31. Insecurity

128K 5K 1.7K
                                    

Chapter 31

"Happy birthday, Sab."

Friday came. Actually, ngayon ang birthday ni Sab pero gaya ng napagplanuhan ay bukas nalang daw gaganapin ang celebration since may pasok pa hanggang kinabukasan.

"Thank you!" magiliw na sagot niya. Kaka-dismiss lang ng professor nu'n kaya medyo busy si Sab sa pagliligpit ng materials na ginamit sa activity sa Humanities samantalang si Eunice ay tahimik na isinusulat ang lecture na nakasulat sa white board.

"Happy birthday, Sab." Si Zion naman ang bumati kaya saglit ko siyang nilingon at saka ngumiti. Naks, improving. Bumabati na.

"Salamat, Zion. Punta kayo bukas sa bahay ha?"

Saglit na tumingin sa akin si Zion bago tinanguan si Sab. "Tuloy ba ang overnight session natin para sa feasib bukas?"

"Oo, nasabi ko na rin naman kina Mama e," sagot ni Sab na tapos na sa pagliligpit at humarap na sa amin.

"Ayos lang ba? I mean, may celebration sa bahay niyo tapos tayo aasikasuhin itong feasib?"

Oo. Pabor nga si Mama na sa bahay namin tayo mag-oover night, e."

"Ituloy na yan para matapos na," sabat ni Eunice bago isinara ang kanyang notebook at saka siya humarap sa amin. Kaming apat nalang ang natira sa loob ng classroom. "Dapat maglaan tayo ng mahabang araw para pag-aralan ang content ng feasib natin. Alam niyo naman kung paano mang-gisa ang mga panel."

"Kaya nga! Nung Marketing Plan palang e," Sab agreed.

Kinabahan tuloy ako bigla. Naranasan ko naman iyon sa pinasukan kong University sa States pero syempre, iba pa rin yung dito. At least sila naranasan munang mag-Marketing Plan bago sumabak sa Feasibility Studies. Ibig sabihin, may idea na sila kung paano maghanap ng butas ang mga panel sa business namin. E kamusta naman ako? Ngayon palang tuloy ay parang ginigisa na ako sa sarili kong pawis dahil sa naisip.

"So, wala muna tayong sesh ngayon?" tanong ni Eunice. For some reason ay napatikom ako ng bibig nang tumingin siya sa akin. I suddenly just feel uncomfortable around her.

"Wala. Bukas nalang." Si Zion na ang sumagot at saka siya tumingin sa akin. "Let's go."

Matipid akong ngumiti sa kanila bilang paalam bago kami lumabas ng classroom ni Zion. Mukhang napansin lang niya na nanahimik ako bigla nung palabas na kami ng building.

"Why are you quiet?" tanong niya. Medyo binagalan pa ang paglalakad habang sinisilip ang mukha ko kung kaya ay yumuko ako. "May problema ba, Misty?"

Umiling lang ako tapos bahagyang napanguso. Humarang siya sa dadaanan ko kaya napatigil ako sa paglalakad.

"E busangot 'yang mukha mo e. C'mon, tell me what's bugging you. May masakit na naman ba sa'yo?"

Mas lalo lang tuloy ako napanguso sa tanong niya at pagkatapos ay umiling nalang. There are few things that's bugging me lately. Isa na rin dyan si Eunice.

"How am I supposed to work with Eunice kung alam ko na yung mga pinagsasasabi niya sa akin noong wala ako, Zion? Hindi ako kumportable."

"Sabi na e," he said to himself as he tilted his head sideways. He then looked to me. "Listen, Misty. That was three years ago. Nasabi niya yun malamang dahil insecure siya sa'yo kasi ikaw yung gusto ng taong gusto niya. Sa ngayon, hindi naman na ikaw ang gusto ni Tyrone kaya malamang hindi na ganun ang iniisip niya tungkol sa'yo. So, don't be bothered anymore."

I folded my arms across my chest and then looked back at him. "Kung ganun, bakit hanggang ngayon ay parang masama pa rin ang loob mo sa kanya?"

He pursed his lips at my question and then spoke again. "E kasi narinig ko mismo yung sinabi n'ya patungkol sa'yo kaya mahirap alisin sa akin yung inis. Tss," he hissed as he shook his head. "Who cares anyway? Basta ayoko na siyang maging tropa."

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Where stories live. Discover now