41. Defense

87.9K 2.9K 1.7K
                                    

Chapter 41

"Zion? Misty?"

Sa gulat sa narinig na boses ay naitulak ko si Zion para makawala sa pagkakayakap. For some reason, nabalutan ng tensyon ang sistema ko. Sino ba namang hindi kakabahan e may tumawag sa pangalan namin kasunod ng pagbukas ng elevator? Hindi pa man ako nakakalingon ay narinig ko na si Zion na may sinambit na kung ano.

"D-Dad?" He stammered frantically.

What?! It was as if I was stoned to my feet. My eyes rounded in shock. Daddy ni Zion? Tito Anton? Hindi ko magawang lumingon dahil tila dumaloy lahat ng dugo ko sa katawan pataas sa mukha ko and I bet my face is all red.

"Zion," ulit ni Tito Anton. This time, his voice sounded not surprise but rather full of enthusiasm. "Misty..."

Napalunok muna ako bago lumingon nang nakangiti kahit medyo awkward kasi napipilitan lang. "H-Hello, Tito Anton. Kamusta po?"

He leaned on me for a cheek to cheek greeting then smiled meaningfully to me. "I'm good. Thank you," he answered and shifted his look to Zion who is now in shock still. "Kayo na bang dalawa?"

Nagkatinginan kami ni Zion na parehas nakataas ang kilay dahil sa tanong ng Daddy niya.

"Hin--"

"I am so happy!" he cut me off as he stood in between us and then placed his right arm on Zion's shoulders and the left arm on mine. "Ito ang kauna-unahang beses na nagka-girlfriend si Zion."

"Dad!"

Napangiwi nalang ako nang tumawa nang malakas si Tito. I could not blame him. Nahuli niya ba naman kaming magkayakap ni Zion sa hallway and I am not sure kung narinig din ba niya yung exchange of 'I love you's' namin. I hope not kundi lagot na. Mas awkward!

"Dad, stop it. Nahihiya na si Misty," iritableng saway sa kanya ni Zion.

I smiled awkwardly to tito. "Tito, hindi pa po kami..."

Natahimik lang si Tito nang nakangiti pa rin tapos huminga nang malalim. "Well, if you say so. Dyan din naman ang punta niyo. Magiging kayo rin," sabi niya habang iniiling iling ang ulo.

At ang lokong si Zion, natawa rin. Sinamaan ko nga ng tingin. Tumigil din naman at bahagyang tumikhim at nagseryoso.

"Dad, bakit ka po ba nandito? Sabi ko naman po na uuwi ako bukas sa bahay diba?"

"I decided to stop by dahil along the way lang naman 'yong pupuntahan ko. At saka we need to talk, anak."

"May mga bisita ako, Dad. Nandito yung mga kagrupo ko sa feasibility study," Zion answered.

"Oh, really? Then introduce me to your groupmates. Gusto ko sila makilala."

Wala ng nagawa si Zion kundi papasukin ang Dad niya sa unit kahit nasa loob sina Sab, Eunice at Geoff. As if naman may choice siya. Daddy niya yan e. Pagbukas na pagbukas ni Zion ng pinto, nauna pang pumasok si Tito ng unit. Kaya hindi na ako nabigla nang biglang naging behave ang barkada.

"Guys, Daddy ko nga pala..."

Sabay-sabay namang bumati ang lahat na halatang nahihiya habang sinuklian lang sila ng ngiti ni tita. Nagpipigil naman ako ng tawa kasi sobrang bait nila sa harap ni Tito Anton. Para kanina lang kasi ay nag-aasaran at naghaharutan sila. Siguro kasi na-intimidate sila sa Daddy ni Zion. Elegante kasi ang aura niya ngayon pero ganun pa man, I know very well that he is very nice.

Tito turned to face Zion as if giving him the look that he wants him to introduce his friends one by one na nakuha naman agad ni Zion at napakamot nalang sa ulo.

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora