35. Admit It

157K 5.2K 2.4K
                                    

Chapter 35

"Ang laki talaga, tsong."

Inikutan ko lang ng mga mata si Eunice at sabay na napatakip ng panyo sa parteng napansin niya. Natawa tuloy silang dalawa ni Sab. Of all areas ba naman kasi ng mukha ay sa ilong pa ako tinubuan ng pimple. At hindi lang basta-basta sa ilong ha, kundi sa gitna pa ng nose bridge ko! Agaw pansin tuloy.

"Huwag niyo nalang pansinin, please, para mawala agad," medyo napipikon kong sabi sa kanila kasi panay pa rin ang tingin nila sa ilong ko.

"Wait, may remedyo ako dyan, tsong." Tumayo si Sab mula sa kinauupuan niya sa harapan ko at saka tumabi sa akin. May kung ano pa siyang hinanap sa bag niya bago siya may nilabas na maliit na bagay. "Conceal natin 'yang pimple mo."

Umalma naman si Eunice. "Sira, Sab! Baka imbes na gumaling yan, e lumala pa. Hayaan mo na."

"Hindi yan. May skin care benefit naman itong concealer ko," sagot ni Sab at hinawakan na yung pisngi ko pero agad akong umiwas.

"Huwag nalang kaya?"

"Bahala ka. Hahayaan mo nalang ba na nangingintab at namumula 'yang pimple mo?"

Napalabi nalang tuloy ako sa sinabi niya. Geez! Actually, kanina pa ako nafufrustrate sa pimple ko na 'to. Natulog akong walang 'to, tapos pag-gising ko nandyan na siya. Bumuga ako sa hangin bago inilapit sa kanya ang mukha ko hudyat na pumapayag na akong magpalagay ng concealer sa ilong.

By the way, Monday ngayon. Nandito kami sa usual spot namin, ang cemented tables, kung saan lagi kami pumupwesto sa tuwing may feasib sesh kami. Wala na rin kaming klase ngayon kaya nakafocus na kami dito. For the meantime though, kulang kami dahil wala si Zion. May practice kasi siya with his dance troupe pero nagsabi namang susunod daw siya mamaya.

"There you go," Sab said as she did one last tap of her finger with a concealer over my zit and then dusted some powder for it to set up. "Hindi na masyadong halata unlike kanina," she said, smiling.

Nilabas ko yung compact mirror ko mula sa bag at tinignan ang sariling reflection sa salamin. Hmm, she's right. This looks much better than earlier. Hindi na masyadong mapula at makintab. Yun nga lang, hindi pa rin maitatago yung pagkaumbok nito. At nakakainis pa kasi makirot. Huhu, keri na nga yan!

"Thank you, Sab."

"No problem," sabi ni Sab habang bumabalik sa pwesto niya sa tabi ni Eunice sa harap ko. "Hassle yung ganyang pimple, 'no? Hindi kaya magkakaroon ka na?"

Napaisip tuloy ako. Siguro nga pero ang unfair, ha! Sa ilong ko pa talaga?

"O 'di kaya baka in love si Misty girl natin, hmm?" malisyosang sambit naman ni Eunice kaya napataas ang isa kong kilay.

"Uy, grabeng conclusion yan. Hindi ba pwedeng oily lang yung parteng nose ko kaya ako nagka-breakout?" pagdadahilan ko.

Nagkatinginan silang dalawa bago humarap sa akin nang nakangising aso. Yan na naman tayo, mang-i-issue na naman 'yang dalawa. Buti pa si Zion, hindi masyadong ginawang big deal yung pimple ko kanina nung makita niya. Well, tinawanan niya one time pero dahil napikon ako ay hindi na siya umulit.

"Sabi ng Mama ko, kapag tinubuan daw ng pimple sa ilong, ibig sabihin daw ay in love!" hirit ni Eunice na sinabayan ng hagikhik ng katabi. Napasimangot tuloy ako. "In love nga ba?"

"Nang-iissue na naman kayo!"

"Why not 'di ba?" segunda naman ni Sab. "Pwedeng dahil sa hormones o pwede ring gaya ng sabi ni Eunice ay in love ka nga, Misty—"

"For sure, yung unang option ang sagot," putol ko sa kanya kaya nagtawanan na naman ang dalawa marahil sa pagiging defensive ko. "Come on, guys. Sa tingin niyo, may scientific explanation ang pagkakaroon ng pimple kapag in love?"

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Where stories live. Discover now