25. S.O.

133K 5.6K 3.5K
                                    

Chapter 25

Nagbitaw ng kamay sina Reishel at Tyrone nang magtama ang mga mata namin. Too late because I already saw it...

"Reishel? Tyrone?" Nagpalipat lipat ako ng tingin sa kanila habang naglalakad palapit. Panic bubbled obviously within Reishel while Tyrone seemed tough, he didn't even break his gaze from me. "Anong ginagawa niyo dito? At... uhm..."

Siguro naman alam na nila kung anong tinutukoy ko lalo na nang bumaba ang tingin ko sa kanina'y magkahawak nilang kamay.

"Care to explain?" sabi ko nang mapansin na parang wala yatang balak magsalita ang dalawa at nagkatinginan lang sa isa't-isa.

I don't get these two. Ayoko lang mag-conclude na secret on sila dahil lang sa nakita kong magka-holding hands sila. Like hello! Friends also do holding hands while walking right? Uh... Like me and Zion, I guess? Sa Recto?

Wait. Speaking of Recto... OMG.

"So, ikaw 'yong kasama ni Tyrone sa Recto, Reishel?" Napaawang nalang ang bibig ko nang makitang napakagat nalang siya sa labi sabay tingin na naman kay Tyrone. "Hello? May kausap ba ako?"

"Misty," biglang sumulpot si Zion sa likod at saka ako hinila ng very slight. I don't know how he managed it despite sa dami ng bitbit niya. "You're being tactless. Stop bothering them. Let's just go," he hissed me.

Binalingan ko si Zion at binulungan. "Hindi ko naman sila bina-bother. Nacu-curious lang ako—"

"You're interrupting their date."

"I don't think they're dating. They're just friends—"

"Kami na."

"See? Sila na—" I stopped at my words, realizing what Tyrone blurted out all of a sudden. "Wait— what?? Kayo na?"

Napakamot lang sa sentido si Reishel habang si Tyrone naman ay tumango lang sa akin. I can't believe this! I just can't! Parang nung isang araw lang, isang mystery pa 'yong nakita naming kasama ni Tyrone sa Recto tapos malalaman kong sila na ni Reishel? Whoa. Parang Showbiz Scoop ito. What a revelation!

"How come you didn't tell us— sa amin nina Sab at Eunice o baka naman ako lang ang hindi nakakaalam? Bakit? Ano bang nangyayari? Teka. Naguguluhan ako—"

"Kalma lang, Misty. Excuse lang. Tara muna," sabi ni Tyrone habang bahagya akong hinihila palayo kina Reishel at Tyrone. "Ipapaliwanag ko sa'yo basta makinig ka lang muna sa akin."

We stopped near the garden fence while Reishel was left with Zion a few meters away from us. Tyrone's eyes and voice were very serious at kahit na maingay dito sa labas ng mall ay rinig ko pa rin siya.

"Ano bang nangyayari, Tyrone? Tama ba yung narinig kong kayo na ni Reishel?" I am sure I looked so confused and uneasy at the moment.

"Okay. Makinig ka, Misty. Kami na ni Reishel. I'm sorry kung hindi namin nasabi."

"Kailan pa?"

"Six... Hindi. Seven months na rin."

Halos magsalubong ang dalawa kong kilay sa sinabi niya. So, ibig sabihin sila na even before I came back?

"Hala, akala ko ba wala kang girlfriend at walang kang time na makipag-date? Bakit ka nagsinungaling?"

He sighed. "Kailangan naming itago na kami na ulit ni Reishel. Hindi lang naman ikaw yung walang alam tungkol sa amin, Misty, kundi pati sina Sab at Eunice. Hmm, sabihin na nating SO kami."

"SO?"

"Secret on."

"Wait, wait." Tinaas ko ang kamay ko sa harap niya para patigilin siya. I couldn't digest the words coming out from his mouth. "Hindi rin alam nina Sab at Eunice?"

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Where stories live. Discover now