Chapter 8.2

452 6 1
                                    

Vote naman kayo guys :)

Her P.O.V.

Isang linggo na ang nakakalipas mula noong nagkahiwalay kami ni Tutee. Ay ni Captain pala. Di ko na binalak na ikwento kay Tatay basta sabi ko, di ko alam. Chinachange topic ko nalang. Akala nga niya nakamove on na ako. Paano ba naman kasitong si Alvin. Lagi akong hatid at sundo.

Masaya nga ako na kasama ko siya eh.

Well, siya lang naman ang sumasama sakin. Siya lang kaibigan ko ngayon. Kaya siya lagi ko kasama. Masaya siyang kasama. Nakakatuwa. 

At oo, nanliligaw siya sakin pero napagusapan na rin naman namin na ayaw ko muna magrelasyon ngayon. Alam naman namin parehas na mahal na mahal ko pa rin yung bobong gago na yon na laging nakatambay sa may puno ng school. Mukha siyang nuno Pero mahal na mahal ko pa rin siya kahit he became worse than ever. 

"Okay ka lang?" tanong ni Alvin sakin habang nakaupo kami sa Cafeteria, kumakain.

"Oo naman. Bakit di ako magiging okay?" tanong ko.

"Malamang. Kinausap ka ba naman ng iyong minamahal. Namumula ka ohh" Ngumiti lang ako sa kanya at inakbayan niya ko sabay yakap. 

Naiyak na ako ng tuluyan.

"Sorry ha? Di ko alam kung bakit ako umiiyak ngayon. Ang sakit kasi eh. Ang sakit sakit makita siya, makausap siya"

"Ssh. Stop crying. Ikaw kasi. Magmamahal na nga lang, sa gago pa. Eh andito naman ako"

*poink*

"Ewan ko sayo. Adik mo nanaman"

"Oo na. Alam ko naman na wala akong pag-asa sayo no. Pero andito pa rin ako para sayo. Basta kung pagod ka na mahalin siya, tingin ka lang sa likod mo, o kaya sa kanan mo, o kaya sa kaliwa mo. Andoon lang ako. Andito lang ako para sayo. Hihintayin kita kahit anong mangyari"

"Ay nako. Kung pinapansin mo nalang kasi yung iba dyang mga babae no"

"Ewan ko. Malakas tama ko sayo eh" sabay kindat niya sakin.

"Pwet mo!"

"Oy sige. Di kita ililibre mamaya" pananakot niya sakin, binelatan ko naman siya. 

"Tange! Di naman talaga. Magtututor ako don sa taong yon. Lakas makapang yaya na magtutor, di naman nakikinig"

"baka naman gusto ka lang makasama?"

"Sus! Imposible. Nakita mo ba kung paano sila maglamunan nong babae niya..Yung Chev ba yun? Sus. Kulang nalang, lunukin nila isa't isa ehh"

"Bitter ka" sabi niya sakin. 

"Bading ka naman"

"Halikan kita ehh"

"Sus. Ewan ko sayo"

"Basta mamaya kapag sinaktan ka niya, bastusin o kung ano man. Tawagan mo ko at babanatan ko yon ng magaling!" tapos tinikom ni Alvin ang kamao niya sabay suntok sa palad niya. Matapang kunwari.

"Wow ha. Hiyang hiya ako samantalang tameme ka noong nasuntok ka niya ng dalawang beses noong isang linggo"

"Sus. Hinayaan ko nalang. Selos siya satin ehh"

"Ikaw naman kasi!" sabay sapok ko sa kanya. "Hahalik halikan mo ako non! Naku buti nalang maganda yang explanation mo kundi baka hindi lang yon inabot mo!"

She's O.B.M.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon