32. Disaster

123K 5.3K 2.7K
                                    


Chapter 32

Papunta palang kami sa bahay nina Sab ay nasira na ang mood ko. Paano ba naman kasi, naging topic na nina Sab at Eunice sa buong byahe ang tungkol sa kung sino mang Melody na 'yon. Lahat na yata ng positive adjectives ay nabanggit na nila patungkol sa kanya. Sino ba namang hindi maiinis dun?

"Marami ka yatang bisita, Sab. Nakakahiya naman," sabi ni Eunice pagkababa na pagkababa namin ng Uber.

Nasa tapat na kami ng bahay nina Sab. Townhouse type ito at iisa lang ang gate para sa limang units. Ika-limang unit yung kina Sab. In fairness, ang lively ng aura ng bahay nila at halatang may okasyon. Malakas kasi ang tugtog ng videoke sa loob.

"Pasok kayo, mga tsong," yaya ni Sab sa amin. Sumunod lang kami sa kanya hanggang sa makapasok kami at bumungad agad sa amin ang marahil ay Mama niya na nagluluto sa may kusina.

"Ma! Nandito na po kami ng kaibigan ko."

"Nandyan na pala kayo," nakangiting sabi niya at sinalubong si Sab.

"Hello, tita!" bati ni Eunice at kumaway pa.

Nagmano si Sab at ganun din si Eunice kaya ayun, nakigaya na rin ako.

Nakuha ko yata ang atensyon niya kaya pinakatitigan niya ako. "May bago ka palang kaibigan, Sab?"

"Siya po si Misty, Ma. Kaibigan ko dati pa."

Ngumiti lang ako sa sinabi ni Sab. "Uhm, magkaibigan na po kami ni Sab nung first year palang pero lumipat po kasi ako pansamantala sa States kaya ngayon nalang din po kami nagkasama," sagot ko. "Nice to meet you po, tita."

"Nice to meet you, too. Ang ganda mong bata." Nag-init ang mukha ko nang tinapik niya ang pisngi ko at saka bumalik na sa pag-aasikaso ng mga handa sa lamesa. "Bakit kayo lang? Hindi ka ba nag-imbita, Sabrina?" tanong niya pa.

"Susunod po yung iba, Ma—"

And as if on cue, may kumatok sa aluminum screen door nila. Sabay-sabay tuloy kaming napalingon du'n bago ito bumukas at pumasok sina Reishel at Tyrone.

"Speaking of, nandyan na nga po sila," ani Sab at sinalubong ang dalawa. "Tamang-tama. Magkakasunuran lang tayo."

"Belated happy birthday, Sab," nakangiting bati ni Tyrone at pati na rin ni Reishel. "Hi, tita..."

"Akala ko hindi kayo darating, e!"

Habang nagmamano sina Reishel at Tyrone sa Mama ni Sab ay hindi ko maiwasang mapansin yung kakaibang titig ni Eunice sa dalawa. Kung hindi pa siguro kami niyaya ni Sab na maupo na sa sofa ay baka hindi na naputol yung titig niya sa dalawa. Ako tuloy yung nakaramdam ng discomfort sa kanilang tatlo. Err...

"Kararating niyo lang din?"

"Oo," sagot ko kay Reishel na tumabi sa akin sa sofa. "Dapat nagsabay sabay nalang pala tayo na pumunta rito."

"Kaya nga, e. 'Di ko rin naman alam."

"Guys, kuha na kayo ng food..." yaya ni Sab na kasalukuyang tinutulungan ang Mama niya sa paghahain sa lamesa. "Huwag kayong mahihiya."

Nagsitayuan na sina Reishel, TJ at Eunice kaya nakitayo na rin ako pero dahil first time ko lang sa bahay na ito ay pinauna ko na sila. Nakakahiya kasi, e. Parang mas kumportable na sila dito sa bahay dahil kilala na sila ng Mama ni Sab. Siguro lagi na sila noon dito noong wala pa ako.

"Misty, huwag kang mahihiya. Kain ka lang," sabi sa akin ni Sab at inabutan ako ng plate. Kanya-kanyang kuha na sila ng pagkain samantalang ako ay nakatingin pa rin sa lamesa. Hindi ko kasi alam kung anong una kong kukunin. May Spaghetti, Pancit Palabok, Litsong Manok, Lumpiang Shanghai, meron ding kanin at dalawang pork dishes. Nakakatakam din ang dalawang klaseng cake na nakahain.

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Where stories live. Discover now