Epilogue: Never letting go.

547 11 0
                                    

EPILOGUE

O' ayan. Tapos na ang storya ko kung paanong naging kami ni Lychee. Magulo no? Bwisit na love story nga yung amin. Yung iba sobrang plain pero masaya samantalang yung amin, parang naging Roller Coaster ride lang sa may peryahan. Minsan nawawalan pa ng turnilyo at nasisira. Aaminin ko, hindi natapos ang mga "gulo" o "epal" sa relasyon namin ni Lychee noon. Mas lalong dumami nga. Pero alam niyo? Mas lalo din kaming lumakas. Mas lalo namin napatunayan na mahal nga namin isa't isa. 

"Hon!" 

"Oh?" Lumingon ako sa tawag na yon. At isang magandang babae ang pumasok sa glass door ng opisina ko.  May office kasi ako sa bahay. "Sexy ng asawa ko ohh. Witwiw" 

Nakashorts kasi siya tapos nakasleeve-less pa. Ang sexy niya tingnan, pramis. Naka-puyod pataas pa ang buhok niya at ang ngiti niya? Swabeee ;)

"Sus. Bola ka pa. Tara na, kumain. Tapos na ba yang tinatype mo?" Tanong niya habang papalapit siya sa lamesa ko. 

"Di pa eh. Malapit na, sunod na ako"

"Eh" Nagpout siya tapos umupo sa lap ko. O' pwede na to ito mga chong! Kasal na kami e. Pwede na siyang kumalong sakin. Di na bastos. Hahaha. "Tara na kasi"

Buti naiclose ko agad yung Notepad noong nakaupo siya sakin. Hindi niya kasi alam na tinatype ko itong korny na love story namin. Pampalipas oras lang naman kasi minsan sa trabaho. Nakatuwaan ko ng gawin. 

"Sunod na ako, Lychee. Promise" sabi ko sabay halik sa pisngi niya.

"Sige na nga. Dalian mo ha?" Ngumiti siya sakin sabay panhik palabas. 

Asawa ko talaga o, gusto niya lagi sabay kami kumain. Gusto niya siya palagi ang nagluluto ng kakainin namin. Kaya naman kahit may MAID kami, siya pa rin ang cook ng bahay na ito. Masarap naman palagi ang luto niya kaya napakaswerte kong asawa, hindi ba? 

Oo, kasal na kami ni Lychee. Ay wait, let me rephrase that. Bagong kasal kami ni Lychee. Kaya wala pa kaming anak, pero wait lang kayo. Sa galing kong to, syempre. Magkakaanak agad kami. Hahahaha. De joke lang baka mamaya mabanatan ako noon pag nabasa niya ito. 

Onga pala. Gusto niyo ng kaunting flashback sa nangyari? Sige, flashback tayo. 

After all that happened, yon. Nakagraduate si Lychee ng High School. Syempre, hindi na siya tumungo ng Canada para maging DH dahil ako na mismo ang nagpaaral sa kanya. Payag na payag naman si Mom at si Dad. Ako mismo din ang kumausap sa Tita niya na wag ng pilitin ang ayaw at baka pumayag. Hahaha. De, sinabi ko na ako na bahala sa expenses at pumayag naman siya. Yon nga lang, biniro ako na baka naman daw pag magkagalit kami, hindi ko bigyan ng baon. Hahaha. No, no. 

At ako? Yon. REPEATER that year. Ako lang yata ang hindi nakatanggap ng blessing sa storyang ito. Aigoo =_____= Sabay sabay nakagraduate si Chevelle, Christian, Grey, Matt, Alvin, Happy, at Lychee. Sabay sabay. Oo. Kami ni Matt? Okay na kami ng kapatid ko. Nakakamangha no? Dahil kay Lychee din yon. Pero kami ni Christian, hindi na. Hindi na ulit siya nagpakita sakin pagkatapos ng graduation niya na yon. 

Ngunit pinagbuti ko ang pag-aaral ko noon kaya naman nakagraduate ako ng matiwasay. O'yes, paiyak na nga si Mrs. Rosenburg noong nakwenta na niya ang grades ko at akalain mo na First Honorable Mention ako? Potek! Hahahahaha. Oo! At mas naiyak siya noong nalaman na magcocollege na ako. Dati kasi wala akong plano. 

Onga pala, magkasama kami sa school ni Lychee. Parehas pati ng Department. Yon nga lang, mas mataas siya ng isang taon. 

