13. Change is Coming

186K 7.6K 2.1K
                                    

Yhel's Note: Thank you sa mga sumali sa voting sa previous Wattys 2016. WBPF is one of the winners for the People's Choice award. Much love! ☺

Next update will be on weekend. 

Chapter 13

Word of the day: YOU.

Isang salita lang iyon pero ang lakas na ng naging impact sa akin. Katunayan, hanggang ngayon ay tuliro pa rin ako sa text sa akin ni Zion. Hindi ko ma-gets e! Wait, hindi. Hindi naman sa hindi ko gets. If I would just dig deeper of its possible meaning, my mind would just go crazy dahil as much as possible ayoko nang mag-assume. Oo, wala naman kasing mapapala kung mag-assume ako. Sa ganitong sitwasyon ba naman namin ni Zion? So heto't mas pinili ko nalang na huwag nang intindihin 'yon.

Pero. . . AAAAAHH! Sino nga bang niloko ko? Kahit anong pilit kong balewalain ang text niyang iyon ay hindi ko magawa. Actually, the more na ipinagsasawalang bahala ko iyon ay the more na sumisiksik pa sa utak ko. Ako raw yung valid reason niya kung bakit dapat kong layuan si Tyrone. As in, ako yung YOU na tinutukoy niya sa reply niyang iyon. Alangan namang si Buter Homer diba? E ako lang naman yung katext niya. Ako talaga yun. Akong ako talaga! AAAHH! Ano ba kasing ibig sabihin ni Zion sa YOU na 'yon?!? Wala man lang kasing follow up na reason para i-justify yung sagot niyang 'You'. Malay ko ba kung anong ibig sabihin niya dun? Ang cliffhanger tuloy!

Hingang malalim. . . Muli kong kinuha ang phone ko para tignan ang message thread namin ni Zion. Pinakatitigan ko iyon at mayamaya'y napailing nalang ako ng ulo. Okay, I have to refresh my mind. Hindi ko na dapat ginagawang big deal ang text na ito dahil for sure, wala namang espesyal na ibig sabihin ito para kay Zion. Don't overthink, Misty. Wala lang iyon. Enough na. Tama na. Tama na. Tama na

"Argh! Tama na! Okay?" I yelled out of the blue, releasing my frustration.

Saglit na katahimikan ang bumalot sa paligid nang biglang may narinig akong boses sa harapan ko.

"Ma'am, ano tama na?"

Natigilan tuloy ako't parang nabuhusan nang malamig na tubig dahil sa kahihiyan. Nasa harapan ko pala si Ate Luding at nagsasalin ng juice sa baso ko.

"Ah, wala po. Hehe," sagot ko at pakunwa'y sumubo sa kinakain kong. . . ano nga ba ang dinner ko? Ah, rice at Chopsuey. Hala, why so lutang, Misty? "Kanina pa po ba kayo dyan, Ate?"

"Hindi naman. Sinalinan lang kita ng inumin."

Hindi na ako nagsalita't ngumiti nalang. Nakakahiya! Ang weird ng tingin ni Ate Luding sa akin nang pabalik siya sa kitchen. Siguro akala niya nababaliw na ako? Mas okay na 'to kaysa si Kuya Kurt yung nakakita sa akin na ganito. Zion kasi e. Why is he doing this to me?! Huhu.

Sumubo ulit ako ng pagkain at pilit na kumain nang matiwasay. . . pero sa pangatlong subo ay ibinaba ko na ang spoon at fork ko. Parang nawalan ako ng gana bigla.

Patayo na ako nun nang nagsalita si Ate Luding. Nandun pa pala siya sa may pinto ng kitchen. "Ma'am, ayaw mo na? Ayaw mo ng ulam?"

"Ay, hindi po." Umiling ako. "Wala lang po akong gana kumain," sabay nguso ko. Baka isipin niya hindi ako nasarapan sa luto niya. Ayokong maka-offend.

"Ipagluluto nalang kita ng iba. Ano bang gusto mo?"

"Hindi na po. Mag-i-snack nalang po ako siguro mamaya bago matulog," sagot ko habang humahakbang na palabas ng dining room. "Sige, Ate Luding. Aakyat na po ako. Kumain na po kayo." Yun ang huli kong sinabi bago ako dumiretso sa kwarto ko.

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Where stories live. Discover now