4.2

871 9 0
                                    

04. She's a bookworm and believes on the nonsense fairytales inside of those books.

"Sa totoo lang, di ko alam. Pero ang alam ko, kailangan ko siya at ayokong mawala siya sakin ngayon"

"Hijo, may nakikita ako sa mga mata mo" sabi ni Manong sabay tiningnan niya ako sa mga mata ko ng seryoso.

"Ano po yun?"



"Isang tanong, isang sagot. Oo o hindi. Mahal mo na ba ang anak ko?" tanong niya.

Seryoso siyang nakatingin sakin. Tumitig ako sa kanya ng mga 3 seconds bago ako sumagot. Wala rin naman akong isasagot dahil di ko alam. Pero paanong nakikita niya ito s na mga mata ko? Kita niya sa mata ko na mahal ko yung anak niya? Kita niya yon? Nalalaman niya yun? Whooooahh O_____________O Ano ibig niyang sabihin?

Dugdug. Dugdug.



Pero sa sinabing niyang yon, tumibok yung puso ko ng mabilis. Sasagot na sana ako ng...

"Tay, Tutee! Juice muna kayo oh!" 

Napatingin ako sa kanya. Buti nalang dumating siya. Hahahaha. Nilagay niya yung dalawang baso ng juice sa lamesang katabi namin tapos tiningnan niya kami ng parang nagtataka.

"Teka..Teka..Mukhang seryosohan ang usapan niyo ah? Bakit parang tumigil kayo ng dumating ako? Teka..Pinaguusapan niyo ako no?!" sabi niya tapos nagpameawang siya.

"Ha? Ano? Hindi no!" sabi ko sabay ininom ko yung juice. 

"Weh?! Naku Tatay, kilala kita a!" sabi niya tapos pumunta siya sa may likod ko. Hinawakan niya yung leeg ko at parang minasa-masahe ako. "Wag ka mag-alala Tay! Di ko to manliligaw no! Hahaha." 

"Sigurado ka ba anak?" tanong ng Tatay niya. Syempre, sigurado anak mo T_____________T 

"Oo naman Tay! Tsaka tingnan mo naman oh" sabi niya tapos yumuko siya at tumingin sakin "Sa gwapo nito? Sa macho nito? Sa yaman neto? Tingin niyo, mapapansin at papatulan ako neto? Hahahaha. In my dreams nalang siguro" sabi niya tapos mina-masahe ako ulit. 

Napaisip ako sa sinabi niya. Nagwa-gwapuhan rin pala siya sakin. Hahahaha. Buong akala ko talaga wala siyang pakiramdam pero meron pala. May taste din pala siya. Pero ganoon na ba tingin niya sakin? Dahil lubos akong swerte at pinagpala ng kagwapuhan, kayamanan, at kamachohan? Di ko na kayang patulan ang katulad niya? 

Bakit? What's wrong with her? Para sakin, okay naman siya e.

"Ang gusto nito Tay, magaganda. Sexy, may appeal, magaganda ang legs. At higit sa lahat, yung pwedeng machibog" sabi niya.

She's O.B.M.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon