30. He Meant It

156K 4.8K 3.9K
                                    

Yhel's Note:

1. Happy birthday, France Zion Madrigal! (June 11)

2. Happy 1st anniversary, WBPF! (June 12)

3. Happy Independence Day, Philippines! (June 12, 1898 lol)

4. Shoutout to team QMC! Thank you po sa lahat ng nagpunta sa meet up ko last June 3, 2017 sa Quezon Memorial Circle. Sobrang enjoy. Sana sa susunod, ma-meet din kita. Yes, ikaw na nagbabasa nito! :)

 Yes, ikaw na nagbabasa nito! :)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

5. Ipapalabas po soon ang story ng kuya ni Misty na si Tristan Kurt Lee sa 'Wattpad Presents: Accidentally in Love with a Gangster' this June sa TV5. To be announced ang exact date of airing. Sana suportahan niyo pa. Much love. :D


Chapter 30

"Take some meds, Misty."

Sobrang sakit ng puson ko. Huhu. Ni hindi na nga ako halos makagalaw sa sobrang sakit nito. Kung minsan talaga kapag may period ako, normal lang. Hindi naman gaanong masakit pero iba ngayon kasi super sakit talaga. Hindi ko na alam ang gagawin ko pero sa kabilang banda ay wala rin naman akong balak gumawa ng kung ano dahil ayokong kumilos. I just wanna lay on my bed all day!

"Ayoko nga po, Dad. Sabi nila, bawal uminom ng gamot kapag meron."

Kausap ko si Dad ngayon via Skype. Actually, may klase ako ngayon pero dahil namimilipit ako sa sakit ng puson ay napagdesisyonan kong huwag na munang pumasok. Buti nalang ay isa lang naman ang subject namin ngayon at wala namang quiz unless magpa-surprise quiz ang professor- na sana ay huwag naman mangyari.

"Sinong nagsabi?" kunot noong niyang tanong, medyo nahihirapan pa ring magsalita dahil hindi pa siya fully recovered sa pagka-stroke.

"Basta po bawal! Baka raw tumigil yung dugo."

"Is that so? Aba, e, namimilipit ka na sa sakit dyan e," he said, the worry lines on his forehead deepening. "Wala ka bang kasama dyan, anak?"

"Wala po."

Nakatitig lang siya sa akin sa screen habang ako naman ay nakaupo at nakayakap lang sa malaking Panda stuffed toy sa kama. I realize it was a bad idea to tell him that I'm not feeling okay right now. Mukhang ini-stress ko pa si Dad.

"- But don't worry, mawawala rin naman po itong sakit, Dad. Normal lang naman ito sa babae."

"Bakit ba kasi gusto mong dyan mag-stay sa condo ng kuya mo? Mas okay na nasa bahay ka. At least dun may makakasama ka," tuloy tuloy na sermon ni Dad habang ako ay nagkandangiwi-ngiwi pa rin sa sakit. "Kaya ka nga namin pinabalik dyan sa Pilipinas ng mommy mo para may mag-asikaso na sa'yo."

"Dad, it's my choice. Nakakalungkot sa bahay. Ang laki-laki pero iilan lang kaming nakatira."

"Pero dyan sa condo hindi ka malungkot kahit nag-iisa ka? Really, Misty?"

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Where stories live. Discover now