The Final Test

451 6 3
                                    

THIRD PERSON'S P.O.V.

Isang araw na walang pasok ang buong Wattpad Academy. Ito yung nagsisilbing pahinga nila mula sa Prom nila. Pagkabalik ng lahat sa eskwela ay parang normal na araw lang. Usap-usapan ang video na pinalabas noong gabing yon. Usap-usapan ang eksena. Usap-usapan ang bugbog na pagmumukha ni Christian. Usap-usapan sa bawat sulok at lugar. 

Pero sa iba? Normal na araw lang ito. 

Pero kay Mark? Ito na yun araw na pinakahihintay niya. Ang araw na kinakatakutan niya. 

"Are you ready to take the test, Mr. Lurves?"

Nagkibit balikat lang ito, ngumisi ang Teacher nito.

"You should be inside in 5 minutes, okay?" Pagkatapos ay pumasok na sa loob ng kwarto itong Teacher na ito.

Nasapo naman ni Mark ang noo niya. Pinagpapawisan siya ng magaling. Kinakabahan siya. Alam niyo kung bakit?

HINDI NAMAN KASI SIYA NAG-ARAL.

Oo, nagreview sila ni Lychee sa mga nakaraang araw. Pero pagkatapos ng nangyari? Di niya nagawa ang tips na sinabi ng girlfriend niya bago kumuha ng exam. Di niya nairefresh sa utak niya ang mga pinag-aralan nila. Wala, wala siyang matandaan.

Polluted ang utak niya ng mga alaala ni Lychee at ang nangyari ng gabing iyon. 

Kaya di niya nagawang mag-aral pa. 

Ilang saglit pa ay dumating ang taong gustong gusto niya makita. Nagsigh siya dito at ngumiti. Pero di nagawang ngumiti ni Lychee sa kanya. 

"Ah..Pumunta ako dito para icheck ka..Ano..Good luck.." Sabi nito sabay talikod. 

Tumango tango lang si Mark. Pumikit ito ng mariin. 

"Pandee" Malakas nitong tawag. Kaya napalingon ang dalaga. 

"Oh?"

"Kung hindi man ako maka-pasa sa test na ito, ako ang magpapaaral sayo. Kaya wag kang matakot. Hayaan mo na umulit ako ng isa pang taon dito sa school na ito. Basta ako ang bahala sayo"

Ngumiti ng mapait si Lychee sa kanya. Tumango lang ito ng kaunti.

Buo sa isip ni Mark na hindi niya kayang ipasa ang test na iyon. Alam niya na babagsak siya. Wala siyang matandaan ni isa sa pinag-aralan at miski meron man ay alam niyang di siya makakasagot sa test paper sapagkat si Lychee lang ang nasa isip niya talaga. 

Akmang tatalikod na si Lychee at lalakad palayo ng tumigil ito, tumingin kay Mark. At kiniss ito sa pisngi. 

"Good luck"

At sa wakas ay ngumiti ito kay Mark. Nakaramdam ng pag-asa si Mark pero kinakabahan pa rin siya sa alam na niyang magiging resulta. Tumalikod na si Lychee sa kanya at naglakad papalayo. Pumasok na rin siya sa classroom. Umupo sa isang tabi at kumuha ng test. 

-

Lychee's P.O.V. 

(O! Yan, alam na natin ang name niya. Hahaha. Pero si Mark? No idea =__=)

"HUUY!"

"Ay kabayo ka!" 

=___________________________=

"Makareact ka naman, Lychee" 

"Bakulaw ka, Alvin"

Inirapan ko siya at pinatuloy ang pagsilip sa bintana ng classroom na pinagkukuhanan ng test ni Mark. Gusto ko kasing makita siya na mag-exam. Sana makapasa siya. Sana. 

She's O.B.M.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon