01. She's so not my type.

1.3K 22 1
                                    

Our Casanova and his special girl on the right side (how cute!) Wala pa silang pangalan kasi wala pa akong maisip na pangalan. Hahahaha. Hahanap pa ako sa readers ko. Gusto ko kasi yung makakahula ng meaning ng "OBM" ang magsasabi ng pangalan.

Enjoy!

"Huuy! Anong tinatype mo dyan?" sabi niya sabay pinulupot niya yung mga kamay niya sa leeg ko. 

"Basta! Miss mo naman ako agad?" sabi ko ng tumingin ako sa kanya sa taas. 

"Lagi naman kitang miss e" 

Then she smiled. Kahit nakakangalay sa leeg itong position ng ulo ko ngayon, di ko na inaalintana yun. Ang ganda niya. Ang sarap niyang titigan. At yung ngiti niya, sapat na para makapagpakalma sa isang taong minalas at binadtrip buong araw. Ngitian ko siya sabay hinila ko yung mukha niya papalapit sakin. 

"At ikaw, lagi kitang pinapangarap" 

She replied with a quick but meaningful kiss. Then she kissed my forehead. Napangiti ako. Kahit akin na siya, kinikilig pa rin ako sa bawat gagawin niya sakin. Ganito siguro talaga kapag in love na in love ka na. 

"Sunod ka nalang ha? Magluluto muna ako" sabi niya sabay tumalikod na sa akin kasi...kasi nga magluluto. 

Bumalik ako sa pagtatype ko nito. Inalala ko yung nangyari 5 years ago halos. Napapangiti ako.

At sa wakas, nakaisip na ang bobong ako ng isang bagay about sa babaeng nawe-weirduhan ako. Sino ba naman kasing babae ang malakas ang loob na pumunta ng mall na walang kaporma porma at class man lang? Siguro marami at siya na ang mainstream. 

At ang una kong naisip at naisulat....

-

01. She's so not my type

*Ang gwapo gwapo mo!

  Ang gwapo gwapo mo!

  Ang gwapo gwapo mo!

*

"Alam ko, alam ko" sabi ko sabay pindot sa "Dismiss" button sa cellphone ko. Tiningnan ko yung oras sa cellphone ko. 

Time: 6:00 a.m.

Napapikit ako ulit. Inaantok pa ako at tinatamad nanaman akong pumasok. Oo nga pala, nagustuhan niyo ba yung alarm ring tone ko? Nirecord yan ng isa sa mga ex ko noon. Hahaha. Nirequest ko sa kanya yon at simula noon, di ko na binura sa cellphone ko kasi nakakatuwa. Hahaha. 

Ilang araw na lang, Christmas vacation na. And my nightmare will start. Paano na kaya yung mga outings, gala, basketball, at dota naming magkakabarkada kung pati sa bakasyon, I have homeworks pa din? Medyo unfair! 

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! CURSE YOU ROSENBURG! MGA ASU at NGOT KAYO! ASUNGOOOT!"

Isinigaw ko talaga sa kwarto ko. Hayy. Pero wala na, andito na e. Gagawan ko nalang ng paraan para maenjoy ko ito. Wala namang sinabi si NGOT na bawal pagtripan yung kapartner mo diba? *evil laugh* Pero..ano nga kaya kung tapusin ko na ngayon? Tapusin ko ngayon yung 10 things? Posible kaya yon?

Pwede! Susubukan ko!

Chineck ko yung messages sa phone ko at nagulat ako. Ang sakit sa damdamin >_______________________< Ang dating 40 messages ngayon, 10 nalang T_____________T Noooooooooooooooooo! Nananaginip pa siguro ako. Nasaan na kaya yung sweet messages? Nasaan na yung messages from my Babes? Ay, wala na pala akong Babes T_____________________T

Kalat na nga siguro sa school namin na bad boy ako. May bad image na ako at siguro napagusap usapan ng mga babae na wag nalang akong patulan kahit kelan T____________________T Hayy, paano na ba yan? Ayoko ng masampal pa. Kaya hayaan ko nalang, I'm stuck with Miss Nerd. 

She's O.B.M.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon