Diskarte

485 10 1
                                    

She's OBM Promotional Video --> Please do watch! Haha. It is made for imaginary purposes. Para sa mga readers  ko. Yie. Salamat ng marami sa inyo! Malapit na matapos ang storya na ito <3

-

"Please answer the phone" bulong ko habang tinatawagan ko siya. 

Gusto ko lang humingi ng sorry.

Gusto ko lang makausap siya ulit.

Gusto ko lang ayusin ang meron samin.

Pero paulit ulit na akong tumatawag. Paulit ulit na rin akong umaasa pero ayaw niyang sumagot. Nawawalan na ako ng pag-asa. NANAMAN. Pero sabi ko sa sarili ko, di pwede. Malay ko ba diba? Malay mo mahal niya pa ako. Sana.

Sumunod na araw, ni hindi ko siya nakita. Di yata talaga nagpapakita sakin. Nagisip isip ako bago umuwi. Di ko alam kung saan ako lalapit para makahingi ng tulong. I sighed. Di naman pwede doon sa mga kulelat kong mga kaibigan. Tatawanan lang nila ako. Hay.

Wala ba akong tunay na kaibigan? Hahahaha. 

Nong huli, nakaisip din naman ako kung kanino lalapit at hihingi ng tulong. Kumatok ako sa pinto niya. First time. Kailangang magpakabait. Hihingi ng tulong. Hahaha. 

Pagkabukas niya, nagulat siya..

"Oh, ano ginagawa mo dito Mr. Lurves?" tanong niya sakin.

"I need your help, Mrs. Rosenburg"

Oo. Kay NGOT ako pumunta T____T Wa eh. Wala na mapuntahan. Hindi ko na rin alam kung sino tatawagan ko. E kasi si Mrs. Rosenburg lang yung nakaiyakan ko about dito kaya sa kanya na rin ako humingi ng advice. Kinuwento ko muna lahat ng nangyari sa kanya. 

"Mahal mo diba?" tanong niya sakin.

"Sobra" sagot ko.

"Ipaglaban mo. Gumawa ka ng paraan para makuha siya"

"Kahit mukha na akong tanga?"

"Kahit pa" ngumiti siya.

"Eh baka naman gusto mo lang talaga ako mapahiya at matalo no? Oy. Humihingi ako ng tulong. Ngayon lang oh. Tulungan mo ako" sabi ko ng kinakamot ang ulo ko. Ay T___T

"Yea. I know kaya nga sinasabihan na kita diba? Uulitin ko, mahal mo ba?" tanong niya ulit. Aba, uupakan ko na to. Kakainis e.

"Oo nga sabi"

"Ipaglaban mo. Kahit mapahiya ka, go lang ng go. Kahit di ka pansinin, magpapansin ka. Ganyan lang hangga't makuha mo ang puso niya ulit. Ganyan talaga ang pagmamahal. Di marunong mapagod"

"Ganon?!" nanlaki mata ko. Bago kasi lahat sakin to. Bago tong pagpapansin at gagawa ng effort sa babae. Babae kasi nagawa ng effort para sakin non.

"Ganon" ngiti siya sakin.

"Ang bigat pala ng ganito" napailing ako. Bigat ng pagmamahal!

"That's right Mr. Lurves. Love will lead you to places you've never been. And things you've never experienced yet" ngumiti siya ulit sakin. Para siyang love guru kung magsalita. 

" Ikaw eh!"" tinuro ko siya. Ay duro pala. "Ikaw talaga! Ikaw may kasalanan nito eh. Kung di mo ako pinarusahan ng ganito, edi sana di ako maiinlove ng ganito sa kanya. Psh!" 

Natawa lang si Tanda. Ay T____T

"You really are in love. Naeexcite ako sa maiisip mong gawin, Mr. Lurves"

She's O.B.M.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon