50. Guard

46.4K 2K 1.2K
                                    

Chapter 50

Kasabay ng pagmulat ng mga mata ko ay ang pagkirot ng ulo ko.

Saglit akong nagtaka dahil napagtanto ko na hindi pamilyar ang kwartong kung saan ako naroon. Nang mapansing nakasuot ako ng patient gown at nakahiga sa hospital bed ay dun ko lang nakumpirma kung nasaan ako. Napakagat ako sa ibaba kong labi nang maramdaman ko ang magkasabay na pagkirot ng ulo ko't naka-bendang kaliwang braso ko.

Napasapo ako sa ulo ko't inalala ang huling nangyari. Maliwanag sa isip ko na inatake ni Eunice si Reishel habang inaawat namin sila ni Sab. Habang inaalis ko ang pagkakasabunot ni Eunice kay Reishel ay tinabig niya ako't nahulog sa hagdanan.

The flow of my thoughts suddenly stopped when the door shut open. Zion came in as shock registered his face upon seeing me conscious.

"Thank God. You're awake!" natatarantang sabi niya at mabilis na lumapit sa akin. "Kamusta na ang pakiramdam mo, Misty?"

Hindi ko sinagot ang tanong niya. Other than the injuries I got, I think I am fine. However, hindi ko maiwasang mag-alala kay Reishel. Kamusta na kaya siya? Wala na akong maalala pagkatapos kong mahulog dahil marahil nawalan ako ng malay. I wonder what happened after that?

"Kilala mo ba ako?" Zion questioned with deep concern in his eyes.

Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Ang weird naman kasi niya. Ibubuka ko palang sana ang bibig ko para magsalita pero tumalikod siya't sinapo ang noo niya habang nakatingala. Halatang problemado.

"Oh, damn. Hindi mo na ako naaalala. May amnesia ka na rin yata," natatarantang aniya at nilabas ang phone niya. He looked overdramatic. "I should inform your brother about this."

Nanlaki ang mga mata ko. Parang may kung anong panic button ang nag-enable sa akin nang banggitin niya ang salitang brother.

"Naalala kita. Ano ka ba!" agap ko.

Mabilis naman niya akong nilingon. humarap siya't pinakatitigan ako. "Kung ganun, sino ako?" tanong niya.

I rolled my eyes heavenwards. "Bakit mo tinatanong sa akin yan? Ikaw yata ang may amnesia," sabi ko at saka bumulong sa gilid ko. "Gosh, hindi kilala ang sarili."

"Huwag mo nga akong pilosopohin dyan. I'm obviously testing you. Sino ako?"

"France Zion Madrigal," mabilis kong sagot sa pinakasarkastikong tono. "Formerly known as Paris. As in, Paris, France. The city of fashion where the Eiffel Tower is located."

His eyebrows furrowed at my answer. Parang hindi siya sa satisfied sa sinabi ko. "Oh, tapos?"

"Well, ikaw si Badaf. Ako si Chararat..." I cringed at what I said.

"And?"

Ngumuso ako't napatingala. Nag-iisip ng idadagdag. Pinagti-tripan lang yata ako nito. "Bakla ka noon tapos naging straight ka dahil na-fall ka sa akin," asar ko.

Umiwas siya ng tingin. He was obviously suppressing his smile. "Yung nakaraan lang yata ang naaalala mo."

"Hindi, ah!"

"Then what am I to you?"

"Uhm. Suitor?" I said hesitantly and I noticed how his forehead creased at my answer so I panicked a little. "I mean, you're someone who is very special to me. Hindi ba magiging boyfriend na kita soon?"

Then Zion finally smiled. Kinilig yata ang badaf. I couldn't help but roll my eyes and then smiled after. Nakita niya iyon kaya humagalpak siya ng tawa.

"Harot mo, Zion!" Bumangon ako at naupo. Ibabato ko sa kanya ang unan ko pero naramdaman ko ang kirot sa braso ko. "Aray!" daing ko.

"Yan kasi. Careless e," saway niya sa akin at inalalayan yung kamay ko sa mas kumportableng posisyon. "Seryoso. Kinabahan ako. Tumakbo ako agad dito nung tumawag sa akin si Reishel na sinugod ka nila dito sa ospital."

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Where stories live. Discover now