08. She's an attention seeker

646 10 1
                                    

His P.O.V.

"Bartender, one more please"

"Coming right up, Sir" 

Tumango siya at ikinuha ako ng isa pang baso ng iniinom kong alcohol. I made a fake I.D. for them to let me drink some serious alcohol or somethin' Yung nakakalasing at nakakalunod ng nararamdaman. Pwede ba?

"Uhh, kuya? Pwedeng doon ka sa kabila umupo? Tatlo kasi kami nitong mga kasama ko para tabi tabi kami" tumingin ako sa kanila ng matapang. Andito kasi ako nakapwesto sa mismong gitna ng ordering table. 

"Hindi" mabilis kong tugon tapos humarap na ako sa inumin ko.

"Sige na po Kuya. Para po--"

"Sinabi ko ng hindi diba? Makulit ba? Baka gusto niyo ng away? Ikaw? Kaya mo ba ipagtanggol yang dalawang babaeng kasama mo?" tinignan ko yung lalaki sa kanilang tatlo. Tumungo naman sila at lumipat ng ibang pwesto. Mga peste. Bilhin ko kaya sila. Nakakagagong buhay ito. 

"Mahina pala kayo e. Mga peste kayo sa buhay. Nakakagago kayo" 

Ilang sandali pa..

"Hey pogi. Mukhang may problema ka ahh. Nakakailang baso ka na, mind if I join you?" sabi ng isang malanding boses sa tabi ko. Nanatili lang ako na tahimik. 

"Suplado naman neto" sabay kumapit siya sa balikat ko at hinaplos haplos ang leeg ko. "Type na type ko yung tulad mo. Ano ba problema mo baka makatu-"

"Ikaw. Ikaw ang problema ko. Kaya pwede ba, lubayan mo ako" tinulak ko siya papalayo sakin at muntik na siyang malupasay sa sahig. Tiningnan niya ako ng masama. 

"Kung ayaw mo, edi wag!" nilabas niya ang kanyang middle finger at tinalikuran ako.

"Ayoko sa babaeng gamit na gamit na" sabi ko sabay harap sa iinom ko.

"Anong sabi mo?" bumalik pa yata itong babaeng to. Hinila niya ako paharap sa kanya. 

"You heard me" I said in a low voice. Walang expression. Cool lang.

"Well. Gamit man, mapapasaya naman kita" umupo siya bigla sa lap ko at natawa lang ako. "Come on, spend a night with me" sabi niya in a seductive voice at hinalikan ako. Di ko na yon kinagulat pero itinulak ko siya. Napatayo siya bigla. 

3...

2...

1...

"Fcuk it! Bakit mo tinapon yang iniinom mo sakin? You're so cruel! Ugh!" sabi niya sabay pinupunasan yung sexy niyang damit. Nagsmirk lang ako. 

"Nakakairita ka e. Lapit ka ng lapit. Leave me alone!"

"Pero--"

"I said, leave!" sigaw ko sa kanya at mabilis siyang tumakbo papalayo sakin. I smirked once again and sat on my chair again. Umorder ulit ako ng isa pang baso.

Ano bang meron sakin at nilalapitan talaga akong sandamak na babae? Hahahaha. Gwapo nga pala ako. Maappeal. At mayaman. Kaya siguro umiinit dito sa bar dahil sakin. Pero ayoko sa mga ganoong babaeng lumalapit sakin. Alam ko naman na bukod sa yung "ano" ko at sa mga halik ko, alam ko naman na pera lang din naman ang habol nila sakin. Mga walang kwenta talaga.

Ang gusto ko lang naman sa isang babae...

SIYA.

Siya lang.

She's O.B.M.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon