28. Sino?

153K 5.1K 4.3K
                                    

Chapter 28

"Tama na nga yan, Misty," sambit ni Zion kaya binaba ko ang hawak kong cellphone at sinimangutan siya. "O, anong sinisimangot-simangot mo dyan? Let's get back on what we are supposed to be doing."

"Hindi ba pwedeng mag-break lang kahit saglit? Nabablangko na ang utak ko, Badaf."

"Wag ka ngang maingay. May makarinig sa'yo dyan."

"Mahina lang e. Sungit."

Napa-tss lang siya sa sinabi ko at ibinalik ang atensyon sa kanyang laptop. Ilang linggo ko na rin siyang tinatawag na 'Badaf'. Just like the old times, nang-aasar lang. Hindi naman siya nagagalit at sa katunayan, sinasagot pa niya ako just so by means of calling me 'Chararat' kaya go lang ako. At saka sinasakyan niya naman ako, e, which is insane kasi tuwang-tuwa ako. I might seem crazy but I find – what we have now– really cute.

Pinakatitigan ko lang ang pagsimangot niya. Sobrang seryoso ang mukha niya habang naka-focus sa ginagawa niya. "Para namang 'di sila aware na badaf ka noon," sabi ko kung kaya't bumaling siya sa akin. Ngumiti ako. "If fans mo talaga sila, they will accept no matter what you are."

"Wala namang kaso sa akin na tawagin mo akong Badaf, Chararat." Binigyan pa talaga ng emphasis yung huling salitang sinabi niya. Nangingiti tuloy ako. "Ang akin lang, baka may mag-isip na nagbalik lambot na naman ako. Matatalas pa naman ang mga tenga ng haters," medyo mahinang sabi niya.

Whoa. Define hater. Popular nga pala ang bestfriend ko!

"Tama na nga yan. Walang magbe-break. Ipagpatuloy na natin ito."

Oopps... Napanguso ako sa sinabi niya. Buti nalang hindi gaanong kalakasan ang boses niya kundi mami-misinterpret iyon ng kung sinumang makakarinig. Parang relationship lang ang tinutukoy niya pero ang totoo ay yung feasibility study lang talaga namin. Ilang linggo na rin namin itong pinagkakaabalahan. Actually, right after ng prelim ay dito na kami naka-focus. Chapter 3 (Business Viability) and 4 (Gantt Chart) ang na-assign sa aming dalawa ni Zion. Chapter 1 (Business Concept) and 2 (Situation Analysis) naman kina Sab and Eunice. Pag natapos na ang lahat ay magtutulong na kaming apat sa Chapter 5.

Luckily, tapos na namin ni Zion ang chapter 3. At ngayon ay inaayos na namin ang chapter 4.

Bago ako bumalik sa ginagawa ko ay itinapat ko muna ang camera ng phone ko sa laptop ko at kinuhan iyon ng litrato. "Wait lang. Ia-upload ko lang ito sa IG story ko," sabay tipa ng caption.

"Kinain ka na rin ng sistema ng Instagram ah."

Bahagyang natawa lang ako sa sinabi ni Zion. Medyo totoo kasi. Aminado akong simula nang magka-IG ako ay lagi na akong nag-uupload ng picture sa account ko. Now I know why Sab and Eunice are fascinated by IG. Nakaka-eenjoy naman pala kasi. Speaking of IG, hindi pa rin in-aaccept ni Zion ang follow request ko kaya halos araw-araw ko siyang kinukulit tungkol du'n.

"Badaf..."

Tinignan niya lang ako saglit tapos binalik na ulit ang atensyon sa ginagawa niyang chart. "Oh, bakit?"

"Kailan mo ako i-aaccept sa IG?"

"Wala namang kwenta pinagpopost ko dun."

Siniko ko siya sa braso. Lagi na lang kasi siya gumagawa ng iba't-ibang excuses para hindi ako i-accept. "Kahit na. Naka-follow ka sa akin pero ako, 'di mo ina-accept?"

Sinadya ko talagang may bahid ng pagtatampo ang boses ko. Ang daya naman kasi niya, e!

"Aish, oo na. Gagawa nalang ako ng bagong account. Para pang personal at private na rin," aniya at inilabas ang kanyang phone. "Handler ko kasi ang madalas na nagpopost sa IG ko kaya mas mabuting gumawa nalang ng bago."

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Where stories live. Discover now