23. Valentine's Day

161K 6.2K 3.6K
                                    

  Yhel's Note: Hello, guys! I'm back. Pasensya na. Naging hiatus dahil maraming ganap sa college life. Actually, hindi pa namin bakasyon pero medyo maluwag naman na ang sched ko. So, ayun. Thank you to those who stayed. Dedicated ito sa lahat ng mga patient readers. This is a long but bitin na update. Pambawi lang.

Nga pala, I know this is too late pero gusto ko lang magpasalamat sa mga nagpunta sa meet-up ko last February 25 2017 sa RAVE Resort.  Sa uulitin. Next meet-up? Sa Cavite naman. :)

 :)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PS: Today's my 5th year of being a Wattpad author

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PS: Today's my 5th year of being a Wattpad author. So, happy 5th anniversary to me, I guess? :)

Chapter 23

Saturday came. So, it means today is Valentine's day. Nagkalat tuloy ang ilang kulay pula na bagay sa paligid; red roses, red heart stuffs, red balloons, red couple shirts at kung ano-ano pang nakakasilaw na pula.

"Red day ba ngayon?" komento ni Sab nang may dumaang couple na nakapulang shirts sa harap namin.

"Baka birthday nilang dalawa?" natatawang sagot naman ni Reishel.

Hindi rin naman nagpahuli ng sarcastic comment si Eunice na nakaupo sa kaliwa ko. "Hindi na ako magtataka kung may humabol sa kanilang baka dyan. Pulampula pati lipstick e."

Napapailing nalang ako ng ulo't napapahagikhik sa mga komento ng mga kaibigan ko sa bawat dumadaang couple sa paligid namin. Napaka-witty! Nga pala, nakatambay kami sa labas ng admin building ngayon. Naabutan kasi namin si Reishel kanina dito na nakaupong mag-isa habang nagbabasa ng libro. Good thing, wala na kaming klase nina Sab at Eunice kaya sinamahan na namin siya dito. Mukha tuloy naistorbo namin siya dahil natigil siya sa pagbabasa ng makapal na Law book niya at nakiokray na rin gaya ng ginagawa ng dalawang baliw na sina Sab at Eunice.

"Oh, oh! Look." Napatingin kami sa direksyon ng tinitignan ni Sab. This time, isang babae namang abot tenga ang ngiti dahil may dala-dala siyang tatlong pulang rosas. "Ang saya-saya ni ate oh. If I know, siya lang naman ang bumili nyan para sa sarili niya. Happy Valentine's day, myself!"

We burst out laughing. Napatingin pa nga sa amin yung babae pero wapakels kami. Sab is really crazy!

Hinampas siya ni Reishel na pulampula na ang mukha sa kakatawa. "Paano mo nalaman? Siguro nagawa mo na yan, no?"

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon