The things I do for her

425 5 0
                                    

--

MARK's P.O.V.

"What?! Di ako makakapayag niyan!" Hinampas ko ng malakas yung lamesa pagkasabi ko. Dala to ng sobrang inis.

"I'm sorry Mr. Lurves pero wala tayong magagawa, nagkasund--"

"Nagkasundo? Then take it back! Ayoko. Ayoko sila dito!"

Napakamot ng kilay si Mrs. Rosenburg saka siya sumagot sa akin.

"Mr. Lurves, I'm very sorry pero hindi ako ang Principal ng paaralan na ito. And I'm very sorry but you have to deal with the fact that both Principals of Wattpad Academy and Friendster High will be joined in one prom which is on Friday"

Napakamot ako ng ulo ko. Oo, tama ang nabasa niyo. Peste yang Principal namin na yan =______=

Sa di ko malaman na dahilan, nagkasundo ang dalawang tanda ng school namin ng kapatid ko. At ayan, join forces na ang Prom namin ngayon? Nakakainis =______= Ayoko ng andito sila. Rival school namin sila pero bakit ganoon? Bakit yata laging kasama sa mga activities? Psh. Makakasama nanaman sa PROM yang si Matt Lurves na unggoy na yon. Bakit ko pa kasi naging kapatid yon? Kinakabahan ako baka may gawin siyang masama sa mga kaibigan ko dito. 

"Fine. Just don't blame me kung may mangyayaring di niyo magugustuhan" 

I got out of the Mrs. Rosenburg's Office at lumabas na ng school, dumiretso ako ng Parking Lot. Iniintay ako doon ni Pandee. Nakasandal siya sa kotse ko ng datnan ko siya. 

"Nasan si Alvin?" Tanong ko. Lagi kasi namin kasabay yon ngayon. 

"Ah. Nauna na yata? Ewan. Di nagpaalam eh"

"Let's go" Yaya ko sa kanya. Pinagbuksan ko siya ng pinto ng kotse at pumasok siya. 

"Saan tayo pupunta?"

"Basta"

"Masungit ka yata? Anong problema?" 

Ini-start ko na yung kotse at di ko siya inimikan. Ayoko kasi umimik at dumaldal kapag ganitong badtrip ako. Tahimik lang kami sa loob ng kotse. Ng narinig kong humimig siya..

♫ Araw araw sinusundan

 Di ka naman tumitingin

 Anong aking dapat gawin?

 Kailan?

 Kailan mo ba mapapansin ang aking lihim?

 Kahit anong gawing lambing

 Di mo parin pansin "

Napangiti ako sa pagkanta niyang yon. I know she intended to do that to make me smile. Yon din kasi yung kinakanta ko sa kanya kapag may away kami. Inilapit niya yung sarili niya sakin at kiniss ako sa pisngi. Tiningnan ko siya.

Nag-pout siya. "Sorry"

"Para saan?" Tanong ko. 

"Badtrip ka yata sakin, Mark. Sorry. Kung may nagawa man ako, sorry ha?" Ngumiti siya ng pilit.

Napailing naman ako at nginitian siya. Tinigil ko yung kotse muna. 

"Lika nga rito" Naglean forward siya sakin at niyakap ko siya. "Hindi ako badtrip sayo. At hinding hindi ako mababadtrip sayo ha?"

She's O.B.M.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon