Bonus Chappy:

693 12 1
                                    

Dahil tayo ay nasa Wattpad World, uso ang flashback. At syempre, uso din ang fast forward. Kaya fast forward tayo mga....1 year after? Ewan ko. Basta fastforward tayo...

Mark's P.O.V.

"Ugghh! Ang sakit, Mark!"

Hinawakan ko yung kamay niya habang nakasakay siya sa hospital bed na lumalakad. Di ko alam ang tawag, basta yon na yon. 

"Kaya mo yan, Lychee. Basta gagandahan mo yung ire ha? Baka mamaya pangit yang anak natin. Hindi ko--ARAY! Masakit yung sapok na yon ha!"

"Eh paano ba naman kasi, yan pa rin iniisip mo? Tingnan mo, hindi mo makikita tong anak ko kapag lumabas to. Binabadtrip mo nanaman ako!"

"Lagi ka na lang badtrip sakin eh!"

"Kaya nga nakakainis eh! Ikaw pa pinaglihihan ko! Kaya siguro kamukhang kamukha mo tong magiging anak natin!"

"Ayaw mo noon? Gwapo ang magiging anak natin?"

"Ay ewan ko sayo! Ughh! Ang sakit sakit na talaga! Dapat mga lalaki na lang ang nanganganak eh!"

"Ayoko! Mahirap yon!"

"Yon nga eh. Puro kayo sarap, kami hirap!"

"Bastos to. Makinig ka ng anak natin!"

"Ewan ko sayo. Walanghiya kang asawa!"

Hays. Bakit ganoon ang mga babae kapag buntis no? Madalas barino, moody, at nakakairita. May time nga na gusto kong batuhin ng plato si Lychee sa kakareklamo sakin. Gusto daw niya ng pink na sunkist. Anak ng tinapa, saan ako kukuha non? Buti na lang matalino ako. Kinulayan ko nalang yung balat. Hays. 

Magiging Tatay na ako. Excited na ako. Sobrang excited. 

Pero di ko maiwasan na hindi kabahan. Ayaw rin naman ni Lychee na pumasok ako sa kwarto kung saan siya manganganak, ewan ko don. May pahed. Kaya para maiwasan ang pagkakakaba ko, lumabas muna ako ng hospital. 

Nagdrive drive ako ng kaunti. Tutal, mga isang oras pa naman bago manganak. At dahil may pahed si Lychee, ayaw niya na nasa loob ako ng hospital. Bwisit. Ako yung excited eh. Habang nagdrive-drive ako, may nakita akong isang mural na kasalukuyang pinipintahan. Nagandahan ako sa itsura neto. Kaya tumigil ako at pinagmasdan ito. 

Hindi pala masyado maganda yung mural na ginagawa. O masyado lang talaga akong mapanlait? Mukhang vandal lang siya. Aigoo. Pinagmasdan ko yung painting. 

Isang lalaki na nakayakap sa mga binti nito habang nakaupo sa damuhan. Umiiyak ito at sa likod niya ay makikita ang dalawang taong masayang naglalambingan at lumalakad palayo. May puso pa nga sa taas nito. 

At sa gitna, may nakasulat na..

"I feel so invisible"

She's O.B.M.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon