Meet the Casanova

1.8K 28 2
                                    

YeppoMeStories

All Rights Reserved

--

Meet the Casanova

*Riing Riiing

Ano ba yan. Agang-aga may tumatawag na agad T_______________T Kunwari, di ko nalang narinig.

*Riing Riing

Wala akong naririnig.

*Riiing Riing!

Anak ng pitong tupa oo. Sagutin ko na nga lang!

"He..Hello?! Ano ba kailangan mo ha?! Agang-aga, nangiistorbo ka?! Pag nalaman ko kung sino ka, papatayin kita"

"Ba..Babe..Ah..Ako to..Nagising ba kita..Sorry ha?"

Ay T_______T Si Babe pala to. Tiningnan ko sa screen ng cellphone ko. 

Tama nga, nakalagay "Babe 1" kaya bumangon na ako sa kama ko at binaba ko yung boses ko sa kanya.

"Oh Babe. Ikaw pala yan. Ano ba kailangan mo?"

"Ah ehehe. Babe, nasaan ka na ba? Hinahanap ka na kasi ni Coach at galit na siya sayo"

"Oh talaga? Sabihin mo sa kanya, mas nagmumukha siyang orangutan kapag galit siya sakin. Hahahahahahaha"

"Oh Coach, narinig niyo yun?"

"Oo, dinig na dinig"

"Makamandag talaga tong si Captain Ball natin no?"

"Manahimik kayo!"

"Ah..Babe...Nalimutan ko bang sabihin sayo na nakaloud speaker itong tawag na ito?"

T_____________________________T 

Sino ba tong Babe ko at bakit ko to naging Babe? Grabe, sagad sa katangahan T____________T Di bale na, ibre-break ko to mamaya. Kung sino man to. Wala kasing pangalan sa phone eh. 

"Ah..Ano..Babe..Nawawalan ng signal dito, wait lang ha? Maliligo na ako at papunta na ako sa schoool! Ssstssgshshshshshshsk"

Sigh. 

Napahiga ako ulit. Ano bang oras na? Napatingin ako sa orasan at ..

Pucha..nds in the air! 9:00 a.m. na pala. Ganoon na ba kahaba ang tulog ko? Dali dali akong pumuntang shower para maligo pero biglang..

*Riing Riing

Siya nanaman siguro to T______________T Come on! Ganoon na ba talaga kapag sobrang gwapo, sikat, at macho? 

"Hello? Diba sabi ko sayo maliligo na ako? Hindi mo ba narinig?"

"Ha? Babe? Good morning! Hindi mo pa naman sinasabi sa akin na maliligo ka diba? Hahaha. Baliw ka ba Babe?"

#MedyoMagulo

Sino ba ito? Tiningnan ko sa screen ng cellphone ko yung pangalan ng Contact. 

"Babe #3"

Ahhhh! Si Babe #1 yung kanina kaya malamang di niya alam yung sinabi ko diba? Okay, okay. Gets ko na.

"Hello? Babe? Anong maliligo ba ha? Sino ba kausap mo kanina?"

"Eh maliligo na ako Babe, wait lang"

She's O.B.M.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon