6. Sakay Na

218K 7.8K 2.7K
                                    

6. Sakay Na

"Sakay na sabi e."

Geez.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko. I mean, paano kung sumakay nga ako sa likod niya tapos babawiin niya pala sabay sabing; 'Joke. Asa!'. Huhu. This is so embarrassing. Hindi ko na kakayanin. Ang epic naman kasi nitong walk out scene ko. Hindi ba pwedeng mag-walk out nalang ako ng matiwasay? Ugh. Kasalanan ng sapatos na 'to! Pahamak!

"Ano? Sasakay ka ba o hindi?"

Imbes na sumagot ay ngumuso lang ako. Halos ma-out of balance pa ako sa pwesto kong nakatingkayad ang isang paa sa sahig. Wala na kasi iyong suot na sapatos dahil tinanggal ni Zion.

"N-Nakakahiya," I replied shyly. His frown deepened. Naalarma tuloy ako. "Nakakahiya nga, Zion. Okay lang ako. Kaya ko pa namang maglakad. Parang paltos lang e," sabi ko at sinubukang kunin mula sa kamay niya ang sapatos ko pero iniwas niya iyon. "Zion! Akin na... nga... kasi—"

Unti-unting humina't bumagal ang pagsasalita ko nang tinignan niya ako ng masama. Grabe naman 'tong si Zion! Lakas makasindak. Ako naman itong tumitiklop agad. Ugh, this is so not him. Parang dati, ako ang naninindak sa kanya ah! Anyare na ngayon? Bakit nagkabaligtad na ang sitwasyon?

"Tss. Ano na?" he impatiently asked. Hindi pa rin ako kumilos at nanatiling nakatitig lang sa kanya. "Tsk! Bahala ka nga dyan—"

"Oh, ito na. Sasakay na!" Natataranta akong sumakay na sa likod niya bago pa siya tuluyang makatayo which is not actually a good idea dahil naka-skirt nga pala ako. At sa pagkabigla ay halos masubsob pa si Zion sa sahig.

"Sh1t," he spat out so I quickly moved away from him. Tumayo siya habang nagpapagpag ng sariling uniform. "Ba't ka kasi nangbibigla?!" aniya't sinamaan ako ng tingin.

Hindi nalang ako kumibo. Tignan mo 'tong taong 'to. Kanina, atat akong isakay sa likod niya tapos ngayong sumakay ako, nagagalit-galit sa akin. Ano nalang ba ang gagawin ko?

"Akin na yung isa mong sapatos." Tinuro niya ang isa ko pang natitirang suot na sapatos kaya tinanggal ko iyon at binigay sa kanya. Parang ewan nga kasi, hindi niya naman kinuha at tinignan lang ang uniform ko. "'Wag na pala. Ikaw nalang ang magdala ng sapatos mo. O!" At inabot pa sa akin ang isang pares.

I just looked at him ridiculously. Tignan mo 'to. Ang bilis magbago ng isip. Sana kasing bilis lang din yan ng pagpapatawad niya sa akin at nang magkabati na kami. Wait, as if ganun nga kadali iyon. Ang tigas kaya ng puso niya, kasing tigas ng ulo niya. Hayy...

Nagtaka ako nang hubarin niya ang kanyang coat at nabigla pa ako dahil ibinato niya iyon sa akin. "Aray naman!" Sapul pa sa mukha ko.

"Itali mo sa bewang mo. Bilis," utos niya.

I did what I was told. Okay na rin ito para hindi ako masilipan. Geez, mahabang lakarin pa naman mula dito hanggang sa... wait, saan nga ba kami pupunta?

"Zion, saan tayo pupun—"

Naputol ang sasabihin ko dahil mabilis niya akong tinalikuran. Bumalik na naman siya sa pag-isquat sa harapan ko at iyon na marahil iyong hudyat niya para muli akong pasakayin.

"Sakay."

Huminga muna ako ng malalim bago sumakay sa likod niya. Napa-"AH!" pa nga ako dahil feeling ko ay mahuhulog ako. Jusme, hindi kaya kaya siya nag-offer ng piggy back ride sa akin for him to find it easier na ihagis ako out of this building? Hala, nasa fourth floor pa naman kami.

Teka. Kung ano-ano na namang iniisip ko. Hindi naman siguro yun magagawa ni Zion dahil lang sa may sama siya ng loob sa akin dahil una, pinapansin niya ako. Ibig sabihin lang nun ay may paki pa rin siya existence ko kahit papaano. Pangalawa, concern siya sa paltos sa paa ko. Pangatlo, he still cares for me. As in, the whole of me at hindi lang sa paltos ko. At dagdagan na rin ng pang-apat na kahit na ang sungit niya sa akin ay pinapakitaan niya pa rin ako ng gentleman side niya. Hello! Obvious naman, e. Paltos lang ang nasa paa ko pero may buhat buhat effect pa siyang nalalaman. Kagaya nalang din ngayon, dahan-dahan siyang naglalakad. Buong ingat at alalay pa ang pagbuhat niya sa akin. Tapos ang bango-bango pa niya. Hmm... Ang puti pa ng batok niya plus feeling ko, ang tigas ng muscles niya sa likod. How would I know? Ramdam ko kaya against my body.

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon