55. Chest Box

42.8K 1.6K 1.2K
                                    

Chapter 55

"Zion, where are you taking me to?"

Right after our sweet dance infront of our batchmates, Zion took me out of the venue. Ngayon ay hila-hila niya ako papunta kung saan. Nakumpirma ko lang na sa may soccer field ang punta namin nang pumwesto kami sa bleachers.

"Dito muna tayo. Gusto kitang ma-solo. Masyadong maingay sa grad ball," he uttered with his usual boyish smile but this time, I could sense that it was something quite awkward. Hindi ko alam kung ako lang ba 'yon pero nagkaroon ng ilang sa pagitan naming dalawa.

Sa unang palapag na bleachers kami naupo. Walang katao-tao sa soccer field dahil abala ang lahat sa Graduation ball. Dumagdag pa sa awkward atmosphere 'yong katahimikan sa aming dalawa. Mas lalo ko lang tuloy naramdaman ang bilis ng tibok puso ko ngayong kami lang dalawa ang narito.

"Girlfriend na ba talaga kita, Misty?" He broke the silence between us after a few moment of silence.

"Oo nga," sagot ko habang unti-unti kong nararamdaman ang pag-init ng mukha ko.

Bumuntong-hininga siya kaya naman ay napatingin ako sa kanya. A wide smile slowly crept to his lips while looking at the soccer field. Napapangiti rin tuloy ako. Kinikilig ako dahil hindi nalang isang idea ang maging kami kundi isang katotohanan na. Ito na talaga 'to. Kaming dalawa na.

"Wow," nangingiting niyang sambit. He even bit his lower lip to supress his own smile. "I can't believe that we are officially a couple now."

I laughed awkwardly. Sobrang naiilang ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ako ng boyfriend kaya wala akong ideya sa dapat kong isagot o sabihin sa kanya.

"Pero Misty, akala ko ba sa graduation mo pa ako sasagutin?" nag-aalinlangang tanong niya.

"Ayaw mo ba?" taas-kilay kong tanong sa kanya pabalik.

"Hindi naman sa ganun!" Sa wakas ay tumingin na siya sa akin. Nakalabi man ay nangingiti pa rin. "Naninigurado lang. Baka kasi pina-prank mo lang ako."

"Zion, hindi kita pina-prank. Okay? Tayo na. Boyfriend na kita at girlfriend mo na ako. Unless—"

"Walang unless unless!" agap niya sa dapat ay sasabihin ko. Natawa tuloy ako. "Period. No erase. Padlock. Tapon susi. Ay! Babalikan ko yung susi. Ilalagay ko sa box at ipapadlock ulit. Tapos ibabaon ko six feet underground at isesemento ko yung lupa. For short, wala nang bawian!"

Mas lalo tuloy ako natawa dahil with actions niya pa 'yon sinabi. "Okay. Chill, Zion!"

Pinakatitigan niya ako habang natatawa lang ako sa mga pinagsasasabi niya. "Hindi lang ako makapaniwala na tayo na, Misty. Parang dati lang, aso't-pusa pa tayo mula pa noong pagkabata natin."

Bumalik sa mga alaala ko yung mga panahong nasa elementary palang kami. No, mali. Noon palang nasa kindergarten palang kami.

"Oo nga. Naglalaro ako ng Barbie doll noon tapos inagaw mo sa akin at pinutulan ng ulo!"

"Kasi naman, Misty, sabi ko kasal-kasalan yung laruin natin ng Robot ko at Barbie mo pero ayaw mo."

Humagalpak ako ng tawa sa naalala. "Paano naman kasi ikakasal ang Barbie at Robot diba?" hirit ko pa kaya napakamot nalang siya sa batok niya.

"Sus. Ikaw nga dyan, binali mo yung Crayola ko na color pink, e!"

"Hindi ka talaga maka-get over dun 'no?" Napapansin ko kasi na ilang beses na niya brining up ang pangyayari na 'yon kahit hindi ko na 'yon exactly maalala.

"Hindi talaga. Naging 63 colors nalang tuloy ang dapat 64 na Crayola ko noon dahil sayo. Napagalitan pa ako ni Mama kasi kakabili lang niya nu'n sa akin! At saka favorite color ko kaya dati ang pink."

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Where stories live. Discover now