She took BS Civil Engineering at ako naman, akalain niyong naibigan ko ang BS Mechanical Engineering? Hindi ako nahirapan sa Math dahil siya mismo ang tutor ko. Tutee ako forever. Pati si Alvin, katulong din niya doon sa trip nilang itutor ako. Magkasama nga sila sa course na yon pero wala na akong pangamba dahil si Alvin at si Happy na. SILA NA. Sabi ko sa inyo, doon rin ang punta nila. Pagkatapos ng ilang taon, yon! PASADO kami lahat sa board exam. Proud na proud nga magulang ko sakin. Nakakatuwa. Pati si Tarantina, nakakatuwa. Nag-asawa na! HAHAHAHA. 

Maayos ang naging relasyon namin ni Lychee. Hindi kami madalas mag-away  pero hindi maiwasan na madaming epal. Saka kasi lumabas ang madaming suitors ni Lychee noong college na siya at ako naman, habulin pa rin. Hindi maiiwasan eh. *wink* Pero kahit ganon, hindi pa rin kami sumuko. Nagmahalan pa rin kami. Hindi namin iniwan ang isa't isa. Pinatunayan namin na kaya namin ang lahat basta't magkasama kaming dalawa. 

And after years....And years....And years....And years.......

Teka, ang dami yata non. Hahahaha.

Sabihin na natin na pagkatapos namin magkaroon ng okay na trabaho. Mga...3 years siguro, after?

Niyaya niya akong magpakasal. 

Oo, siya mismo ang nagpropose sakin. Gwapo ko no?

"OY ANO YAN! BASA KO YAN AHH! ANONG AKO?!" 

"WAAA!"

Isinara ko yung laptop ko dahil sa gulat ko. Nasa tabi ko pala si Lychee =_____= Hindi ko napansin yon. Bwiset na yan. Naramdaman ko tuloy na namula ako. Sumimangot siya sakin. 

"Bawiin mo yon" 

Inirapan ko siya. 

Oo, ako nga ang nagpropose  sa kanya. Maganda yung pagkakapropose ko, nilagay ko sa cake ang sing sing. Yon, sa katangahan niya. Nakain niya. Hahahahahahaha. Buti na lang nailuwa agad. 

"Eh kasi naman! Akala ko mani. Tsk"

"Cake, may mani? Shunga, ganon?"

"Che"

Pero mahal ko yan kahit ganyan yan kashunga minsan sa mundo. At yon, nagpakasal na rin kami pagkatapos. And after 5 months, sina Alvin at Happy naman ang nagpakasal. At yon, honeymoon stage kami ngayon. Yahoo! Hahahaha. At ito, ineenjoy ko ang buhay mag-asawa naming dalawa. At excited na ako na gumawa ng happy moments kasama siya. Gusto kong magkaroon ng isang basketball team na tatawag sakin na "Daddy" at tatawag kay Lychee na "Mommy" Masaya yon. Gusto ko lahat sila makuha ang lahat genes ko bilang magandang lalaki at yung utak, well. Kay Lychee na siguro. Kaunti lang yung akin eh. Hahaha. Baka maubos.  

Gusto kong ikwento sa kanila kung paano nagsimula ang pagmamahalan namin ni Lychee. 

Gusto kong paniwalaain sila sa isang bagay na mahirap paniwalaan sa mundo ngayon. At yon ay ang tunay na pag-ibig. Ito yung hindi mo mahahanap kapag hinahanap mo. Hindi mo ito mahahanap kapag gusto mong bilhin ito. Pero mahahanap mo ito sa oras na pagod ka na at wala ka nang pag-asa. Saka may darating na mamahalin ka. Ng tapat. 

At ang kailangan lang natin gawin ay MAGHINTAY. At maniwala sa mga pwedeng mangyari. 

Andyan lang ang totoong magmamahal sayo sa tabi-tabi. Kailangan mo lang imulat ang mga mata mo. 

Maniwala ka. Dito kami nagsimula e. 

Nagsimula sa mali ang lahat at natapos sa tama.

Nagsimula lang ito sa consideration sa eskwelahan. At sumunod ang kontrata na peke-pekean lang. Na sineryoso niya.

Onga pala, yung pinasa ko  na ESSAY kay Mrs. Rosenburg noon ay wala sa mga sinulat ko. Wala doon sa sampu. Baliw ko lang no? Ang isinulat ko? Hmm..

"She completes me"

She's not my type. She's gullible. She's childish. She's a crying baby. She's jolly. She's like a guy. She's an attention seeker. She's a nerd. She's a pain in the ass. And she's my worst nightmare. 

But she became my everything. She became my whole life. 

Because She's OBM. 

She's...

....... OWNED BY MARK. 

Owned by Me. 

And I'm never letting her go.

Never. 

-

She's O.B.M. (2013-2014)

Property of Yeppome

All Rights Reserved

-

Saglit lang! Bago ako gumawa ng makasay-sayang AUTHOR'S NOTE, hindi pa rito nagtatapos ang lahat. Mayroon pa akong Part 2 ng Epilogue. Saglit!

She's O.B.M.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon