19. Nude

153K 6.2K 1.8K
                                    


Chapter 19

Magdadalawang oras na rin simula nung bumyahe kami galing Maynila papunta sa kung saan man ako dadalhin ni Zion, at masasabi kong naging productive naman kaming dalawa. Habang nagda-drive kasi siya ay abala naman ako sa pagle-lecture sa kanya nung report namin. Sitting pretty ako sa passenger's seat habang binabasa ang libro enough for him to hear me. Ibinahagi ko sa kanya yung mga ideas na alam ko at ganun din siya sa akin. Though usually, panay lang naman ang pagtango siya sa bawat paliwanag ko. Medyo nagda-doubt tuloy ako kung may naiintindihan ba siya.

"Zion!"

"What?"

Sinimangutan ko siya sa rear view mirror nung sinulyapan niya ako du'n. "Naiintindihan mo ba yung mga pinagsasasabi ko?" tanong ko at tumango naman siya sa akin ng marahan. "Sige nga. What if someone from the class asks you what merger is?"

"Merger?" he asked na para bang sinisigurado ba kung tama ang narinig niya sa akin kaya naman tumango ako nang nakataas ang isang kilay. "Well, merger is a legal transaction in which two or more organizations combine operations," he answered confidently, grinning sheepishly.

Tinapunan ko siya ng mapanghamong tingin. Aba, nakakasagot naman pala. "Eh how does it form?"

Naputol agad ang sana'y sasabihin ko nang sumingit siya. "It is formed through an exchange of stock, but only one organization entity will actually remain."

"Ayos ah." Napangisi nalang tuloy ako nung humalakhak siya.

"Told you nakikinig ako sa'yo."

"Yabang naman!" Umirap ako sa confidence niya. Para bang ayokong magpatalo sa kanya. For sure nakatyamba lang siya. "Another question!"

He chuckled boyishly. "Shoot."

"Magbigay ka ng example ng possible corporate strategic direction—"

"Increasing the level of the organization's operations." Humalakhak siya ng malakas nang makita niya yung paglukot ng mukha ko sa rear view mirror. "Ako naman ang magtatanong," aniya.

Binaba ko ang libro sa lap ko at eager na hinarap siya kahit na naka-focus pa rin siya sa kalsada. "Go lang..."

"Hmm..." Sumulyap siya sa akin at saka ngumisi— isang mapanghamong ngisi na nakakainis. "What is a diversification strategy?"

Umiwas ako ng tingin at napakagat sa ibabang labi. Diversification... Nabasa ko yan kanina e. Tungkol nga ba saan 'yon?

"...3."

Napatingin ako kay Zion nung bigla siyang nagsimulang magbilang. "Hala, madaya! Walang timer—"

"...2."

Nag-panic tuloy ako bigla. "Diversification! Uh... From the word itself diverse. Ano—"

"...1. Uh uh." He stopped the car and then faced me, while he's shaking his head no. "Paano kapag may nagtanong sa'yo sa klase kung ano ang diversification strategy, ganyan mo rin siya sasagutin? Literal?"

Napalabi nalang tuloy ako. Sheesh. May point si Zion. Nakakahiya. Sa nakalimutan ko e!

"Ikaw ba? Alam mo?"

Ngumiti lang siya ng nakakaloko sa itinanong ko at pagkatapos ay kinuha niya yung cap niya mula sa dashboard. He removed his seatbelts and put on his cap. Tumingin ako sa windshield at nang makita kong nasa parking lot kami ng isang hotel ay dun ko lang na-realize na nandito na kami sa Tagaytay.

"Tara na," yaya ni Zion.

"Hindi mo rin pala alam kung ano ang diversification e. Ibig sabihin nyan, kailangan pa nating aralin ng mabuti ang report natin. Let's go..." I removed my seatbelt too. Kinuha ko na rin ang jacket ko mula sa backseat at lalabas na rin sana ng kotse nang magsalita si Zion.

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora