48. Testimony

49.5K 2.3K 2.5K
                                    

Chapter 48

Hindi masyadong naging maganda ang tulog ko sa first night ng retreat kaya medyo groggy ako kinabukasan. Actually, nakatulog naman ako pero halos every hour yata ay nagigising ako. Hindi ako sigurado kung namamahay yata ako o baka medyo natatakot lang dahil creepy ang kwarto namin kapag madilim?

7:30 a.m. ang call time sa dining area at 7:10 naman ako nagising. Kung hindi ko narinig ang ingay mula sa labas ng kwarto ay baka nagtuloy-tuloy ang tulog ko. Hindi ko na alam kung paano ko nagawang mag-shower ng 10 minutes at magbihis ng limang minuto. Basta ang alam ko nalang ay nagmamadali akong tumakbo patungo sa dining area habang nagba-brush ng buhok ko sa gitna ng pagtunog ng bell hudyat na magsisimula na ang almusal.

"Misty!" Kinawayan ako ni Sab nang makita niya ako sa pintuan ng dining area. Alam ko naman na yung usual table na pinupwestuhan ng barkada pero I am glad na tinawag pa rin niya ako.

Nagbabrush pa rin ako ng basa kong buhok habang naglalakad ako papunta sa usual pwesto namin. Kumpleto na sila dun dahil nandun na sina Sab, Geoff, Zion at si Eunice.

Automatiko akong napaismid nang makita si Eunice. Nakakatampo kasi siya. Sinadya niya ba na huwag akong gisingin kanina kahit na sa iisang kwarto lang naman kami? Hindi ko na kasi siya naabutan noong gumising ako. And by just looking at her, she seemed to have woken up pretty early. Ayos na ayos ang make-up e.

"Good morning, my love," bungad sa akin ni Zion nang maupo ako sa tabi niya. Hindi ko siya nagawang pansinin dahil nagmamadali na akong i-untangle ang buhok ko. Nakakabadtrip kasi hindi ako sanay na hindi binoblower ang buhok ko. Huhu. "Bakit nagsusuklay ka pa rin?" tanong ni Zion.

"Natanghali kasi ako ng gising."

"Hindi mo ba narinig yung bell? May nag-ikot para magpatunog ng bell for wake up call," sabi ni Zion sa akin kaya umiling lang ako. I could sense that Eunice was looking at me pero hindi ako tumingin sa direksyon niya. "Who was your roommate again? Bakit hindi ka man lang niya ginising?"

"Ginising kita, Misty," sabat ni Eunice. Halatang natamaan sa tanong ni Zion. "Hindi ka lang nagising. Parang ang lalim pa ng tulog mo."

Hindi ko nalang pinansin yung sinabi niya. Umiwas lang ako ng tingin at tinapos na ang pagbabrush ko. Kung concerned siya sa akin kahit bilang roommate lang, edi sana hindi niya ako iniwan sa kwarto na natutulog hanggang sa magising ako. Hindi naman ako comatose o patay para hindi magising e.

"Ako nga, hindi nakatulog e. Yung roommate ko kasi na taga-HRDM, panay ang sabi sa akin na may naglalakad daw sa labas ng kwarto namin," kwento ni Sab habang pinaglalaruan ang kubyertos sa kamay niya. "Nakakaloka siya. Pari't-parito raw yung naglalakad sa hallway hanggang alas kwatro ng umaga."

"Baka naman may nagchecheck lang sa inyo. Malay mo sina sister o 'di kaya isa sa mga prof," natatawang sabi ni Geoff.

"Ang sipag naman magcheck nun. Hanggang madaling araw?"

"Guni-guni mo lang yon, Sab. Walang multo dito. Tignan mo nga si Zion. Mag-isa lang siya sa kwarto niya," sabi ni Geoff kaya napatingin din ako kay Zion.

"Mag-isa ka?"

Tumango lang siya sa akin at bahagyang sumimangot.

"May multo, pre?" tanong ni Geoff.

"Oo."

"Talaga?"

"Oo. Sabi pa nga, awooo...kininam."

"Gago!"

Natawa silang lahat sa sagot ni Zion. Kahit miski sina Tyrone at Eunice na nananahimik ay hindi rin napigilan ang matawa. Ano bang nakakatawa dun? Awoookininam? Seriously. Kung hindi lang may sumita sa ingay sa table namin ay baka hindi na sila tumigil sa kakatawa.

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Where stories live. Discover now