempre nangarag ang beauty ko pero dahil sa tulong ni Zion ay medyo napadali naman ang buhay ko sa pagrereview. Naging study buddy kami. He has his own way of teaching me computations na surprisingly ay naging madali para ma-catch up ko. Makakatanggap ka ba naman ng isang pitik sa kamay o sa tenga sa bawat mistake sa mga exercises na hinahanda niya para sagutan ko ay hindi ba ako mamomotivate? Mapanakit, e!

Sunday came so quickly at walang tigil ang pag-pop up messages mula sa Warning: Bawal Mang-seen groupchat habang nag-eempake ako ng mga gamit na dadalhin ko para sa Retreat namin sa Baguio bukas. Halata na sobrang nae-excite na sila for tomorrow.

Eunice: Mga tsong, ilan ang dadalhin niyong damit?

Sab: Edi good for three days and 2 nights lang. Unless, nagche-change outfit ka every 2 hours? 😂

Eunice: Oo. Sa 3rd day, dadamihan ko outfit ko para pang-IG.

Sab: Ohh I like that! Excited na ako!

Tyrone: Anong oras ba talaga call time?

Eunice: 4:30 am.

Geoff: Ang aga. 6am yan aalis panigurado. Dadating ako ng 5:30 para safe.

Sab: Subukan mo. Nasa NLEX na kami nun.

Geoff: Ha?

Sab: hakdog.

Geoff: Halabyu.

Eunice: You two! Get a room!

Sab: Luh.

Geoff: Luh-byu.

Sab: Raulo!

Geoff: HAHAHA

Tyrone: Ang aga pala masyado bukas. Sige. See you tomorrow sa inyong lahat.

Zion: See you tomorrow sayo din, bro. 😂😂😂

Eunice: TJ, sunduin mo naman ako bukas please.

Seen by Reishel and Tyrone

Kita mo 'tong si Zion! Magchachat lang sa GC para mangbara sa grammar ni Tyrone pero syempre hindi ko rin maiwasang mapansin yung message ni Eunice. Kung katulad lang sana dati na wala akong alam sa nangyayari ay hindi ko 'to pag-iisipan ng malisya. Pinagkibitan ko nalang 'yon ng balikat at nagpatuloy na sa pag-eempake.

Few minutes later ay may nag-buzz sa unit kaya natataranta akong bumababa. Wala akong ini-expect na bisita o delivery kaya medyo nagtaka ako. Sumilip muna ako sa peephole at nang makitang si Zion ang nasa labas ay mabilis ko siyang pinagbuksan ng pinto.

"What's up?" Nilakihan ko muna ang pagbukas ng pinto at hinayaan siyang pumasok. Nakasuot lang siya ng puting shirt at brown shorts na mukhang halatang nangapit-bahay lang.

"Nag-dinner ka na, Misty?" tanong niya bago naupo sa sofa. Tumango lang ako. "Nakapag-empake ka na ng mga dadalhin bukas?"

"Yup. Kakatapos ko lang. Ikaw?"

"Tapos na rin," he replied and then stood up again. "Tara. Bili tayo ng babaunin na pagkain?"

"Akala ko ba included na ang four meals in a day sa retreat house?" Hindi man ako naka-attend sa assembly ng mga graduating students nung nakaraan ay alam ko na kasama na raw ang accommodation at pagkain sa three days and two nights na retreat namin. Ang mahal ba ng retreat fee, e! Sa katunayan, narinig ko pa sa mga blockmates ko na nahirapan sila magbayad. Kung hindi nga lang daw ito required sa mga graduating ay hindi sila sasama.

"Syempre kailangan din natin bumili ng snacks. Hindi naman natin alam kung magugustuhan natin yung food dun sa retreat house e." Lumapit siya sa akin tapos pumwesto sa likod ko para hawakan ang magkabilang balikat ko. "Ano, tara?"

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Where stories live. Discover now