Big Reveal to Him

494 7 1
                                    

Dedicated kay Ate Eydeeng maganda! I'm reading her story right now. DAP: Dating Alys Perez. One of the best! Hoo! Inspired ^_______^

Guys, try niyo pakinggan itong 'Pagsuko' by Jireh Lim. Grabe, it gives a soothing effect to my nerves! Well, you should try listening to it while reading this chapter. It's kind of related. Thank you!

MARK'S P.O.V.

"Mahal kita. Tatandaan mo yun ha?"

"Mahal kita. Tatandaan mo yun ha?"

"Mahal kita. Tatandaan mo yun ha?"

Paulit ulit na umaalingaw-ngaw sa tenga ko ang boses niya habang binibigkas niya ito sa akin noong hapon na iyon. Paulit ulit rin na bumabalik sa alaala ko ang mga luha na pumapatak mula sa kanyang mga mata habang sinasabi niya ito sa akin. At sa bawat pagalala ko sa kanya, isa lang ang narerealize ko.

Tanga ako.

Duwag pa. 

Oo, lahat na! Walanghiya akong tao. Di ako marunong rumespeto, miski gumalang. Babaero, walang-alam kundi gulo, bobo. Yaman lang panlaban ko. Di ako marunong makiramdam, mainit ang ulo ko palagi. Lahat ng tao pinagbubuntunan ko ng galit. 

In short, masama akong tao.

Pero kailangan ba, siya ang maging kabayaran ng lahat na yon?

Bakit hindi ako? :(

Nabasag ang katahimikan, pagkabalisa, at pagkatulala ko sa pagring ng cellphone ko. 

"Hello? May balita na?" Sabi ko. 

"Wala pa, Boss. Mukhang walang nakatanda ng plate number noong truck na nakadali sa girlfriend niyo, chong e. Pero rumeresponde na ang mga pulis, Boss. Wag kayong mag-alala. Mahuhuli din yon. May CCTV daw sa kalsada na yon" 

"S-sige. Gawin niyo lahat ng makakakaya niyo para mahuli ang hinayupak na driver na yon. Tawagan mo ulit ako kapag may balita ka na"

"Sige, Boss. Kamusta siya?"

Natahimik ako sa tanong niya. Bigla na lang kasing may nagbago sakin kapag tinatanong ang kalagayan niya. Di ko mapigilan na mapaiyak o mapasinghap ng hangin dahil sa nasasaktan ako ng sobra. 

"O-kay naman siya" Maliit kong sagot. 

"Mabuti naman kung ganon. Sige Boss, punta na akong Police Station. Dumating na daw yung CCTV record e"

"S-sige, salamat"

"Sige po"

"T-teka lang.." Sabi ko bago niya patayin ang tawag. 

"Ano po yon? May kailangan pa po kayo?"

Huminga ako ng malalim bago sumagot. Pakiramdam ko kasi hindi ako magiging AKO kung sasabihin ko ito. Pero wala naman sigurong masamang magtry para sa taong mahal mo diba?

"Pwe-pwede bang.....Ipanalangin mo si Pandee? Kahit isa lang, makakatulong na. Yon lang kailangan ko ngayon. Panalangin para sa kanya"

"S-sige Boss. Yun lang pala. Makakaasa ka. Kapit ka lang sa Diyos. Tutulungan Niya tayo"

"Oo, tama"

"Sige Boss"

Pinatay na niya yung tawag. 

Kapit lang sa Diyos. Tutulungan Niya tayo. Tama siya. Di ako susuko. Alam ko na nakikita Niya lahat ng ginawa ni Pandee sa buong buhay niya. Lahat ng hirap at sakripisyo niya. Alam Niyang di pwedeng mawala ng ganito si Pandee. Alam ko na kahit IMPOSIBLE ay bubuhayin Niya si Pandee. 

She's O.B.M.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon