Her P.O.V.

472 8 0
                                    

Her P.O.V.

Takbo lang. Sige lang, takbo lang. 

Yan ang sinasabi ko sa sarili ko habang tumatakbo akong papalayo sa kanya. Tumigil ako sandali at pinunasan ang mga luha ko. Di ko nga gets kung bakit ako umiiyak e. Hindi ba sinabi niya na mahal niya ako?

Mahal niya ako!

Bakit ganito pa ginagawa ko?

Tumakbo ako. Umiiyak. At gustong mapag-isa at iwasan na siya.

Nakakainis naman! Ang gulo din ng utak ko no? T___T Hindi ba ito ang gusto ko? Ito diba?

Ito ang gusto ko diba?

Yung mamahalin niya ako!

Pero di ko alam kung anong nangyari sakin. 

* Flashback *

"Paano kapag di ko natupad yung favor ko sayo?" 

"Anong favor?" Naku, wag lang sabihin ng kutong lupa na to na ibabagsak niya yung test o kaya sinunog na niya mga libro ko. Jusmiyo! Pero parang hindi naman yon ang sasabihin niya..

Tumungo siya ng kaunti at huminga ng malalim. 

"Yung di pwedeng mainlove sayo?"

"Ha?"

Yun nalang nasabi ko kasi seriously, I don't really get it. Paanong di niya masusunod yon?

"I think I'm falling for you" 

Tumingin ako sa kanya ng seryoso. Siguro kung may kinakain ako ngayon, maibubuwal ko yun sa kanya. Hahahaha. Dahil pagkatingin ko sa kanya, mas seryoso pa ata sa Presidente ang itsura niya. Kaya di ko napigilang tumawa sa joke niya..

"HAHAHAHAHA! WEHHHHH?!!!"

"Eh?"

Tawa pa rin ako ng tawa pero bakit di siya nakikitawa?

"Anong nakakatawa?!"

"Ikaw! Hahahahaha"

"Bakit?"

"May pafall fall ka pa eh! HAHAHA"

Eh kasi naman ang korny! HAHAHA. Pafall fall pa, Paskong Pasko, binobola niya ako. Jusmiyo T___T Akala siguro nito, matritrip niya ako. Kala mo ha. Upakan kita.

"I'm  serious. Damn, I'm in love with you"

Tatawa na sana ako ulit ng tumingin ulit ako sa kanya. Tiningnan ko siya sa mga mata niya. And...Damn..Seryoso yata siya..

I know him.

Alam ko kung seryoso siya o hindi..Siguro dahil na rin sa sobrang pagmamahal ko sa kanya dati kaya nakilala ko siya agad...Ang nararamdaman niya...By just looking into his eyes...

"Seryoso ka talaga?"

"Oo. Kala mo ba gagawin ko lahat ng to para sayo kung di kita mahal?"

"Stop it"

"No"

"Diba sabi ko sayo wag kang maiinlove sakin? Tutee naman eh!" 

Hindi ako natutuwa. Hindi. Kaya sinapok ko siya ng sinapok hangga't pinatigil niya ko't hinawakan niya yung braso ko.  At tumingin siya sa mga mata ko. Ayoko ng ganito. Ayoko. 

She's O.B.M.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon