Prom Night

482 3 0
                                    

YeppoMeNote:

Nasa side yung picture ni Park Tae Jun (Mark) sa PROM achuchu. And then yung suot ni Pande. Hahaha. Use your imaginations. Walang picture si Park Hyo Jin na naka-gown. Ayjuju. Enjoy! And vote. God bless Babes!

-

HER P.O.V.

"Tutee mukha akong suman na pula dito sa suot ko. Are you sure hindi pwedeng mag-jeans?" Sabi ko habang hinihigit ko pababa yung suot ko. 

Nilapitan niya ako. Pinagmasdan at ngumiti. 

"Ikaw na yata ang pinakamagandang suman kung ganon, Babe" Sabi niya sabay halik sa kamay ko. 

"Eh! Maka-BABE ka ah? Bola nanaman, sasama naman talaga ako e. No need to buy my decision by complimenting me"

His smile widened. "I'm serious. You look very beautiful. Ako lang magsasayaw sayo ha?"

"Malamang. Sino pa bang magsasayaw sakin na iba no?" 

"Sabagay, ako lang naman ang bulag na bulag sayo. Hahaha"

Aba =___= Hinampas ko siya ng malakas sa braso. 

"Aray!" Hinawakan niya yung parte na hinampas ko. "Pandee, amazona ka talaga no? Lalaki ka ata e? Naka-gown lang?"

"Aish! Ewan ko sayo. Tara na nga!"

Hinigit ko siya palabas ng kwarto ko ng naramdaman ko na parang may kulang pala. Napahawak ako sa leeg ko. 

"Ay! Mark, may nalimutan ako. Teka"

Bumalik ako sa salaminan ko at kinuha yung Infinity Necklace na bigay niya. Iniabot ko to sa kanya. 

"Na sayo pa pala to?" Tanong niya.

"Bakit naman mawawala sakin yan?"

"Eh, magdadalawang buwan na yata to e? Di ka ba nagsasawa sa itsura, Pandee?"

"Kahit kailan, di nakakasawa ang gamit na bigay ng taong mahal mo" Sabi ko tapos ngumiti siya sakin. Parang kinilig siya, ganon. Hahaha. 

"Kaya di ko rin to tinatapon ehh" Sabi niya sabay taas niya ng sleeve ng polo niya. Suot suot pala niya yung bigay kong bracelet. 

"Yak! Suot mo yan?"

"Ay hinde! Suot niya ako" Napakasarcastic naman niya =_____=

"Aish! I mean, talagang isusuot mo yan? Mukhang tali ng baka na kinulayan naman yan ehh"

"Ano ka ba, sabi mo nga diba? Walang nakakasawa sa gamit na bigay ng taong mahal. Walang pangit. Lahat special" 

Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi sabay hinalikan ako sa noo. Tapos nilagay na niya yung Infinity necklace sa leeg ko. 

"I hope everytime you're wearing this, you remember it's significance" 

"Of course" Hinarap ko siya. "Infinity. Gaya nating dalawa"

Hinawakan ko ang magkabilang kamay niya. 

"Di na tayo magkakahiwalay, hindi ba? Tayo na habang buhay. Walang makakasira sating dalawa. Diba?" Ngumiti siya sa sinabi ko.

"Naman! Mahal na mahal kita eh"

"Mahal na mahal din kita, Mark"

She's O.B.M.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon