2. Hello

241K 8.6K 3.5K
                                    

2. Hello

Kung ang pag-uusapan lang naman ay tungkol sa 'changes', masasabi kong wala namang 'changes' na naganap kay Eunice. In fact, kung gaano siya ka-hyper at kabaliw noon ay ganoon pa rin siya hanggang ngayon.

"Anong nangyari sa'yo? Make kwento naman!"

Dinala niya ako sa isang burger shop na malapit lang sa E.H.U pagkatapos niya akong hilain paalis dun sa campus. Grabe nga siya e. Ramdam na ramdam ko yung eagerness niya sa pagkwento ko. Pagkaupo na pagkaupo ba naman namin sa pwesto sa loob ng shop ay iyon agad ang tinanong niya sa akin.

"Uh, wala naman. I learned to live independently during my stay in the States."

Yun nalang siguro ang sasabihin ko sa kanila dahil alam naman nila yung dahilan kung ba't ako biglang umalis pa-America. Napag usapan na kasi namin yun nina Eunice, Sab at pati na rin ni Tyrone over Skype noon. Syempre, nadismaya sila sa biglaang pag alis ko noon pero naintindihan naman nila dahil sa kundisyon ni Dad.

Something's been bugging my mind though. Nakarating kaya iyon kay Zion?

"Halata nga. Ang mature mo na magsalita e." She pouted her lips and studied my look. Naconscious tuloy ako bigla. "At gumanda ka lalo, ha! Hindi ko ma-explain, basta para kang nene na naging lady na! Gets mo ba?"

Napayakap nalang ako sa katawan ko at saka tinawanan siya. Baliw talaga! Simpleng dress lang naman ang suot ko pero parang big deal na sa kanya. As if namang hindi ako nagsusuot ng ganito noon. May nagbago ba talaga sa akin? I don't think so. "'Wag ka nga, Eunice!"

"Seryoso, mas lalo kang gumanda. Nakikinita kinita ko na ang mga future happenings ngayong bumalik—"

Naputol yung sinasabi niya dahil biglang nagring ang phone niya. Dismayado niya yung sinagot at binulungan ako na si Sab daw 'yon.

"Hello... Oo nga, kasama ko— Edi 'wag ka maniwala," iritadong sabi niya sa kausap tapos sumimangot sa akin. "Misty, oh. Ayaw maniwalang nandito ka— Aish, magsalita ka nga, Misty," sabi ni Eunice sabay tapat sa akin ng phone.

"Uh... Hi, Sab—"

We both turned to face the entrance as the wind chimed above the door tinkled and from there, Sab appeared when it burst out open.

"MISTY KIRSTEN LEE!"

Nagtinginan tuloy yung ibang customers dahil ang iingay namin. Agaw atensyon tuloy. Nakakaloka.

"Oh, geez! You're really back! Kamusta?"

May yakapan portion pa nung tumakbo palapit sa akin si Sab. Aww, na-touch tuloy ako. I really felt that they truly missed me.

"Akala ko, nagloloko lang 'to si Eunice!" Naupo siya sa tabi ko sa kaliwa at hinampas si Eunice sa braso.

"Ouch naman, Sab!"

Pabirong inirapan naman ni Sab ang pagdaing ni Eunice saka niya naman ako hinampas sa braso. Hala, nagbalik na talaga ako. May nanghahampas na ulit sa akin e. In fairness, namiss ko 'to. Walang nanghahampas sa aking kaibigan nung nasa States ako e. "Nung wala ka kasi, lagi laging nagloloko si Eunice na bumalik ka na raw. Yun pala, hindi pa."

"Sus! Nandyan ka na pala. May patawag tawag ka pang ganap," hirit ni Eunice at pabirong nag-make face ito. Speechless tuloy ako. Ang saya-saya dahil halos kumpleto na kami.

Nagkamustahan kami habang hindi pa dumadating yung order namin. Nalaman kong SC President na pala itong si Eunice at si Sab naman ay VP for external na ng Business Administration Society. Simula nga rin daw nang umalis ako noong second semester sa first year ay nagsimula na rin daw silang maging busy. Halata ngang stressed ang dalawa base sa dark circles sa paligid ng mga mata nila knowing na sem break pa naman.

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Where stories live. Discover now