7. Bawal Mang-seen Squad

193K 7.4K 2.2K
                                    

Dedicated to @Jiann19. Thank you for being a sweet reader. See you again soonest! ❤

7. Bawal Mang-seen Squad

Natahimik nalang ako sa buong byahe pagkatapos ng malapelikulang eksena namin kanina ni Zion featuring the taxi driver. Seryoso, hindi makabasag pinggan ang peg ko nang ma-realize kong ang weird ng nangyari a few minutes ago, pero sa totoo lang, gusto kong sumigaw like KYAAAAAAHH! OMG. Ito ba yung hindi concern sa akin? Ito ba yung walang pakielam sa akin? Talaga lang, ha!

Sabi niya, iuuwi niya raw ako. Saan niya ba ako iuuwi? Sa bahay nila o sa bahay namin? De joke. Of course, sa bahay namin pero bakit out of the way na yung direksyon na tinatahak namin? Actually, pamilyar nga ito e at nakumpirma ko kung nasaan kami nang inihinto ni Zion ang kanyang kotse sa same spot kung saan niya ito pinarada noong pinaghintay niya ako ng halos isang oras.

"May ifi-film lang kaming dance cover saglit. Ihahatid sana kita kaso nangungulit na ang mga kasama ko," malamig na sabi niya habang tinatanggal ang kanyang seatbelts.

When dance is life, you can't argue about it. "Ganun ba? Okay lang," sagot ko kahit sa totoo lang, na-spoil niya yung mood ko.

Lumabas siya ng kotse. Nanatili naman akong nakaupo dun sa passenger's seat. Well, I guess I have to wait like what I did the last time I came here. So, nilabas ko nalang ang phone ko para may mapagkaabalahan ako abang naghihintay—

"Ano pang ginagawa mo dyan?"

His irritated voice made me look to him. As usual, nakakunot na naman ang noo niya. Actually, palagi naman siyang ganyan sa tuwing ako ang kaharap niya e. What's new?

"Obviously..." I hesitantly replied. His frown deepened. Ano na naman bang nasabi kong mali? "Sabi mo magfifilm kayo. So, dito lang ako..." I paused for a few seconds and continued, "Right?"

Tinitigan niya lang ako saglit bago umiling sabay sabing, "Sumama ka na sa akin sa loob."

Pagkasabi niya nun ay sinarado niya ang pinto. Natulala nalang ako sa kawalan. Whoa, talagang isasama niya na ako sa loob?

BAM! BAM! Halos mapatalon ako nang marinig kong may humampas sa pinto sa side ko. I saw his impatient impression and even signalled me to step out already. Syempre hindi na ako nag-inarte pa at lumabas na rin agad dala-dala ang bag ko. Nauuna siyang maglakad kaya halos habulin ko na siya.

Nung tuluyan na kaming nakapasok sa building ay mapanuring tingin agad ng receptionist ang sumipat sa akin. Mabuti nalang at mabilis na napansin 'yon ni Zion kaya humakbang siya palapit dun at may kung anong sinabi bago ako nilingon.

"Tara na. Bilis-bilisan mo..."

Ayun, sinundan ko siya hanggang sa lift. Nakakainis nga kasi nung mapansin niyang ang lapit ko sa kanya ay humakbang siya palayo sa akin. Napairap nalang tuloy ako sa hangin. Arte arte! Parang hindi niya ako binuhat kanina ah. Tss.

I consciously fixed my composure when he suddenly turned to face me. The way he looks at me is kinda intimidating. Maybe it was his arrogant demeanor, or the way he took everything about me so serious.

"Behave. H'wag kang malikot dito sa building kundi ako mismo magpapalabas sa'yo."

Napanguso nalang tuloy ako. Grabe siya, o! Ano ako? Bata? Oh, well. Hindi nalang ako nagsalita. Mahirap na, baka may masabi pa akong mali.

Bumukas ang lift. Sinundan ko si Zion sa paglabas. Sa tapat ng isang studio kami huminto. Bigla tuloy ako na-excite nung marinig ko yung tugtog mula sa loob. Half-open kasi yung pinto kaya naririnig ko. Yay! Sa wakas, mapapanuod ko na rin sumayaw ulit si Zion. It's been awhile!

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Where stories live. Discover now